Paolo Contis tinotodo ang bakasyon sa Bicol; kuya ang kasama at walang "friend"

by PEP Troika
Feb 9, 2022
paolo contis albay
Kasalukuyang nasa Albay ang Kapuso actor na si Paolo Contis kasama ang kanyang kuya na si Carlo (kanan).
PHOTO/S: Courtesy of Paolo Contis

GORGY RULA

Nasa Albay ngayon si Paolo Contis kasama ang kuya niyang si Carlo Contis.

Kapansin-pansing napapadalas ang pagpunta ni Paolo sa Bicol pagkatapos niyang mag-taping sa Sorsogon ng I Left My Heart in Sorsogon nila nina Heart Evangelista at Richard Yap.

Tinotodo raw muna ni Paolo magbakasyon bago siya sumabak muli sa trabaho. Hindi pa raw sure kung ano ang susunod niyang gagawin sa GMA-7 pagkatapos ng I Left My Heart in Sorsogon na magtatapos na sa Biyernes, February 11.

Nagtagal din si Paolo sa Sorsogon, at may mga nakilala siyang mga kaibigang taga-Bicol kaya naiimbitahan siyang magbakasyon doon.

Masalimuot ang bakasyon sa Baguio, kaya ang Bicol ang type niyang pagbakasyunan, kasama ang kuya niya at walang ibang "friend."

Thankful din si Paolo sa I Left My Heart in Sorsogon dahil ang laki raw ng nagawa nito sa kanya. Saka na lang daw niya ikukuwento sa atin kung ano pa, dahil patapos pa lang ang naturang drama series.

Continue reading below ↓

Nagpapasalamat din siya sa magagandang feedback sa kanyang role bilang si Mikoy, lalo na ang mga pa-under acting niya.

“Hindi naman masyadong pasabog ang acting ko diyan, kasi light lang naman ang Sorsogon,” text sa akin ni Paolo.

Hindi lang niya makuwento kung kanino kina Mikoy (Paolo) o Tonito (Richard), mapupunta si Celeste (Heart). Pero kinarir daw niya ang ilang mga eksena niya rito, lalo na sa ending.

Natawa naman si Paolo nang hiningan ko ng reaksiyon na siya raw ang "male Nora Aunor" ng GMA-7 dahil sa pa-underacting na style ng pag-arte.

Si Dingdong Dantes naman daw ang "Vilma Santos" ng Kapuso Network dahil sa style nito ng pag-arte sa katatapos lang na I Can See You: AlterNate. Mahirap ang dual role na ginampanan ni Dingdong sa AlterNate, at pinuri rin siya rito.

“Ate Guy at Ate Vi talaga? Hahaha!

“Sana nga makatrabaho ko si Dong ng drama, e. Mostly kasi, action pag kaming dalawa e,” text niya sa akin.

Continue reading below ↓

Gusto raw ni Paolo na mabigat na tema ng drama ang gawin niya kung sakaling bibigyan siya ng GMA-7 ng isa pang teleserye.

JERRY OLEA

Naalala ko tuloy na parehong nominadong best actor sina Paolo (Through Night and Day) at Dingdong (Sid & Aya: Not A Love Story) sa 3rd Eddys (Entertainment Editors’ Choice) ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) noong 2019.

Ang nagwagi ay si Dingdong.

Hopia at asado tayong masundan ang pagbibida ni Paolo sa primetime series pagkatapos nitong I Left My Heart in Sorsogon, para yumabong pa ang mala-Nora-Vilma rivalry nila ni Dingdong.

Naku! Hindi ba puwedeng ihalintulad ang rivalry ng magkaibigan kina Judy Ann-Claudine para mas recent?!

Basta, bilib tayo sa pagiging uragon ni Paolo. Parang sinusundan niya ang mga yapak ni Manoy, ang namayapang Eddie Garcia!

NOEL FERRER

Ako rin ay nasa Albay at balitang magkikita ngayon si VP Leni Robredo at ang asawa ni Heart Evangelista na si Chiz Escudero.

Continue reading below ↓

Ang saya lang, kasi kahit naging magkatunggali noong last vice presidential race (2016), sinuportahan ni Senator Chiz ang mga programa ni VP Leni.

Ngayon, tingnan natin kung lalampas sa Bicol ang kanilang sanib-puwersa para mas marami pang Pilipino sa iba’t ibang lugar ang mabigyan ng pag-asa ng mas maayos na buhay with both VP Leni and Chiz.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kasalukuyang nasa Albay ang Kapuso actor na si Paolo Contis kasama ang kanyang kuya na si Carlo (kanan).
PHOTO/S: Courtesy of Paolo Contis
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results