Watch Now

Rabiya Mateo, nautal nang tanungin kung may boyfriend na siya uli

by PEP Troika
Feb 15, 2022
Rabiya Mateo
"Wala po talaga as of the moment. And siguro po, time will tell. Siguro po I can say, and I can look po sa eyes niyo na wala po," saad ni Rabiya Mateo nang tanungin kung may bago na siyang pag-ibig.
PHOTO/S: @rabiyamateo Instagram

GORGY RULA

Sandaling nautal at matagal bago nakasagot si Rabiya Mateo, 25, nang diretsahan siyang tinanong ni Jun Lalin kung may boyfriend ba siya ngayon.

Noong June 2021, o ilang linggo pagkatapos ng Miss Universe 2020, napabalita ang hiwalayan ni Rabiya at non-showbiz boyfriend na si Neil Salvacion.

At noong December 2021, hindi nakaligtas sa netizens ang ilang okasyong namataan si Rabiya kasama ang Kapuso actor na si Jeric Gonzales.

Isa si Rabiya sa cast ng Agimat ng Agila na humarap sa virtual mediacon noong Lunes, February 14, 2022.

Nasa virtual mediacon din sina Senator Bong Revilla, Michelle Dee, at MJ Lastimosa na mapapanood na rin sa mga susunod na episodes ng action-fantasy series sa GMA-7.

Tinanong ang tatlong girls kung meron ba silang ka-Valentine.

Mabilis ang sagot ni Michelle na single siya kaya negative. Si MJ naman ay maaga raw ang call time niya kinabukasan, kaya kailangan niyang maagang matulog.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi agad nasagot ni Rabiya ang tanong kung may ka-Valentine date ba siya noong Lunes.

"Sa totoo po, wala po talaga akong date," maya-maya ay pakli ni Rabiya.

Aniya, wala siyang boyfriend at single siya.

"Wala po talaga as of the moment. And siguro po, time will tell.

"Pero ngayon po, I’m proud… Hindi naman proud. Siguro po I can say, and I can look po sa eyes niyo na wala po," sagot ng Miss Universe Philippines 2020 titlist.

Ngayong nagsisimula siya sa showbiz, dito muna siya naka-focus. Masuwerte raw siya na itong Agimat ng Agila ang una niyang regular show sa GMA-7.

Talagang tinutukan daw siya ni Senator Bong sa bawat eksena niya.

"Na-appreciate ko talaga, 'coz si Senator Bong won’t settle for anything less. Gusto niya talaga best performance ang ipapakita mo.

"I’m very glad po na si Senator Bong ang isa sa mga first na leading man ko kasi he’s been guiding me talaga on how to be professional kung ano ang dapat gawin, at hindi dapat gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"E, dati po kasi, I’m very expressive the way I talk. Lahat sa mukha ko gumagalaw. So, si Senator nagsasabi sa akin na ganito aatakehin, minimize this, dapat 10 percent lang.

"So, I’m very happy," dagdag na pahayag ni Rabiya.

Lumabas na si Rabiya sa Agimat ng Agila noong nakaraang Sabado, February 12. Nakapagtala ang episode na iyon ng 10.7% na rating.

Rabiya Mateo, Agimat Ng Agila

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Kailangang patunayan ni Rabiya ang kanyang galing kasi meron nang bagong Miss Universe Philippines—si Beatrice Luigi Gomez.

Kung hindi siya tatatak at magiging relevant, delikado ang kanyang shot to showbiz fame. Unless magpapakahusay siya talaga either sa acting or hosting.

As of now, Rabiya still has to prove her worth. Sana hindi lang siya maging has-been beauty queen.

All the best, Rabiya, the promising actress. Kaya? Sana!

JERRY OLEA

Level-up ang Season 2 ng Agimat ng Agila.

Ani Senator Bong, "We have to surpass the first season. So, kailangan mas matindi, mas pinalaki.

"Yung mga kasama nating leading ladies, ang gagaling umarte, di ba? At magugulat ka sa kanila, sa kanilang pag-akting talaga dito sa Agimat ng Agila, sa bawat pag-portray nila ng karakter. Talagang nandun."

