David Chua, makulay nga ba ang love life?

by PEP Troika
Feb 13, 2022
David Chua
Inamin ni David Chua na noong kanyang kabataan ay may nakarelasyon siyang mas nakatatandang ex-beauty queen, at muntik na rin siyang magka-girlfriend na transwoman.

JERRY OLEA

David Kummer ang totoong pangalan na actor-director na si David Chua.

David Chua

Full Chinese ang kanyang ina na yumao noong 2019, samantalang German naman ang kanyang ama na nasa Amerika ngayon.

Minsan lang daw nakita ni David nang personal ang kanyang ama. Mga sampung taong gulang siya noon at nakaratay ang tatay niya sa ospital.

Continue reading below ↓

“Hindi sila puwedeng magpakasal. Kasi, alam niyo naman, pag Chinese, dapat Chinese din ang asawa,” lahad ni David sa virtual chikahan noong Pebrero 5, Sabado ng hapon.

“So, ang ginamit ko, yung apelyido ng nanay ko, Chua.”

Bakit sa Instagram ay David Uy Chua ang handle niya?

“Kaya ho may Uy, iyan and middle name ko, kasi sa side ng nanay ko, bumibili sila ng apelyido noon, e, mga panahon pa ng Chinese.

“So, ang dapat talaga Uychua, magkadikit. David Uychua. Ang sinabi sa akin ng Star Magic, ‘Masyadong Chinese yan, palitan mo na lang! Gawin mong Chua.’ Sa birth certificate ko, Uychua.”

Ano sa katawan niya ang Chinese, at alin ang German?

“Sa tingin ko, ang Chinese sa akin… ano, yung mata ko kasi, napakasingkit ko. Pero ang German siguro, yung ilong ko,” sambit ni David.

“Kasi, medyo patulis siya. Saka siguro yung mukha ko, baka German. Saka tabain ako. Yung built ko, tabain, e.”

Continue reading below ↓

German cut ba siya? Yung upper part niya, Chinese, tapos yung lower part, German?

“Pag bagong gising, German! Pag bago matulog, Chinese!” napapangiting pagbibiro pa ni David, na nagsasalita ng Fookien.

Siyanga pala, mahilig magpinta si David kapag hindi siya umaakting o nagdidirek sa TV.

Aniya, “Nagpe-paint ako ng abstract. Ang medium na gamit ko, oil. So, kung wala akong ganap, lalo na nitong pandemic, nagpipinta ho ako.

“Nagdu-drawing ako ng sketch. Dun lang ako sa rooftop ng bahay, ipinipinta ko lang kung ano ang nasa imagination ko.

“O kaya minsan, nagsusulat ako ng script. Yung mga emosyon ko that moment, sinusulat ko. Ginagawa kong script para sa pelikula.

“Nasa linya ho yata talaga ako ng entertainment, e. Di ko alam, bakit nasa art ako. Yun ang hilig ko, art.

“Nung bata pa lang ako, lagi akong sinasabihan, isinasabak sa mga drawing contest.

“At mapalad naman ako, maipagyayabang ko naman, nananalo naman ako dun sa mga drawing contest. Kung hindi ako first place, second place,” sabi ni David na kasama sa Kapuso Chinoyseryeng Mano Po Legacy: The Family Fortune.

Continue reading below ↓

David Chua

Dream role ni David yung Jack Torrance character ni Jack Nicholson sa pelikulang The Shining (1980) ni Direktor Stanley Kubrick.

“Yung ganung klase na weirdo na baliw ka ba? O matino ka ba?” pagmumuwestra ni David.

“Yung ganung klaseng role na kakaiba, na talagang papahirapan kang umiyak. Hindi ka lang basta iiyak, e. Iiyak ka pero masaya yung emosyon mo.

Continue reading below ↓

“Paano ka iiyak nang masaya? Alam mo yung ganun? Ganun yung gusto kong klaseng karakter na gawin.”

GORGY RULA

Inamin ng 32-anyos na si David na nagkarelasyon siya dati sa isang babaeng mas may edad sa kanya.

“Kung 22 ako noon, siguro siya, mga nasa 40,” lahad ni David.

“Beauty queen siya, ayoko na lang pangalanan. Okey naman kami pero hindi rin kami nagtagal, mga six months lang.

“Kasi, ang bata ko noon. Hindi ko naman talaga maitatanggi na mahilig pa akong lumabas.

“E, yung mga 40 years old, medyo gusto nila, kalmado na. 9:00 pm, tutulog na, magpapahinga na. E, ako, yun ang oras ng labas ko, e. Hindi kami magka-match.”

Inamin din ni David na may naka-date na siyang member ng LGBTQ community, at muntik na silang maging magdyowa.

May nangyari sa kanila?

“Wala. Walang nangyari,” mabilis at walang gatol na sagot ni David.

“Walang nangyari, kasi, mailap yung ano… Hindi pa ako mailap, ha?! Medyo mailap yung girl, e! Kasi… baka nahihiya siya or ano. Baka.”

Continue reading below ↓

Twenty-five (25) years old si David nang maka-date ang magandang transwoman.

“Ang date naman namin… parang pag sinabi mong date, di ba, parang ang tingin ngayon, may nangyari sa inyo?

“Ang date namin, parang hang out. Ahh, kumain sa restaurant, yung mga ganun, ganyan.”

Paano naging mailap ang transwoman sa intimate moment nila?

Napakunot-noo si David, “Parang… paano ba ang nangyari dun? Ahh, yung parang… nagpapakiramdaman kayong dalawa, e. Hahawakan mo ba yung kamay?

“Naiilang din ako. So, hindi natuloy.”

NOEL FERRER

Naikot na ni David ang lahat ng major stations in different capacities—actor, writer, director… at heto, titingnan natin kung saang role siya makikilala at magtatatak.

At least marami na siyang back up careers—happy that he is really committed to his art. Paano naman kaya ang kanyang heart?

This Valentine’s Day, sino kaya ang makakasama niya?

Alam ko, hindi raw siya naze-zero sa lovelife, ha?! Hindi lang sa career matinik si David, pati sa pag-ibig din daw.

Continue reading below ↓

Happy Hearts Day!!!

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inamin ni David Chua na noong kanyang kabataan ay may nakarelasyon siyang mas nakatatandang ex-beauty queen, at muntik na rin siyang magka-girlfriend na transwoman.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results