David Chua, happy sa Kapuso network; patok ang TikTok kasama si Kate Yalung

by PEP Troika
Feb 7, 2022
David Chua Kate Yalung
David Chua on TikTok video with Kate Yalung: "Sabi ni Kate, 'Kuya David, nag-trending tayo! 1.5M views na tayo, tingnan mo! Tingnan mo! Tingnan mo!' Sabi ko, 'Ha?! Patingin nga! Bakit ba ganun? Ano bang ginawa natin?!' Tapos, yun na, chineck ko na."
PHOTO/S: Kate Yalung TikTok

JERRY OLEA:

Patok ang TikTok video ni David Chua kasama si Kate Yalung na co-star niya sa Chinoyseryeng Mano Po Legacy: The Family Fortune.

In 24 hours, more than one million (1M) views!

"Nagsimula kasi yun, mahilig na silang mag-TikTok, sina Kate. Actually, siya ang may account nun, e,” kuwento ni David sa virtual interview noong Pebrero 5, Sabado ng hapon.

"Tapos, sina Barbie Forteza, nagti-TikTok na sila. Ako na lang yata yung hindi niya naimbitahan.

"Pag grupo kasi, nahihiya po akong sumama sa mga TikTok. Kasi, wala naman po akong TikTok.

"Tapos one time, parang nagkaeksenahan kami ni Kate. Sabi niya, 'Kuya David, pwedeng mag-TikTok tayo? Kasi, ikaw na lang yung walang TikTok!'

"Sabi ko, 'Naku! Huwag mo na akong isama diyan!' 'Sige na, isa lang!' So, dun nag-start. Sabi niya, ‘Ito ang gawin mo, clap-clap tayo, tapos ganyan! In character pa rin, ha?!'

"Sabi ko, 'Sige na nga, gawin ko! Kate, ha, last na ‘to! Ayaw ko na talaga!' So, ginawa namin. Nag-dance lang kami, 15 seconds."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

David Chua, Kate Yalung

Nagulat si David nang malamang nag-trend sa TikTok ang simpleng video nila ni Kate.

"And then, the following day, sabi ni Kate, 'Kuya David, nag-trending tayo! 1.5M views na tayo, tingnan mo! Tingnan mo! Tingnan mo!'

"Sabi ko, 'Ha?! Patingin nga! Bakit ba ganun? Ano bang ginawa natin?!' Tapos, yun na, chineck ko na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ay! Nakakaaliw nga naman pala yung TikTok na dinance ni Kate, at in character pa pala si Phillip Lo, yung karakter ko sa Mano Po."

Iyon ang first ever pagti-TikTok ni David, na gumaganap bilang isa sa mga galamay ni Maricel Laxa na kontrabida sa primetime Chinoyserye ng GMA-7.

"Isa akong member dun ng LGBTQ community, at nakakatuwa naman, kasi, pag naglalakad ako sa labas, tinatawag nila akong, 'Ay! Ano ka! Paran kapsiao!!!'

"Ginaganun nila ako. Sa Chinese, ang meaning, 'Luku-luko ka!' Kumbaga, yung tingin nila sa akin, yung karakter, hindi ako. Ha! Ha! Ha! Ha! Nakakatuwa naman pag may ganung klaseng insidente," natatawang pagbabahagi ng 32-anyos na actor-director.

Maituturing ba niya ang sarili na isa nang Kapuso dahil sa Mano Po Legacy? O isa pa ring Kapamilya sa dami ng ginawa niyang TV shows sa ABS-CBN?

"Sa Kapamilya ho kasi, naka-30+ teleseryes po ako. Hindi po ako bida, hindi po ako lead. Support po ako," tugon ni David na noong 2008 nag-umpisang mag-artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Palaging support. Pero 30+, imagine?! Parang, buong buhay ko bilang artista, nasa ABS-CBN ako.

"So, masasabi ko naman sa GMA, mapalad din ako na nagkaroon tayo ng show. So, kung saan po may trabaho, dun po ako. Kailangan ko lang mabuhay."

Ang Mano Po Legacy ay joint venture ng GMA Network at Regal Entertainment. Pumirma si David ng kontrata sa Regal, kaya napasama siya sa Chinoyserye.