Proud ang actor-senator kina Michelle Dee (Miss World Philippines 2019), Rabiya Mateo (Miss Universe Philippines 2020), at MJ Lastimosa (Miss Universe Philippines 2014) na pawang mga beauty queens.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Si Serpenta [Michelle Dee], napatunayan na niya yung galing niya sa book one. Ngayon, si Rabiya, pinapatunayan niya rin ang kanyang galing. Maging si MJ Lastimosa.

"Napanood na last Saturday si Rabiya. Maraming nasorpresa sa kanya na magaling pala siyang umarte. Kaya eto yung mga dapat tutukan at abangan ng ating mga kababayan dito sa GMA."

Dahil napapaligiran siya ng beauty queens sa Agimat ng Agila, feeling ni Senator Bong ay ang pogi-pogi niya, sabay bawi niya na joke lang iyon.

Dagdag ni Senator Bong, "Nakakatuwa at magagaling na artista yung kasama ko… Magugulat kayo sa mga karakter, yung mga revelation at sorpresa na mapapanood ninyo na kakaiba ang attack."

Siyempre, natuwa ang tatlong beauty queen sa papuri sa kanila ng actor-politician.

Nag-enjoy si Michelle na katrabaho si Bong.

Pahayag ni Michelle, "Kasi nung Season 1, nung nabigay po sa akin yung role na Serpenta, I already have this passion for acting po talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I was so excited na, finally, binigyan ako ng pagkakataon ng GMA to portray such a powerful character role, na sobrang different from all the roles that I’ve handled before.

"May comedy ako before, romcom. Pero ngayon, binigyan talaga ako ng pagkakataon to let my craft shine. And I’m just glad that it was executed well in our show. Very well nung book one.

"Kaya ayun, I have nothing but gratitude talaga. It’s such a good working environment talaga. Sen is such a pleasure to work with kaya everything’s good naman."

Malaking bagay para kay Rabiya ang pagturo sa kanya ni Bong ng pagtimpla ng facial reactions sa isang eksena.

Lahad ni Rabiya, "Ako naman po, I’m very blessed, kasi nga right after Miss Universe Philippines, I was given this opportunity to work with Senator Bong Revilla.

"And yung binigay sa akin is far from my image bilang isang beauty queen. Pero just like Michelle, my heart is full of gratitude and joy po na mapabilang sa book two ng Agimat ng Agila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And the pressure is there, kasi grabe po talaga yung success ng book one. Pero again, it’s a good type of pressure para sa aming lahat, I guess.

"And tulungan lang talaga, and happy naman ako masabi, kasi naririnig ko po kay Direk, na meron po kaming chemistry ni Senator Bong, at importante po talaga yun to have a successful show."

Maging si MJ ay nagsilbing "acting coach" si Bong.

Salaysay ni MJ, "I’m very surprised nung binabasa ko yung role ni Rosebud. Hindi siya bad, ha? Ha! Ha! Ha! Ha!

"Na-excite ako, kasi nga, parang iba siya sa mga nagawa ko na before. You know naman na sa industriya na ito, it’s always challenging pag bago yung character na gagampanan mo, because you really have to learn who is the person, and really embody it.

"The challenge is when you have other work to do to the set, and you have to remind youself who you are. So siyempre, dapat ikaw na si Rosebud, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang pinaka-grateful din ako whenever I get to the set, actually, yung unang beses pa lang na nag-taping kami, si Sen was very helpful.

"So, parang may acting coach na rin ako. Ang mahal ng acting coach ko! Ha! Ha! Ha! Bago mag-‘action,’ nandiyan siya, gina-guide niya kami kung paano talaga, kung ano ang kailangan.

"He’s very hands on talaga, sobrang makikita mo rin yung passion niya, meticulously watching every scene at gina-guide niya. Kaya no wonder, the book one is very successful!"

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Wala po talaga as of the moment. And siguro po, time will tell. Siguro po I can say, and I can look po sa eyes niyo na wala po," saad ni Rabiya Mateo nang tanungin kung may bago na siyang pag-ibig.
PHOTO/S: @rabiyamateo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results