GORGY RULA
Kung nag-beg off si Ferdinand Marcos Jr. sa Panata Sa Bayan: The KBP Presidential Candidates Forum bukas ng 9:00 a.m.-12:00 nn, pinagbigyan naman niya si Korina Sanchez-Roxas sa programa ng broadcast journalist na Rated Korina, ang "Upuan ng Katotohanan, The 2022 Presidential Special."
Magazine format ang programa ni Korina kaya hindi raw ito puwedeng ikumpara sa presidentiable interviews nina Jessica Soho at Boy Abunda.
Ani Korina, “Mas mahaba di hamak ang oras ni Boy and Jessica sa mga interview nila. Kami kasi ay ibang format talaga. Magazine.
“By design, I really want na makilala ang kandidato hindi lang sa seryosong usapan, sa tanungan.
“Gusto kong makita ng tao na tao din silang lahat na may pamilya, may nakakahiligan na gawain, tumatawa din.
“Ang isang Presidente ay tao din. At tayong lahat, tumataya sa kabuuan ng tao at hindi lang sa isang seryosong lider na nakaupo at sumasagot ng tanong. Sa Pinoy nga, sabi nila, tipo-tipo 'yan sa pagpili.”
Kaya hindi lang ito seryosong tanungan, kundi may light moment si Madam Korina sa limang nangungunang presidentiable.
“So, as how a magazine format would do, nilakad ako ni Yorme sa mga kalsada ng Maynila.
“Pinakita sa akin ni VP Leni ang condo apartment nilang mag-iina. Nag-piano at kumanta si Senator Pacquiao.
“Nanghuli kami ng isda ni Senator Lacson sa farm niya, at si Senator Marcos, magluluto daw,” dagdag niyang pahayag.
Ang kaibahan pa raw ng Presidential Special ni Korina, may mga katanungan siyang nanggaling sa ibang beterano at batikang journalists.
“I gathered questions from other members of the press, di lang sa akin. May mga tanong mula sa iba’t ibang batikan at beteranong mga journalist, news producers, advocates, supporters and non-supporters. Papangalanan namin ang mga nagtatanong.
“Marami na ang sampung tanong or less sa bawat kandidato,” sabi pa ni Madam Korina.
Mapapanood na ito sa Pebrero 5, Sabado ng 5:00 p.m. sa A2Z, 7:30 p.m. sa TV5, at 10:30 pp.m. m sa Kapamilya Channel at Kapamilya Online.
Sa Pebrero 6, Linggo ng 7:00 p.m. ay mapapanood din ito sa One Ph.
JERRY OLEA
Hindi nagpaunlak ng interbyu si Bongbong Marcos kina Jessica Soho at Karen Davila & Rico Hizon.
"Biased" daw kasi si Jessica, as in anti-Marcos. Samantalang may conflict daw sa schedules kaya hindi pumuwede si BBM sa forum with Karen & Rico.
Walang naging problema si Korina Sanchez kay BBM. E, kasi naman, personal na inimbitahan ni Ate Koring ang limang nangungunang presidentiable. At hindi siya nahirapan, huh?!
“I invited the presidentiables myself, kailangan kasi ganun,” lahad ni Ate Koring.
“All of the candidates I’ve been interviewing for decades. Honestly, lahat sila, friendly kami.
“May mga pinagdaanan na rin in a way that I’ve asked them the tough questions and I’ve also had laughs with each of them, too.
“I was surprised I had no problems inviting any of them.
“Honestly, I wasn’t sure BBM would be easy and friendly once I sent the invite through his media head. But I got the schedule right away.”
Ano ang masasabi ni Ate Koring sa limang nangungunang presidential aspirants?
“I’ve been interviewing presidential candidates all my career. And you might say nothing much surprises me anymore. Am not jaded though,” tugon ni Ate Koring.
“But there is no one like the current President Duterte in this batch of candidates — in a way that nothing flies extremely to one direction or another, in terms of just words. Especially at this point nearer finish line, they’re more calculated, deliberate and, yes, careful.
“I have opinions about how and what they answered but I’m not editorializing here.
“I hardly did follow-up questions because we didn’t have that time with each.
“You’ll have to judge for yourself and, hahaha, watch.”
Sa Instagram account niya ay nagpasampol si Ate Koring ng interbyu with Ping Lacson.
NOEL FERRER
Ayon sa kasamahan natin sa media na tiga-TV5 (kung saan napapanood din ang Rated Korina), dahil kasama sila sa nag-oorganisa ng KBP Forum, last week pa raw nag-decline si Bongbong Marcos sa kanila sa nasabing event.
Hindi pa nase-set noon ang interview with Korina.
Nagulat na lang sila noong binigyan sila ng ultimatum na hanggang rehearsal day, Wednesday ng 12:00 nn, nang sabihin na final NO show na si Marcos Jr. at lumabas na ring may Korina interview ito.
Naging parte rin naman tayo ng production to know na kung gusto, may paraan… kung ayaw, may dahilan.
Maghihintay lang din naman si Korina ng ibibigay na oras at petsa sa kanila ng kampo ni Marcos Jr. para mag-shoot.
Kung gusto talaga ni Marcos Jr. na dumalo sa KBP Forum, puwede namang mag-adjust ang mga bagay-bagay.
Ang tanong ngayon ay bakit ba ayaw ni Marcos Jr. na makasama ang mga katunggali niya sa isang forum?
Yung ibang malilikot ang isip ay it’s really also not a choice between Korina or Karen Davila na mga anchors ng nasabing interviews.
Kung gugustuhin naman ni Marcos Jr., puwede naman niyang gawin ang KBP Forum at yung kay Korina nang magkaibang oras… unless, ayaw niya talaga.
Wag gagamitin ang programa ni Koring na dahilan sapagka’t mag-a-adjust iyan sa availability ng interviewee.
Ibabalik natin ang tanong: bakit ayaw gawin ni Marcos Jr. ang KBP Forum?
Ieere at ila-livestream ang KBP Forum sa mahigit 300 KBP stations nationwide, kabilang ang TV5, Cignal, CNN Philippines, A2Z, ABS-CBN, Bombo Radyo, Far East Broadcasting Company (FEBC), Manila Broadcasting Company (MBC), Radio Mindanao Network (RMN), at Radyo Pilipino.
Sana, magpakatotoo siya sa sagot. At ang mga tao naman, maging mapanuri sa aplikasyon ng mga nagtatangkang maging lider natin.
We deserve better than this.