Andrea Brillantes-Kyle Echarri-Darren Espanto groufie, bakit iniintriga?

by PEP Troika
Feb 6, 2022
Kyle Echarri
Andrea Brillantes
Darren Espanto
Bakit nga ba iniintriga ng mala-Marites na netizens ang groufie nina Andrea Brillantes, Kyle Echarri at Darren Espanto? Ayon sa statement mula sa kampo ni Andrea, walang malisya sa naging kontrobersyal na litrato na mabilis kumalat online.

JERRY OLEA

Nag-post si Kyle Echarri ng litrato sa Instagram Stories kung saan topless siya, at napapagitnaan nina Andrea Brillantes at Darren Espanto.

May mga nakapag-screenshot niyon at nagpakalat.

Naintriga ang nasabing post lalo pa’t natsismis sina Francine Diaz at Seth Fedelin noong nakaraang buwan.

Magkakasama sa Kapamilya Gold Squad sina Francine, Kyle, Andrea at Seth. Sina Francine at Kyle ang magka-loveteam, samantalang sina Seth at Andrea ang magka-partner.

Naglabas ang handler ni Andrea—ang Becky Aguila Artist Management—ng statement kaugnay sa litrato ng aktres kasama sina Kyle at Darren.

Ipinost iyon ni Katrina Aguila (co-manager) sa Facebook page ni Andrea nitong Pebrero 6, Linggo ng 1:45 am, pero tinanggal din kapagkuwan.

Ang paliwanag ng Becky Aguila Artist Management, “This is to clarify matters about a photo circulating online of our artist Andrea Brillantes with Kyle Echarri and Darren Espanto.

“First of all, the photo was taken after a vlog shoot where AC Bonifacio and Xyriel Manabat were also present.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Second, they have been good friends for a long time thus, they are comfortable around each other.

“Third, the three are merely taking a selfie and only malicious minds would even think that there is more to that photo.

“We condemn those who are quick to judge and even went as far as creating rumors online, maligning our artist’s reputation.

“Rest assured that we are taking this matter with utmost vigilance and shall put an end to this unfortunate misunderstanding.”

Sabi pa ni Katrina sa FB page ni Andrea, “We hope this puts an end to all speculations brought about by this supposedly harmless selfie among three good friends.

“P.s. Okay lang naman maging Marites, pero wag naman masobrahan at lumevel up pa sa pagiging echuserang palaka.”

Pumalag ang kampo ni AC Bonifacio sa pagkakadawit ng pangalan nito sa isyu.

Nag-reach out kami kay Katrina nitong Linggo ng hapon via Messenger kung maglalabas ba sila ng bagong pahayag o dedma na lang sa usaping ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

As of this writing, wala pa kaming natatanggap na tugon.

GORGY RULA

Kaya naiintindihan ko ang ibang magulang na ayaw nilang pag-artistahin ang kanilang anak.

Inaasahang mas maayos sana ito ng mga magulang.

Pero sa kaso ng mga artistang ito, sa pagkakaalam ko ay magaling ang Star Magic mag-ayos ng ganung gusot.

Pero bakit hindi muna pinahupa bago naglabas ng statement na hindi naman pala mapanindigan?

Lalo tuloy lumaki ang isyu at lalong nagkamalisya ang nag-iisang post na iyun.

Sa post na iyun, lalong naging desirable si Kyle.

Baka ang ending makakatulong pa kay Kyle ang isyung ito.

Maaring hindi rin makakaapekto kay Darren.

Mag-ingat na lang kung paano ito ayusin kay Andrea, dahil sa nakaraang isyung kinasangkutan niya.

NOEL FERRER

Tama kayo, ang paglalabas ng statement ay last resort, unless kailangan talagang mag-ingay at tanggap ang posibilidad na lumaki ang isyu.

Ito na nga ang nangyari ngayon.

Sana, makatulong ito sa pagpapalaki ng respeto sa mga ito bilang mga artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bakit nga ba iniintriga ng mala-Marites na netizens ang groufie nina Andrea Brillantes, Kyle Echarri at Darren Espanto? Ayon sa statement mula sa kampo ni Andrea, walang malisya sa naging kontrobersyal na litrato na mabilis kumalat online.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results