Watch Now

Diether Ocampo sugatan sa car accident sa Osmeña Highway

by PEP Troika
Feb 4, 2022
diether ocampo car accident
Actor Diether Ocampo was rushed to a hospital after sustaining injuries from a vehicular accident that happened along Osmeña Highway at dawn this Friday, February 4.
PHOTO/S: Noche Cacas of DZRH

GORGY RULA

Naaksidente ang aktor na si Diether Ocampo dakong 12:40 a.m. nitong Biyernes, February 4, 2022.

Ayon sa ulat ng DZRH police reporter na si Noche Cacas, si Diether mismo ang nagda-drive ng sasakyan niyang SUV Ford Explorer nang bumangga ito sa nakahintong garbage truck sa may service road ng Osmeña Highway sa Brgy. Pio del Pilar, Makati City, bago dumating sa Arnaiz Avenue.

Ayon sa Bantay Bayan ng Brgy. Pio del Pilar na si Joel Alicante, mabilis ang takbo ng SUV habang binabaybay nito ang service road ng Osmeña Highway.

Nagulat naman ang driver ng garbage truck na si Lauro Banaga nang biglang may kumalabog sa bandang likuran ng truck, habang abala raw sila sa pagkuha ng mga basura.

Sa lakas ng pagkabangga, wasak ang kaliwang harapan ng SUV ni Diether.

diether ocampo car accident

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaagad namang rumesponde ang Philippine Red Cross na nagdala sa aktor sa Makati Medical Center. Sinamahan ang aktor ng isang kaibigan na kaagad dumating sa lugar na pinangyarihan ng aksidente.

Ayon pa sa ulat na ipinarating sa amin ng DZRH reporter na si Noche, amoy-alak umano si Diether nang iligtas ang aktor mula sa kotse. Wala raw itong malay at may sugat sa noo at paa.

Nang isinakay na si Diether sa ambulansya, nagpupumiglas daw ang aktor at gustong tumayo.

Dinala sa Traffic office ang sasakyan ni Diether, at isinama na rin ang driver ng garbage truck para sa follow-up investigation.

Sinubukan ng PEP Troika na mag-follow up sa handler ni Diether sa ALV Talent Management, pero matagal na pala itong wala sa management team ni Arnold Vegafria.

JERRY OLEA

Buti naman at walang nasaktan sa mga basurero nang banggain ng SUV Ford Explorer ni Diether ang kanilang trak.

Dalangin natin na bumuti ang lagay ng aktor sa lalong madaling panahon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Be well, Diet! Ingat din sa mga kasamahan natin sa industriya. Dasal natin ay bumuti na at umunlad ang kalagayan nating lahat.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor Diether Ocampo was rushed to a hospital after sustaining injuries from a vehicular accident that happened along Osmeña Highway at dawn this Friday, February 4.
PHOTO/S: Noche Cacas of DZRH
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results