Watch Now

John Lloyd, Jericho, Piolo, Gabby pinagpipiliang gumanap bilang bida sa Quiboloy biopic

by PEP Troika
Feb 19, 2022
apollo quiboloy
Inanunsiyo ng Borracho Film Production na sisimulan na nila ang shooting para sa pelikula tungkol sa buhay ng controversial religious leader na si Pastor Apollo Quiboloy.
PHOTO/S: Apollo Quiboloy YouTube

GORGY RULA

Kahit nasa post-production pa lang ang pelikulang Mamasapano: Now It Can Be Told at wala pa itong target playdate, nagsisimula na ang Borracho Films ng kasunod na film project nila.

Nakausap namin sa DZRH noong Biyernes, February 18, 2022, ang isa sa may-ari ng Borracho Film Production na si Atty. Ferdie Topacio, at binanggit niyang nasa Davao siya sa kasalukuyan at kausap si Pastor Apollo Quiboloy.

Nagkasundo na raw silang isapelikula ang kuwento ng buhay ng kontrobersiyal na founder ng Kingdom of Jesus Christ.

Si Topacio ay legal counsel ni Quiboloy.

Ang first choice daw nilang gumanap na Quiboloy ay si John Lloyd Cruz.

Ang direktor naman ng pelikula ay si Lester Dimaranan na siya ring nagdirek ng Mamasapano.

Pahayag ni Atty. Topacio, “Ang tina-tap namin si John Lloyd. But we’re still negotiating. Either… second choice is Jericho [Rosales] or puwede rin si Piolo [Pascual]. Puwede rin si Gabby [Concepcion].”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama ni Atty. Topacio si Direk Lester Dimaranan na pumunta ng Davao para makausap si Pastor Quiboloy, at makapagsimula na raw silang mag-research.

Sabi ng lawyer-film producer, “We’re just developing pa lang, e. Sa pre-prod pa lang. Pero meron na tayong scriptwriter, si Roy Iglesias ang kinuha namin. Okay na, tinanggap na niya.

“Si Lester Dimaranan ang magdidirek, ang nagdirek ng Mamasapano. Magaling, e. Ang bata pa, pero magaling. May tatlo na nga akong naka-line-up sa kanya for this year.”

apollo quiboloy

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tatalakayin daw ng pelikula ang kuwento ni Pastor Quiboloy mula nung pagkabata nito hanggang sa nabuo nito ang Kingdom of Jesus Christ.

“Ang kuwento, mula nung pagkabata… ang mga signs na siya ay destined to found a ministry, hanggang ngayon, yung against all odds.

“Nung umalis siya sa kanyang dating denomination, labintatlo na lang sila, and then hanggang sa lumago nang lumago, more than 200 congregations worldwide and 6 billion members,” sabi ni Atty. Topacio.

Marami raw ita-tackle sa kuwento, pero hindi kasama ang kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon ni Quiboloy.

Noong November 19, 2021, inanunisyo ng U.S. prosecutors na sinampahan nila ng kasong sex trafficking si Quiboloy at ang iba pang administrador ng Kingdom of Jesus Christ dahil sa diumano’y pang-aabuso sa mga kababaihang may edad 12 hanggang 25.

Wanted na rin ngayon si Quiboloy ng Federal Bureau of Investigation (FBI) dahil sa "Conspiracy to Engage in Sex Trafficking by Force, Fraud and Coercion, and Sex Trafficking of Children; Sex Trafficking by Force, Fraud, and Coercion; Bulk Cash Smuggling."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Apollo Quiboloy, 2 others now wanted by FBI

Sabi ni Atty. Topacio, “Alam naman natin na may present controversy, pero outside the scope na yun. Kasi nung pinaplano ito, wala pa naman yun, e.

“Ang ending nito is kung papa'no niya nalusutan yung lahat na mga struggles nung Kingdom.”

Sabi pa ni Atty. Topacio, hindi raw nagpabayad si Pastor Quiboloy ng story rights.

Sa Davao raw kukunan ang pelikula, at ipapagamit daw ng pastor ang kanyang Glory Mountain at iba pang pag-aari nito sa Davao.

“Winave naman niya. Masaya naman siya. Ang tulong sa amin ni Pastor, he will help in whatever we can pag nasa Davao na kami,” saad pa ni Atty. Topacio.

“He extends full cooperation nung Kingdom. Pupunta nga kami dun sa Glory Mountain dun, yun mataas. Naglu-location hunting na rin kami ng lugar na possible.”

Wala raw leading lady sa pelikula dahil wala pang asawa si Pastor Quiboloy. Meron daw itong naging girlfriend noong kabataan niya na isang American at baka ipakita nila ito sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Wala siyang asawa. He has dedicated himself to the ministry,” pakli ni Atty. Topacio.

Si Quiboloy ay spiritual adviser at kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

JERRY OLEA

Sa recent biopics ng religious figures na bansa, bida si Dennis Trillo sa Felix Manalo (2015) na idinirek ni Joel Lamangan.

Bida naman si John Arcilla sa Suarez: The Healing Priest (MMFF 2020), sa direksiyon ni Joven Tan.

I wonder kung tampok din si Claudine Barretto sa biopic ni Pastor Quiboloy. Bida si Claudine sa initial presentation ng Borracho Films na Deception, katambal si Mark Anthony Fernadez, at may cameo si Claudine sa Mamasapano: Now It Can Be Told.

Busy sina John Lloyd, Piolo, at Gabby sa kabi-kabilang proyekto kaya malabong tanggapin nila ang proyekto. Ewan ko lang si Jericho.

Marami pa tayong ibang mahuhusay na aktor na puwedeng gumanap na Pastor Quiboloy, gaya nina Mark Anthony Fernandez, Baron Geisler, at Arjo Atayde.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bandang buwan ng Mayo raw nila balak simulan ang principal photography, dahil ito raw ang ipalalabas sa anibersaryo ng Kingdom of Jesus Christ, kasabay ng opening ng napakalaki nilang King Dome sa Davao.

Pahayag pa ni Atty. Topacio, “May deadline ito. This should be finished by September because that is the anniversary of the Kingdom of Jesus Christ, at yun ang opening ng King Dome dito sa Davao. Yung 75 thousand-seat arena.”

NOEL FERRER

Kapag gumagawa ng isang biopic, laging itinatanong… BAKIT?

Ano ang motibo ng paggawa nito? Sana, ang ilabas ay pawang katotohanan lamang.

Hindi kaya’t mas marami pang buhay ang interesante, makulay at inspiring at puwedeng mas tuluran pa, higit kay Pastor Quiboloy?

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inanunsiyo ng Borracho Film Production na sisimulan na nila ang shooting para sa pelikula tungkol sa buhay ng controversial religious leader na si Pastor Apollo Quiboloy.
PHOTO/S: Apollo Quiboloy YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results