Year of Separation ang 2022, ayon sa isang feng shui expert

by PEP Troika
Jan 29, 2022
year of the water tiger

NOEL FERRER

Isang masigla at magandang Marites Allen, the feng shui expert, ang bumungad sa atin mula sa London. Nagbigay siya ng feng shui tips sa pagdating ng Chinese New Year na magsisimula sa Pebrero 1, Martes.

Ayon kay Marites, ang year 2022 is the Year of the Water Tiger na magiging Year of Separation daw.

Tuloy, napag-usapan ang mga katulad nina Tom Rodriguez at Carla Abellana na marahil malaking factor din ang pandemya at mga pagbabago sa mga work arrangements kaya nagkakaganito ang mga relasyon.

Sa business, ayon pa sa feng shui expert, papatok daw ang may kinalaman sa technology at water. Hinay-hinay muna ang mga business na may kinalaman sa wood.

Sa mga relasyon, matutong magpatawad o magpakalma. Kung hindi, maaaring tumungo ito sa paghihiwalay.

Heto po ang ibang tips ni Marites ngayong sasapit na ang Chinese New Year:

1. Learn about the the 5 Feng Shui Elements. Each element will help bring out a particular mood and achieve a goal.

Continue reading below ↓

2. Let in AIR and LIGHT. Bring light is a good feature and encourages positive energy.

3. Care about the quality of energy. The arrangement of furniture should not interfere with the vital energy of chi.

4. Choose the correct bed location. A bed needs to be placed into a command position, which means you need to see the entrance when raising your head.

5. Mirrors matter a lot. They can energize a room, so they are better for the dining room than the bedroom.

6. Keep things and windows clean. Specialists believe that water is the best cleaning since it tends to absorb negative energy.

7. Maintain a gratitude list.

8. Check out your home’s entryways (orientation and design of doors, and windows affect the flow of energy.)

9. Get your Kua member to determine your ideal sleeping direction.

10. Practice Affirmations.

11. Install fortune plant.

12. Display/wear Wu Lou as health luck protections.

Continue reading below ↓

13. Create a vision board.

14. Artwork and decor should represent vibrant energy.

15. Turn on an air diffuser with your favorite essential oil in the rooms you frequent and spend most of the day in.

16. Display happy family photos; and bright lights and vibrant colors.

17. In the center of the living room, add a set of six crystals balls to symbolize the uniting of heaven and earth. This helps make relationships smooth and harmonious.

18. Set your intentions to benefit not just yourself but to help others as well.

Nangako si Marites na magkakaroon kami ng isa pang session para pag-usapan ang eleksyon. Kailangan lang niyang kunin ang ilang data tungkol sa mga kandidato para mabuo niya ang kanilang mga chart.

JERRY OLEA

Kahit usap-usapang naanakan ng isang kilalang aktor ang dalawang gandarang babae, malabong maghiwalay sila ng kanyang asawa.

Sabi-sabi, batid ni misis ang extra-marital activities ng kilalang actor. Ang importante kay misis, umuuwi si mister sa kanila ng mga anak nila.

Continue reading below ↓

Hindi bago sa showbiz ang ganyang scenario. Sa paglipas ng panahon, nagiging magkakasundo pa ang ibang magkakapatid na iba-iba ang ina pero iisa ang ama. May kaso ring naging katsika pa ng legal wife ang naanakan ng kanyang mister.

Ang isang premyadong aktres, tinanggap nang maluwag sa dibdib ang pambababae ng asawa niya. Baog kasi ang premyadong aktres, kaya hinayaan niya ang asawang magpunla sa iba’t ibang babae.

Dapat lang siguro na maging magkakakilala ang mga magkakapatid sa ama.

Hindi ba, muntik nang maging magtanan noon ang isang dakilang aktor at isang maalindog na aktres? Napigilan ang plano nila nang sabihan silang magkapatid sila sa ama!

Walang masama kung susundin natin ang feng shui para i-harness ang positive energy. Pero huwag tayong magpaka-OA!

Tandang-tanda pa natin ang paandar ng isang manghuhula noong 2019 na kesyo masuwerte ang 2020 para sa lahat dahil ito ay “strong, prosperous and lucky year.”

Lumaganap ang pandemya at maraming negosyo ang nagsara, pero sa katapusan ng 2020 ay ipinagpilitan pa rin ng manghuhula na ang nasabing taon ay masagana at masuwerte.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

May hatid naman talagang positivity itong tips na ibinigay ni Madam Marites.

Pero pagkatapos sumabit ang predictions ng mga manghuhula at ibang feng shui expert nung 2020, kung kailan pumutok ang pandemya, mas tumibay ang pananalig ng karamihan sa ating Panginoon at kumapit sa taimtim na pagdarasal.

Pagdating sa napi-predict na hiwalayan, marami naman ang umaasang may mabubuong magandang relasyon sa mga hinahangaan nating artista.

Hopia ang mga JuliVer fans na sana magkadebelopan na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz. Ganundin ang inaabangan kina Paulo Avelino at Janine Gutierrez.

Inaasahan na ring may ipakikilalang kasintahan si Alden Richards dahil ang love life ang isa sa gusto niyang tutukan ngayong 2022.

Samantala, bilang dalawang 2 ang huling numero ng taong 2022, inaasahan na ring babalik ang sigla ng Channel 2 sa ilalim ng AMBS Network ng billionaire na dating Senador Manny Villar.

Posible kayang mga shows ng ABS-CBN ang mapapanood sa Channel 2 ng AMBS? Posible kayang makipag-partner na ang AMBS ni Sir Manny sa Kapamilya network para hindi na sila mahirapan sa mga ipalalabas sa kanyang network? Puwede naman, di ba?

Continue reading below ↓

Pero depende ‘yan kung walang napagkasunduan si Sir Manny sa mga nagbigay ng frequency sa kanyang AMBS Incorporated.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results