Julius Babao kapalit talaga ni Raffy Tulfo sa Frontline Pilipinas?

Planado na ba talagang si Julius ang ipapalit kay Raffy noon pa?
by PEP Troika
Feb 5, 2022
Julius Babao cotract signing frontline pilipinas
Julius Babao (pangalawa mula kanan) sa bago nitong bahay matapos ang kanyang contract signing sa TV5. Kasama sa larawan sina (mula kaliwa) Mediaquest Holdings Inc. Paralegal Atty. Amiel Arcangel, Cignal TV and TV5 President and CEO Robert P. Galang, at TV5 CFO Pierre S. Buhay.

JERRY OLEA

Oktubre 1, 2021 nang iwan ni Raffy Tulfo ang mga programa niya sa TV5 dahil sa pagkandidato niya para senador sa May 2022 elections.

Disyembre 31, 2021 nagpaalam si Julius Babao sa ABS-CBN para lumipat sa Kapatid Network.

Sa virtual mediacon noong Pebrero 2, Miyerkules, inurirat ng katotong Janiz Navida kung kaya ba kinuha ng TV5 si Julius ay para maging kapalit ni Raffy Tulfo sa Frontline Pilipinas? O bago nag-file si Raffy ng kandidatura, may pag-uusap na para maging part ng TV5 si Julius?

“Palagay ko, yung ganung question, si Ma’am Luchi [Cruz-Valdes] ang makakasagot nun, ‘no?” sambit ni Papu Julius.

“Pero masasabi ko lang, it’s an honor na ako ang maging kapalit ni Raffy Tulfo sa Frontline Pilipinas.

“Ahhm, maraming nag-a-idolize talaga kay Boss Raffy, kasi, talagang tumutulong siya sa kapwa, e.

“Alam mo, pag ang isang tao, tumutulong ay nakukuha niya talaga ang respeto ng maraming tao. So, I have a lot of admiration for Raffy dahil ang tao mismo ang nagsasabi na tumutulong siya, e. Pumupunta raw dito, tinutulungan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, yun ang bagay na hinahangaan natin sa mga taong tulad niya. And like ako, I also had shows sa ABS-CBN na ganun din, tumutulong din ako sa ibang tao sa abot ng aking makakaya.

“And nagkaroon din ako ng mga shows, yung Mission: Possible, Lingkod Kapamilya. So, talagang nandun talaga yung pinaka-template, kumbaga, ng pagigi kong journalist.

“Ahh, pero insofar kung pinag-isipan na ako talaga ang papalit, ay palagay ko’y hindi yun, e! Nagkataon lang talaga na dumating yung punto na nagkaroon ng need para sa isang anchor sa Frontline Pilipinas, and it just so happened na nandun ako at the right place at the right time.

“So, yun ang nangyari diyan,” pakli pa ng beteranong journo, na makaka-tandem ni Cheryl Cosim sa Frontline Pilipinas umpisa Pebrero 7, Lunes ng 5:30 p.m. sa TV5.

Paliwanag naman ni Ma’am Luchi na First Vice President for News and Information ng TV5, “Madalas tanungin sa amin yan, sa akin, ‘no? Pero mula’t sapul, ginagalang ko rin ang bawat… yung tinatawag naming equity ng mga anchor, ‘no?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“May kani-kanyang personality at saka advocacies ang mga yan, e. And pag kinukuha namin sila, alam din namin kung ano yung strengths, weaknesses. I mean, we factor in everything.

“And you know, Raffy is one of a kind, as Julius is. And it will be totally unfair for us to expect Julius to fill in, you know, the shoes of Raffy.

“It’s not only impossible, but it’s unfair! So, no, we don’t intend to replace Raffy with somebody like him, ahh, because we know that it’s not right, ‘no?

“And I also know that Raffy will continue with his cause to give public service, as Julius will also with us, and we will have a public service segment for Julius that’s right up his alley.

“Sabihin na lang muna natin for now, na since Mr. XXX yan, along those lines… yon!”

Noong Miyerkules din pumirma si Julius ng kontrata sa Cignal at TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Present sa contract signing sina Mediaquest Holdings Inc. Paralegal Atty. Amiel Arcangel, Cignal TV and TV5 President and CEO Robert P. Galang, at TV5 CFO Pierre S. Buhay.

GORGY RULA

Bago ang Q&A sa virtual mediacon, isa si Ma’am Luchi sa mga nag-welcome kay Julius sa TV5.

Masayang lahad ni Ma’am Luchi, “I’d like to believe that today is going to be the first day of what to me is a very auspicious near future and long-term future for News5 with the addition of Julius Babao in our ranks.

“Alam nyo naman, Julius and I, we go back a long way. We’ve worked together in ABS-CBN before. Ang dati kong Kapamilya, ngayon magiging Kapatid ko na rin!

“I have great faith in Julius. Hindi naging mahirap sa amin ang desisyon dahil pagdating naman talaga sa pagpipili ng kung sino ang kilala na, kung sino ang may track record na, kung sino ang alam ko personally na madaling katrabaho…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“E, wala na talagang ibang makakadaig pa kay Julius Babao!

“And so now, with welcoming open arms and I wish I could give him a hug—but a virtual hug is all that I can manage for now—welcome, Julius!

“So excited to be working with you!”

Kabilang pa sa mga nag-welcome kay Julius sina Cignal TV and TV5 President and CEO Robert P. Galang, Cheryl Cosim, Gretchen Ho, Ed Lingao, Mean Los Baños, DJ Chacha, at Tintin Bersola-Babao.

NOEL FERRER

Totoo kayang idadagdag din si Gretchen Ho sa primetime news para maganda ang tapatan ng Frontline Pilipinas sa nasa GTV ngayon na mataas ang rating at kinagigiliwang Dapat Alam Mo with Kim Atienza, Emil Sumangil, at Patricia Tumulak?

Muli, ang panalo rito ay tayo! Pagandahan ng programa ang labanan!!!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julius Babao (pangalawa mula kanan) sa bago nitong bahay matapos ang kanyang contract signing sa TV5. Kasama sa larawan sina (mula kaliwa) Mediaquest Holdings Inc. Paralegal Atty. Amiel Arcangel, Cignal TV and TV5 President and CEO Robert P. Galang, at TV5 CFO Pierre S. Buhay.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results