Noong Enero 3 nag-pilot sa GMA Telebabad ang Mano Po Legacy, na walong linggo ang unang installment. Simula ngayong Pebrero 7, Lunes ay mapapanood na ito nang mas maaga, 8:50 p.m., pagkatapos ng I Left My Heart In Sorsogon.

Kumusta ang pagtatrabaho sa GMA kasama ang Kapuso stars, since ito ang unang proyekto niya sa kanila?

"Sarap! Ang sarap! Ang sarap ng feeling, lalo na, nung una, nahihiya ako. Kasi, wala akong kakilala," paliwanag ni David.

"Parang bagong environment. Parang pumasok ka sa panibagong eskwelahan, tapos, wala kang kilala, di ba? Yung ganung pakiramdam, na ikaw lang, sila, magkakakilala na. Ikaw, hindi pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero wala sila kasing parang, 'Ahh, mas veteran ako sa ‘yo, di kita papansinin!' Lahat sila, papansinin ka, e. Kukumustahin ka, 'Uy, kain ka na, o!'

"Ang hilig nga nila dun, 'Uy! Mag-TikTok tayo! Mag-TikTok tayo!' Puro ganun. Kung break, puro TikTok.

"Nagugulat na nga lang ako, pati si Maricel Laxa, siya pa ang mahilig mag-TikTok! Siya pa ang nangunguna, 'Mag-TikTok tayo!’ Ha! Ha! Ha!"

Halata naman sa mga TikTok ng Mano Po Legacy na masaya at enjoy sila sa set.

Pag-ayon ni David, "Kasi, magaan talaga katrabaho lahat, e. Kahit yung mga crew, kahit yung mga ganyan, walang pa-diva. Walang ganun."

GORGY RULA:

Mabuti at na-manage nina Arnold Vegafria at Joji Dingcong si David kaya napasok ito sa Regal.

Pagkatapos nitong Mano Po Legacy ay napag-usapan daw nina David at Roselle Monteverde ang posibilidad na pagdidirek niya sa pelikula.

"Nagkausap na kami ni Ma'am Roselle sa Regal. Sabi niya, 'David, simulan muna natin sa digital. Dun ka muna mag-start, magdirek ka ng digital. Ano bang gusto mo?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sabi ko, 'Ang genre ko, ang hilig ko, horror. Iyon ang paborito kong gawin, horror.' Sabi niya, 'Sige, tapusin mo muna yung Mano Po, tapos pag-usapan natin yung gusto mong idirek. Pero digital muna, huwag ka munang mag-mainstream.'

"Tama naman, tama naman. Kasi, ayoko rin namang biglain at ma-overwhelm ako na, 'Ay! Eto, ang laki ng dinidirek ko!' Gusto ko, magdirek muna ng digital," pakli ni David.

Meron na raw siyang nagawang script na gusto niyang gawin sa Regal.

"Bata pa lang ako, matatakutin na ako. Kung naniniwala kayo sa mga pamahiin, ako kasi, medyo lapitin ako sa mga ganyan, e," lahad ni David.

"Nakakakita ako pero ayoko na lang, isinasarado ko yung utak ko. So, malikot ang aking isipan pagdating sa mga ganyang klaseng, sabihin natin, mga multo.

"Dun ko siya nagagawan ng kuwento about experiences sa buhay."

Mas pipiliin na ba niyang magdirek kesa mag-artista?

Tugon ni David, "Sa ngayon, ang paborito ko ho talaga is umarte. Yun yun pinakasalan kong linya, e, yung pag-arte. So, kung wala po akong oportunidad, magdidirek po ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER:

Oh well, dapat galingan talaga ni Direk David sa ginagawa niya. Iba na ang expectations sa kanya dahil ibang level na ang involvement niya sa showbiz.

At para rin mawala ang anumang duda sa kanya na kuneksyon ang dahilan kung bakit nandiyan pa siya at nagpapatuloy sa industriya, his best weapon will be not his looks and his connections, but his good body of works.

We’ll see kung hanggang saan pa ang kanyang aabutin.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
David Chua on TikTok video with Kate Yalung: "Sabi ni Kate, 'Kuya David, nag-trending tayo! 1.5M views na tayo, tingnan mo! Tingnan mo! Tingnan mo!' Sabi ko, 'Ha?! Patingin nga! Bakit ba ganun? Ano bang ginawa natin?!' Tapos, yun na, chineck ko na."
PHOTO/S: Kate Yalung TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results