Watch Now

Alexa Ilacad at KD Estrada, magpapakilig sa ASAP Natin 'To; Tom Rodriguez, maggi-guest sa All-Out Sundays

by PEP Troika
Jan 29, 2022
kdlex tom rodriguez
KD Estrada and Alexa Ilacad, also known as KDLex, will bring kilig feels to ASAP Natin 'To viewers this Sunday, January 30, 2022. Tom Rodriguez, on the other hand, is set to appear as special co-host and performer in All-Out Sundays.
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

Hindi nakatulong sa launching movie ni Alexa Ilacad na Santigwar (Oktubre 2019) ang mga patutsada niya kina Nash Aguas at Mika de la Cruz.

Mabuti at nabigyan si Alexa ng pagkakataong maging isa sa apat ng bida ng pelikulang Four Sisters Before The Wedding na nag-umpisang mag-streaming noong Disyembre 11, 2020. Bida rin doon sina Charlie Dizon, Gillian Vicencio, at Belle Mariano.

Naunang umangat sa kanilang apat si Charlie dahil sa MMFF 2020 entry na Fan Girl, kung saan tinanghal itong best actress sa filmfest. Nagbida kapagkuwan si Charlie sa Kapamilya primetime series na Viral Scandal, kapartner si Joshua Garcia.

Pumatok naman ang tambalan ni Belle with Donny Pangilinan sa mala-Meteor Garden series na He’s Into Her, na ipinalabas umpisa Mayo 2021 sa iWant TFC. Tinangkilik din ng fans ang streaming ng DonBelle movie na Love Is Color Blind (Disyembre 2021), at may season 2 ang serye nilang He’s Into Her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magpapayanig ang digital concert ni Belle na Daylight ngayong Enero 29, Sabado ng 8:00 p.m., sa KTX, kung saan panauhin sina Donny, Kyle Echarri, at Ben & Ben. Ang halaga ng tiket ay P195 (regular), P495 (VIP) at P795 (SVIP).

Pumasok si Alexa Ilacad bilang isa sa housemates ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 Celebrity Edition noong Oktubre 2021. Nabuo roon ang tandem nila ni KD Estrada na KDLex.

Tweet ng ABS-CBN Entertainment nitong Enero 28, Biyernes ng hapon, “Just a few hours after announcing the Closer: KDLex fancon scheduled on February 26, tickets for the KD Estrada and Alexa Ilacad fan event were immediately sold out.”

Ang halaga ng tiket sa fancon ay P199 (regular), P399 (VIP), at P599 (SVIP).

closer kdlex

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa mga sabik mapanood sina KD at Alexa, panoorin ang pagpapakilig nila sa ASAP Natin ‘To bukas, Enero 30, Linggo ng tanghali, sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Magsasanib-pwersa sina Gigi de Lana, Jona, at Yeng Constantino para sa Up Dharma Down hits sing-off.

World-class treat ang hatid nina Gary Valenciano, Erik Santos, Klarisse de Guzman, Zsa Zsa Padilla, Jed Madela, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez sa "The Greatest Showdown."

Magpapakitang-gilas sa kantahan ang new breed of ASAP singers na sina Anji Salvacion, Angela Ken, Diego Gutierrez, at Sam Cruz kasama ang bandang Six Part Invention.

Magpapaandar sa '80s hits kantahan at sayawan nina Janine Gutierrez, Darren Espanto, Jason Dy, Janine Berdin, Jeremy G, Jin Macapagal, at vocal trio iDolls.

GORGY RULA

Sa GMA-7 naman ay live na ang All-Out Sundays bukas, January 30, 2022!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pagkakaalam ko, hindi pa kasali si Alden Richards, pero tiyak na interesado ang lahat na panoorin si Tom Rodriguez na special guest bukas.

Tinanong ko ang mga taga-AOS kung ka-join din ba si Carla Abellana, pero si Tom lang daw.

Kasama ang kontrobersiyal na Kapuso actor sa mga maghu-host at hihirit ng mapanakit na performance ng Adele hit songs with Mark Bautista, Bugoy Drilon, at ang mga taga-The Clash na sina Jeremiah Tiangco, Garrett Bolden, Nef Medina, at Anthony Rosaldo.

Hindi rin papakabog ang mga komedyanteng sina Pokwang at Boobay na makipaghatawan sa sayawan kina Kyline Alcantara at Bianca Umali sa segment nilang "Ka-Sing Style: Dance Edition."

Sana, tuluy-tuloy nang bagong episodes ang mapapanood sa AOS kapag makapag-tape sila para sa mga susunod na linggo. Titiyakin daw nilang bagong episodes na ang mapapanood sa All-Out Sundays.

NOEL FERRER

Nakapag-tape na ang ASAP Natin ‘To ng mga bagong episode for the whole month of February.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maganda at real treat talaga sa viewers na new episodes ang mapapanood nila and, at least, tuloy ang work ng mga kasama natin sa industriya.

While all these are happening, nakaka-miss din si Christian Bautista na nag-e-enjoy sa well-deserved vacation niya with his wife, at si Martin Nievera na aabutan na rin ng kanyang 60th birthday next week sa U.S. kasama ng kanyang mga anak.

At least, masaya rin tayo na Martin is able to perform live sa mga lugar sa U.S., like his future gigs in Seattle and Portland at marami pang iba.

Dito kaya, kailan kaya tayo magkakaroon ng live concert na at hindi virtual na lamang? Sana, soon! Ingat!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
KD Estrada and Alexa Ilacad, also known as KDLex, will bring kilig feels to ASAP Natin 'To viewers this Sunday, January 30, 2022. Tom Rodriguez, on the other hand, is set to appear as special co-host and performer in All-Out Sundays.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results