False Positive nina Xian Lim at Glaiza de Castro, naurong sa June ang airing

by PEP Troika
Feb 11, 2022
xian lim, glaiza de castro, false poisitive
False Positive starring Xian Lim and Glaiza de Castro is supposed to start airing this February, but the latest news is it has been moved for June airing.
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Naku! Naudlot pala ang airing ng first drama series ni Xian Lim sa GMA-7?

Ang latest na nasagap ng PEP Troika, sa June na raw ang airing ng False Positive, na pinagbibidahan nina Xian at Glaiza de Castro.

Sa pagkakaalam ko, ngayong February dapat ang schedule ng airing nito, at bukas, February 12, dapat ang kanilang virtual mediacon.

Pero ang huling mensahe sa kanila ay hindi na matutuloy ang mediacon dahil inilipat na ng June ang airing ng show.

May mga nabago raw kasi sa programming pagkatapos ng pagsisimula ng First Lady sa Lunes, February 14.

Naka-schedule na para sa ngayong buwan ang Widow’s Web, na pinangungunahan ni Carmina Villarroel. Isusunod dito ang book two ng Mano Po Legacy, tampok sina Bianca Umali, Ken Chan, at Kelvin Miranda.

Ayon sa ilang napagtanungan namin, ibinigay muna ang timeslot ng False Positive sa Mano Po, kaya inurong ang serye nina Xian at Glaiza sa June.

Continue reading below ↓

Anong senyales kaya ito na laging nahu-hold ang projects ni Xian sa GMA-7?

Okay naman daw sa bagong Kapuso actor ang pagbabago ng schedule dahil busy pa siya ngayon.

Natapos niya ang pelikulang Bahay na Pula ni Direk Brillante Mendoza para sa Vivamax. Kasama ni Xian dito sina Marco Gumabao at Julia Barretto. Nakatakda itong mag-streaming sa Pebrero 25.

Ngayon naman ay pinagkakaabalahan niya ang preparation para sa isa pang movie project para sa Vivamax na siya ang magdidirek. Kaya busy pa rin ang aktor at may sapat pa siyang oras para sa promo ng False Positive.

Pero anytime ay puwedeng-puwede na raw itong i-air, sabi ng taga-production ng naturang drama series.

JERRY OLEA

Naku! Naku! Naku! Excited pa naman tayong malaman kung ano ang ratings ng unang Kapuso program na bida si Xian Lim.

Yun kasing Love. Die. Repeat. nila ni Jennylyn Mercado ay hindi natapos ang lock-in taping dahil sa pagdadalantao ng Ultimate Star. Siyempre, pagkapanganak ni Jennylyn ay hindi naman ura-uradang babalik siya sa pagtatrabaho.

Continue reading below ↓

Iyong unang pelikulang idinirek ni Xian, ang Cinemalaya 2019 film na Tabon na pinagbidahan ni Christopher Roxas, ay hindi tumabo sa takilya. Hindi rin kagandahan ang feedback dito.

Umaasam siyempre ang KimXi fans na idirek ni Xian ang ka-Valentine niya na si Kim Chiu.

Tungkol naman sa Mano Po Legacy, napag-alaman natin kay David Chua na eight weeks lang talaga ang unang installment ng Chinoyserye na pinagbidahan ni Barbie Forteza, iyong The Family Fortune.

Noong Enero 15 pa natin nabalitaan na ang Sparkle star na si Bianca Umali ay magbibida sa kasunod na installment ng Mano Po Legacy.

“Ibang ano naman yun, kumbaga sa Marvel, ang tinatawag dun, ibang universe. Ibang mundo naman,” sabi ni David nang mainterbyu natin virtually noong Pebrero 5, Sabado ng hapon.

“Season by season. Ang alam ko, sa Season 1 ngayon, medyo heavy drama. Ang Season 2, ang alam ko, medyo comedy, romcom.

“Ang Season 3, parang… kung hindi ako nagkakamali… pagkarinig ko lang ho… parang Sex in the City. Parang ganyan. Grupo ng kababaihan, ng mga titas of Manila.”

Continue reading below ↓

Siyanga pala, ano pa ba ang mae-expect ng televiewers sa karakter niyang si Phillip Lo sa Mano Po Legacy: The Family Fortune?

“Ahh, abangan na lang ho kung papaano yung betrayal, kung papaano yung palitan ng mga kakampi. Yun po ang dapat abangan kung sino ba ang kakampi ni ganito,” lahad ni David.

“Kakampi ba talaga ito o kalaban? Yung mga ganyan ang dapat abangan dun, e.”

NOEL FERRER

Hayyy naku, naku, si Xian pa ba? Kahit kilala natin iyan bilang maligalig at laging on the go, masaya pa rin iyan. Kasi, marami siyang ganap.

At habang excited siyang bumalik at mapanood sa harap ng camera, alam kong iba ang saya niya kapag nakakapagsulat at nakapagdirek ng sarili ng materyal.

Kaya… go go go, Xian!

Hamuna ang Kapuso delays at naku, naku! Work, work, work na muna tayo!!!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
False Positive starring Xian Lim and Glaiza de Castro is supposed to start airing this February, but the latest news is it has been moved for June airing.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results