Ang Dalawang Ikaw star na si Anna Vicente, nagluwal ng kambal

by PEP Troika
Feb 26, 2022
Anna Vicente
Nanganak na nung Pebrero 23 ang ipinakilala noon sa Kapuso teleseryeng "Ang Dalawang Ikaw" na si Anna Vicente. Pagkatapos ng kanyang unang proyekto sa GMA-7, wala nang nabalitaan pa kay Anna liban sa pagbubuntis nito ng kambal at sa panganganak na nga nito.

JERRY OLEA

Iniluwal na ng Kapuso actress na si Anna Vicente ang kanyang kambal nitong Pebrero 23, Miyerkules sa Makati Medical Center (MMC).

Gumanap si Anna bilang kontrabida sa Kapuso afternoon drama series na Ang Dalawang Ikaw nina Ken Chan at Rita Daniela.

Noong Enero 5 pinost ni Anna sa Instagram ang litrato ng pagbubuntis niya at sinabing, “From the moment I found out I was pregnant, I knew that this would be the best journey of my life.

“I’m so excited to share this good news with all of you!! yes I am growing two little angels and they are ready to say hello this 2022!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong Enero 30 ay lobong-lobo na ang sinapupunan ni Anna sa IG photos na post niya.

Bakas sa mukha niya ang katiwasayan at kaligayahan, at sabi niya, “Happiness is carrying the whole world inside you.”

Pebrero 2, binati ni Anna ng “Happy anniversary” ang kanyang mahal, at ipinangakong iibigin ito “through thick and thin (literally).”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pebrero 6 nagkaroon ng surprise baby shower para kay Anna.

Pebrero 18, ang post ni Anna sa IG, “I make two people at a time. What’s your superpower?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At nito ngang Miyerkules, nag-hello, world na sina little Anna at little Paolo.

Sabi ni Anna, “2-23-22 Surprise! Here they finally are! My biggest blessings came earlier than expected. They were excited to go out so i had to be on Emergency CS last night.

“Everything went by really fast. All was blurred and shaky but the kaba was worth It when I heard them cried for the first time, when I first held them in my arms.

“the best feeling ever! I never knew I could love someone so much that it hurts (in a good way).

“Thank you for all of your prayers and positive energy. “Huge thank you also to the delivery staff of MMC for taking such good care of me and my little family. To God be the glory.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Naku, naku, sino pa rin itong si Anna Vicente?

Paano niya maipapakilala ang sarili niya kung mag-aalaga na siya ng dalawang bata?

Paano na ang kanyang naunsiyaming showbiz career?

GORGY RULA

Napaaga nga raw ang panganganak ni Anna.

Kuwento ng ilang kaibigang napagtanungan ko, nung nag-labor daw ang Kapuso actress, pinipilit daw nilang itaon na ng 2-22-22, pero kinabukasan na niya nailuwal. Pero masaya raw ang mag-partner na Anna at Paolo dahil nakumpleto agad ang panganay nilang baby boy at baby girl.

Ipinakilala si Anna sa afternoon drama na Ang Dalawang Ikaw, iyon pala ay dalawang baby ang katapat, at tila mauudlot na ang showbiz career nito, dahil ang dinig ko ay ayaw na raw siyang pag-artistahin ng dyowa.

Sa totoo lang, hindi na niya kailangang mag-artista pa, dahil maganda naman ang buhay ni Anna sa napakayaman niyang dyowa.

Kayang-kaya siyang ipag-produce ng pelikula o kahit TV show kung gusto pa rin niyang mag-artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Congratulations kina Anna at Paolo sa blessings na ito na lalong magpapatibay sa kanilang relasyon.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nanganak na nung Pebrero 23 ang ipinakilala noon sa Kapuso teleseryeng "Ang Dalawang Ikaw" na si Anna Vicente. Pagkatapos ng kanyang unang proyekto sa GMA-7, wala nang nabalitaan pa kay Anna liban sa pagbubuntis nito ng kambal at sa panganganak na nga nito.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results