Kampo nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, itinangging may namamagitan na sa dalawa

by PEP Troika
Feb 17, 2022
julie anne rayver the clash
Ayon sa malalapit kina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, wala pang namamagitan sa dalawa ngunit ayaw nilang sagutin kung nanliligaw ba ang aktor sa singer-actress.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

GORGY RULA

Nakausap ng PEP Troika ang ilan sa mga taong malapit kina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.

Tinitiyak nilang wala pa talagang namamagitan sa dalawa. Ayaw lang nilang sagutin kung nanliligaw na ba si Rayver kay Julie Anne.

Noon pa man ay malapit na raw magkaibigan ang dalawa at nagpapalitan ng mensahe sa kani-kanilang Instagram posts. Namamalisyahan lang ngayon dahil sa bulung-bulungang meron nang ligawan.

Nakadagdag pa rito ang pag-unfollow ni Janine Gutierrez, ex-girlfriend ni Rayver, kay Julie Anne sa Instagram. Nalalagyan tuloy ng ibang kulay.

Hindi lang daw alam ng mga malapit kina Julie Anne at Rayver ang tungkol sa tawagan ng dalawa na "pumpkin" at "spideyness." Pero marami raw ang magiging masaya kung sakaling magkatuluyan ang dalawa.

Ang inaabangan ay ang pagsasama muli nina Rayver at Julie Anne sa All-Out Sundays. Tiyak na puputaktihin sila lalo ng mga kantiyaw at tuksuhan.

Pero hindi pa pala makakasama ang Kapuso actor sa All-Out Sundays dahil papasok na siya sa lock-in taping ng bagong drama series na Bolera, na pagtatambalan nila ni Kylie Padilla.

Continue reading below ↓

Nai-tape na ang episode ng AOS sa darating na Linggo, February 20, at kasama pa roon si Rayver.

JERRY OLEA

Nauunawaan natin kung may takot man si Julie Anne na maging rebound girl. Pero kung sadyang ukol, talagang bubukol.

Kung wagas ang panunuyo ni Rayver, baka bumigay ang mailap na puso ni Julie Anne!

Sana, sa panonood muli ni Julie Anne ng mga paborito niyang romance movies, kapiling na niya si Rayver…

NOEL FERRER

Eh, weno ngayon kung magiging sina Rayver at Julie Anne?

Sana makatulong ito sa kanila bilang mga artista at bilang mga tao. Pero oo, baka bagay nga sila.

Again, water will find its level. Sing and dance sila lagi para masaya!!!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa malalapit kina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, wala pang namamagitan sa dalawa ngunit ayaw nilang sagutin kung nanliligaw ba ang aktor sa singer-actress.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results