Marco vs Paolo: Sino ang mas magaling na aktor sa Gumabao brothers?

by PEP Troika
Feb 23, 2022
marco gumabao, paolo gumabao
Paolo Gumabao (right) on possible project with half-brother Marco Gumabao (left): “Matagal ko nang ini-envision yung magiging first film namin ni Marco. Nai-imagine ko sana, kung puwede, para kaming sundalo, ganun. Tapos magkapatid. Ang feeling ko, that’s a good story.”
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

Magkasunod na naidirek ni Mac Alejandre ang half-brothers na sina Marco Gumabao at Paolo Gumabao sa erotic films ng Vivamax na My Husband, My Lover at Silip sa Apoy, respectively.

“Both Paolo and Marco are daring,” sabi ni Direk Mac sa panayam namin noong Enero 25, 2022 via Messenger.

“I define daring as willingness to step out of one's comfort zone and embrace all that is necessary to explore the essence and soul of a character…”

Magkasunod ding naidirek ni Brillante Mendoza sina Paolo at Marco sa BL film na Sisid at horror movie na Bahay na Pula, respectively.

Nag-streaming ang Sisid noong Enero 19 sa Vivamax Plus, samantalang ang Bahay na Pula ay mag-i-streaming sa Vivamax umpisa Pebrero 25, Biyernes.

Sa presscon ng Bahay na Pula nitong Pebrero 21, Lunes ng gabi, sa isang mall sa Quezon City, nagbiro si Direk Brillante, “OK naman, siyempre mas magaling si Paolo kay Marco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ha! Ha! Ha! Hindi! Siyempre, kaya ko nabibiro ng ganyan si Marco, kasi I’m very comfortable sa kanya.

“Kaya ko siyang biruin ng ganyan, na alam ko, hindi siya masasaktan… although alam ko, iiyak siya mamayang gabi!

“Kasi… ayun nga, kailangan kasi yung katulad ng sinasabi nila, it’s important na, alam mo… ako kasi, ayoko yung parang sa set na parang, ‘Oy, direktor ako dito, ha?! Artista kayo.’

“Hindi ganun. I always want to collaborate with my actors. Kasi, kaya nga sila artista, e. Kasi, they have something to offer.

“At saka may talent sila bilang artista, which as a creator, as a director, I don’t have. So, kailangan kong i-utilize yung kanilang talent.

“Kailangan kong i-maximize ang talent nila. And fortunately, they’re willing naman to share, they’re willing to collaborate.

“So, kailangan lang ma-tap mo yun, ‘no, and ayun, tinap ko. And I think, as an actor, depende yun kung anong ibibigay mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I did not ask for more. Hindi ako hihingi ng more than what you can give. It’s always up to the actors to give what they have.

“So, as a director, ako, ano ko lang yun, e. Kumbaga, gagamtin ko lang naman yun, di ba, to utilize and to maximize sa film as a whole.

“Sila, bilang actors, yun ang kanilang ibinigay. And I appreciate that.”

Sakaling ididirek ni Brillante ang Gumabao brothers, anong genre at konsepto kaya?

Sumingit si Marco, “Hindi BL [boys’ love] 'yan!”

Napakunot-noo si Direk Brillante, “E, di, incest na yun. Hindi, ewan ko, siguro mga… Cain at Abel, mga ganun. Classic, na magkapatid na merong rivalry.”

By the way, nasa cast din ng Bahay na Pula sina Julia Barretto, Xian Lim at Erlinda Villalobos.

GORGY RULA

Sabi ni Paolo, sakaling magkakasama sila ni Marco sa movie ay ayaw niya ng sexy.

“Matagal ko nang ini-envision yung magiging first film namin ni Marco,” pahayag ni Paolo sa virtual tsikahan noon Pebrero 5, Sabado ng hapon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nai-imagine ko sana, kung puwede, para kaming sundalo, ganun. Tapos magkapatid. Ang feeling ko, that’s a good story.”

Naku! Gusto ng iba, makita silang hubad-hubad, pagandahan ng abs! Pagalingan sa love scenes!

Natawa si Paolo, “Puwede naman na ano, sige, sundalo, tapos may mga sine-save kaming babae, ganun. Ha! Ha! Ha! Ha!”

Sabi pa ni Paolo, hindi malayong mangyari na magkasama sila ni Marco sa pelikula, lalo pa’t pareho silang gumagawa for Vivamax.

“Sana, sana, ipag-pray natin kay Lord,” pakli pa ni Paolo, na pumalit kay Kiko Estrada sa papel na Noah Vellesteros sa DARNA: The TV Series.

NOEL FERRER

Maswerte itong Gumabao brothers at nabibigyan sila ng pagkakataong makatrabaho ang magagaling na direktor sa panahon ngayon. Sana, lalo pa nilang pag igihan ang kanilang pag-arte at pumili ng mga pelikulang magiging classic din tulad ng Salome (1981), Bakit Bughaw Ang Langit? (1981) at Paradise Inn (1985), na tinampukan ng ama nilang si Dennis Roldan, na Mitchell Gumabao sa totoong buhay. Sino ba ang mas mahusay sa kanila? Paniniwalaan ba natin ang birong totoo ni Direk Brillante? LOL

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Gumabao (right) on possible project with half-brother Marco Gumabao (left): “Matagal ko nang ini-envision yung magiging first film namin ni Marco. Nai-imagine ko sana, kung puwede, para kaming sundalo, ganun. Tapos magkapatid. Ang feeling ko, that’s a good story.”
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results