Watch Now

Jake Ejercito, iba sa kanyang pamilya ang sinusuportahang kandidato sa 2022 elections

by PEP Troika
Feb 19, 2022
jake ejercito
Jake Ejercito on having a different opinion from his family when it comes to politics: "I’d like to think na hindi siya conflict. Parang… gusto ko ma-normalize naman na it’s okay to have different opinions. Pero lahat naman tayo, Pilipino. We all want the same thing. Pulitika lang ‘yan, e. Isang araw lang naman yung eleksyon. Dapat after nun, bati-bati na lahat."
PHOTO/S: @unoemilio on Instagram

GORGY RULA

Isa rin pala si Jake Ejercito sa inalok na gumawa ng isang advocacy ad, kagaya ng kay Angelica Panganiban, para ngayong 2022 elections.

Hindi pa raw makapag-decide si Jake kung tatanggapin niya. Iniisip din daw kasi niya kung ano ang sasabihin ng kanyang pamilya, lalo na ang kanyang ama na ibang partido ang sinusuportahan.

Si Jake ay anak ni dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada, na iniendorso ang kandidatura ni former Senator Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

Sa parte ni Jake, hayagan ang kanyang pagsuporta kay Vice President Leni Robredo.

Open naman si Jake sa kanyang opinyon, bagamat umiiwas siyang mapagsabihan ng ama.

So far ay hindi pa raw iniisip ni Jake ang conflict sa kanyang pamilya dahil sa magkakaibang kandidato na kanilang sinusuportahan.

“I’d like to think na hindi siya conflict. Parang… gusto ko ma-normalize naman na it’s okay to have different opinions.

“Pero lahat naman tayo, Pilipino. We all want the same thing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pulitika lang ‘yan, e. Isang araw lang naman yung eleksyon. Dapat after nun, bati-bati na lahat," saad ni Jake nang nakatsikahan namin sa birthday dinner ng kuya niya at senatorial candidate na si Jinggoy Estrada nitong Huwebes ng gabi, Pebrero 17, 2022.

Hindi sa pulitika nalilinya ngayon si Jake dahil desidido siyang ituloy ang kanyang showbiz career, at nandiyan daw ang suporta ng kanyang pamilya.

“Meron mga nagtatanong, may mga nagku-convince, pero hindi naman ako ginu-groom ng pamilya ko.

“I already told them na desidido ako na ito muna yung career na tatahakin ko. And supportive naman sila,” pahayag niya.

Maganda ang role na ipinagkatiwala kay Jake sa Marry Me, Marry You. Pagkatapos nito ay may special participation siya sa The Broken Marriage Vow.

Thankful siya na magaganda ang projects na nabibigay sa kanya sa ABS-CBN.

JERRY OLEA

Tweet ni Hashtag Nikko Natividad noong Pebrero 11, Biyernes ng hapon:

“Magkaiba kame ng ibobotong presidente ng asawa ko pero may nangyayare paren samen gabe gabe. Libog na libog paren kame sa isat isa!! Ganyan dapat ang mentality naten.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinost pa ni Nikko ang screen shot niyon sa kanyang Instagram account.

Meron ding premyadong aktres at nanay-nanayan sa showbiz na magkaibang presidente ang sinusuportahan, pero love love love pa rin nila ang isa’t isa.

Andaming nag-share ng shout out sa Facebook na, “Huwag kang magalit kung hindi tayo pareho ng presidente. Magalit ka kung pareho tayo ng dyowa!”

Mabuti at hindi itinakwil ni Jake Ejercito at ng kanyang mga kapamilya ang isa’t isa kahit magkaiba ang kulay ng kani-kanyang pulitika.

NOEL FERRER

Bilib ako kay Jake, kasi may sarili siyang paninindigan at ipinaglalaban niya ito.

Gawin man niya o hindi ang advocacy video na kagaya ng kay Angelica Panganiban, he has gone and done a bit more in openly convincing people to vote for Leni Robredo for President.

The thing that is going for Jake is that he is very articulate. At kung tatanungin kung bakit niya ginagawa ito, ang sabi niya ay para ito sa kinabukasan ng kanyang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Salute to Jake!!!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jake Ejercito on having a different opinion from his family when it comes to politics: "I’d like to think na hindi siya conflict. Parang… gusto ko ma-normalize naman na it’s okay to have different opinions. Pero lahat naman tayo, Pilipino. We all want the same thing. Pulitika lang ‘yan, e. Isang araw lang naman yung eleksyon. Dapat after nun, bati-bati na lahat."
PHOTO/S: @unoemilio on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results