Badjao Girl Rita Gaviola, bigong manalo sa weekly finals ng "Showtime Sexy Babe"

by PEP Troika
Feb 19, 2022
rita gaviola showtime sexy babe
Si Badjao Girl Rita Gaviola ang nakakuha ng pinakamababang score sa limang weekly finalists ng "Showtime Sexy Babe" ngayong Sabado, February 19, 2022.
PHOTO/S: Kapamilya Channel YouTube

JERRY OLEA

"Lotlot de Leon" as in bigo ang 18-anyos na si Badjao Girl at Pinoy Big Brother Lucky 7 ex-housemate Rita Gaviola sa weekly final ng "Showtime Sexy Babe" nitong Pebrero 19, Sabado, sa It's Showtime.

Sa limang daily winners na naglaban-laban ay si Rita ang pinakamababa sa height, maging sa average score mula sa Sexy Authoriteam na sina Ruffa Gutierrez, Chie Filomeno, at RK Bagatsing.

89.7% lamang ang average score ni Rita, samantalang ang weekly winner na si Joanna Limbaro ay naka-97%.

Ang tatlo pang daily winner na sumabak sa weekly final at ang kaukulan nilang average score ay sina Anasity Jardelez (94.7%), Kylie Daisuke (92.7%), at Trisha Ojano (92.3%).

showtime sexy babe

Continue reading below ↓

Ang hosts ng “Showtime Sexy Babe” segment ay sina Vice Ganda, Ogie Alcasid, at Vhong Navarro.

Ang tanong kay Rita sa weekly final na binasa ni Vice: “Para sa iyo, sino ang mas mahilig sa tsismis — babae o lalaki, at bakit?”

Tugon ni Rita, “Para sa akin po, ang mahilig sa tsismis, yung mga babae. Kasi, alam niyo kung bakit? Isa na po diyan yung mga nanay natin. Di ba?

“Kasi, parang para sa akin, ayun nga po, yung mga babae. Kasi, yung mga babae, marami silang nalalaman, lalung-lalo na sa relationship.

“Kahit hindi nila nalalaman, ‘Yung dyowa mo, o, ayan, nambabae!’ Parang gumagawa sila ng way para may mapag-awayan.

“At lalo na po yung mga Marites, pag nakikita ka po nila, ‘Si ganito, si ganyan, yung anak mo!’ Parang… ang hilig nilang magtsismis na hindi naman nila alam yung totoong kuwento. Ayun po.”

Komento ni Vice, “Yun naman ay base sa kanyang naranasan. So, siguro sa buhay niya, puro babae yung nantsismis sa kanya kaya nasasabi niya, mas tsismosa ang mga babae…”

Continue reading below ↓

Nang hingan ng komento ang hurado na si RK Bagatsing, tinanong muna nito si Rita kung okay ba ito. Umoo naman si Badjao Girl.

Lahad ni RK, “Based from the other day, ang taas ng energy mo. Ngayon naman, parang medyo… mababa lang, although siyempre, everything is a learning experience.

“So, kung pinansin ka before na medyo lampas, ngayon, calibration lang, balance. Kasi, natutuwa ako sa ‘yo last time, e.

“Siguro, kaya ka rin nag-trending, di ba? Tamang ano lang, so, yun lang.”

GORGY RULA

94.7% ang average score ni Rita nang maging daily winner siya noong Pebrero 17, Huwebes.

Bukod sa pagsali sa "Showtime Sexy Babe," sinabi ni Rita noong Huwebes na gusto niyang sumali sa Miss Universe balang araw.

Ayon pa kay Rita, sumali siya sa “Showtime Sexy Babe” contest para baguhin ang tingin ng mga tao tungkol sa mga Badjao.

“Gusto kong ipagmalaki sa buong mundo ang kakayahan ng isang katutubong Badjao na katulad ko,” lahad ni Rita.

Continue reading below ↓

“Ipapagmalaki po namin yung tribo namin na hindi porke’t ganito ang tingin nila sa amin ay wala na kaming kaya.

“Kami, karamihang mga Badjao, nabu-bully dahil hindi nakapag-aral yung karamihan tulad po ng parents namin…

“Maraming kabataan na tulad ko na magaganda ay hindi nakikita kasi nasa bahay lang sila. Parang nahihiya sila, nai-insecure sila sa sarili nila, na, ‘Bakit ganito ako? Bakit ganito ang kulay ko?’

“Ang tingin nila sa amin, mahirap. Tapos, Badjao, yung skin namin hindi naaayon sa skin nila. Kaya naman ako sumali para ipakita sa kanila hindi porke't Badjao tayo, mamaliitin na lang tayo ng ibang tao.”

Ibinahagi rin ni Rita ang mga nangyari sa kanya matapos lumabas ng Bahay ni Kuya.

Aniya, “Pagkatapos ko lumabas ng PBB, nag-back to school po ako para makahabol sa mga naiwanan kong subject, tapos na-realize ko na puwede pala pagsabayin.

“Habang nag-aaral ako, at least may extra income ako at hindi ko na kailangang humingi sa magulang ko. Makakatulong pa ako sa kanila.”

Continue reading below ↓

Read: Badjao Girl Rita Gaviola wins "Showtime Sexy Babe" daily round

Kung takaw-pansin ang pagiging hyper niya noong Huwebes, nitong Sabado ay hindi na siya ganun ka-energetic.

Nang pansinin na parang tahimik yata ito, ang katuwiran ni Rita, “Hindi naman. Medyo ano, kasi, ang lamig dun sa labas!”

Alam ba niyang nag-trending siya?

“Opo,” matipid na sambit ni Rita. Anong oras niya nalaman?

“Yung ano po, ahhh, pagkatapos po ng segment ng Sexy Babe. Tapos, chineck ko po yung cell phone ko. Tapos, andaming nag-chat sa akin, ‘Huy, congrats!’ ganyan-ganyan po.”

Hirit ni Rita, muli raw nabuhayan yung fans niya, lalo na yung mga sumubaybay sa kanya sa PBB. Trese anyos si Rita nang pumasok sa Bahay ni Kuya, at humigit-kumulang isang buwan siya roon.

Ang totoong Rita Gaviola raw ay mahiyain. Na-excite daw siya nang sumali noong Huwebes kaya napakadaldal niya noon.

NOEL FERRER

Owww, so, kung hindi nagwagi si Badjao Girl sa "Showtime Sexy Babe," parang may “never say die” attitude ito at makikita natin na magre-resurface ito sa iba na namang contest if ever.

Continue reading below ↓

Ano namang contest kaya ang susuungin nitong si Rita Gaviola? Palarin na kaya siya sa susunod at maging winwin na? O sadya talaga siyang lotlot?

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Badjao Girl Rita Gaviola ang nakakuha ng pinakamababang score sa limang weekly finalists ng "Showtime Sexy Babe" ngayong Sabado, February 19, 2022.
PHOTO/S: Kapamilya Channel YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results