Jake Ejercito, tikom ang bibig sa rumored romance nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez

by PEP Troika
Feb 19, 2022
jake ejercito janine paulo
Jake Ejercito on Janine Gutierrez and Paulo Avelino: “Siyempre, everyone deserves to be happy. So, kung mahanap nila yung happiness sa isa’t isa, why not, di ba?”
PHOTO/S: Gorgy Rula / @janinegutierrez on Instagram

GORGY RULA

Napangiti si Jake Ejercito nang kinumusta namin sa kanya sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez.

Aware siya sa usap-usapang nagkadebelopan ang dalawa sa taping ng Marry Me, Marry You, kung saan maganda ang role doon ni Jake.

Sa tagal ng pagsasama nila sa lock-in taping, nabuo ang magandang friendship, at malay natin, posibleng nagkadebelopan nga doon sina Paulo at Janine.

Pero hindi raw ito puwedeng sagutin ni Jake dahil isyu ito ng dalawa. Masaya lang daw siya dahil nabuo ang maganda nilang friendship, at hanggang ngayon ay nagkukumustahan pa rin sila sa kanilang group chat.

“Siyempre naka-lock in kami for a total of four or five months. Talagang no choice, we only had each other.

"In my case, first time ko, so talagang kumapit din ako sa kanila. They were very obliging.

“Actually, until now, we still have our group chat and nagmi-message message pa rin kami once in a while,” sabi ni Jake nang nakatsikahan namin sa birthday dinner ng kuya niya at senatorial candidate na si Jinggoy Estrada noong Huwebes, February 17, 2022.

Continue reading below ↓

Pero kinulit pa rin namin kung meron ba talagang namamagitan kina Paulo at Janine.

“Nagtutuksuhan silang dalawa, tinutukso din namin sila. It’s for them to answer that,” nakangiti niyang sagot sa amin.

Ang mahalaga naman daw, sabi ni Jake, ay kung ano ang magpapasaya sa iyo.

“Siyempre, everyone deserves to be happy. So, kung mahanap nila yung happiness sa isa’t isa, why not, di ba?” safe na sabi niya.

NOEL FERRER

Mas maganda siguro kung ngayon magkakabutihan sina Paulo at Janine ngayong wala silang teleserye, bagamat may mga proyekto pa rin sila together.

Mas wagas at walang halong komersiyo at panggagamit. Hindi dapat padala sa pressure ng teleserye na dapat magkainlaban.

Sa tingin ninyo, sa lahat ng pinagdaanan nila sa buhay, bagay ba sa totoong buhay sina Paulo at Janine? Tayo’y mga abangers lang.

JERRY OLEA

Abangers din tayo sa pelikula nina Paulo at Janine na Ngayon Kaya, na matagal na nilang natapos bago pa sila magtambal sa teleserye.

Continue reading below ↓

Isa iyon sa napiling official entries ng naudlot na 1st Summer MMFF na nakatakda noong Abril 11-21, 2020. Iyon na lang ang hindi pa naipalalabas sa mga napiling entries doon.

Sa set ng Kapamilya teleseryeng Marry Me, Marry You nagkamabutihan muli sina Edu Manzano at Cherry Pie Picache, na gumanap bilang parents ni Paulo.

Masalimuot na usapin kung nagkagustuhan ba sina Paulo at Janine habang kasintahan pa ni Janine si Rayver Cruz. Ayaw ng ipot!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jake Ejercito on Janine Gutierrez and Paulo Avelino: “Siyempre, everyone deserves to be happy. So, kung mahanap nila yung happiness sa isa’t isa, why not, di ba?”
PHOTO/S: Gorgy Rula / @janinegutierrez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results