Watch Now

Bayan ng Pola, Oriental Mindoro, nagiging favorite location para sa movie shoots

by PEP Troika
Feb 26, 2022
Jennifer Mindanao-Cruz
Julia Barretto
Xian Lim
Ang bayan ng Pola, Oriental Mindoro ay nagiging isa sa mga paboritong location para sa ilang mga pelikula. Dito ginawa ang Bahay ni Pula na pinagbidahan nina Julia Barretto at Xian Lim (in photo). Bilang alkalde ng Pola, hinihikayat ni Jennifer Mindanao-Cruz (left) ang mga movie producers at directors na mag-shoot sa kanilang bayan, na sagana sa scenic spots at tourist destinations.

GORGY RULA

Nagiging paboritong location ng shooting ang bayan ng Pola sa Oriental Mindoro, dahil sa kooperasyon ng alkalde nitong si Mayor Jennifer Mindanao-Cruz, o mas kilala bilang si Ina Alegre.

Noon pa man ay sinasabi na sa amin ni Mayor Ina na gusto niyang kumbinsihin ang mga producers na sa bayan niya sa Pola na mag-shooting para ma-promote na rin ang naturang lugar.

“Halos kumpleto kasi dito sa Pola.

"May dagat, may lawa, may talon, iba-ibang lugar, may mga old houses dito, na ang daming lumang bahay talaga na puwede nilang gamitin sa shooting.

“May kalye dito na halos isang barangay nga na mga old houses lahat nakatayo.

“May ibang may mga nakatira pa, ang iba wala na. Kasi nasa Manila na o sa abroad yung may-ari.

“Nakita niyo yung sa Bahay na Pula? Yan ang old house dito,” pagmamalaki ni Mayor Ina nang nakapanayam namin sa DZRH nung nakaraang Biyernes, February 25.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

(L-R) Pola, Oriental Mindoro mayor Jennifer Mindanao-Cruz with Bahay na Pula lead stars Julia Barretto and Xian Lim

Nagustuhan ni Direk Brillante Mendoza na mag-shoot doon sa Pola, at ilan sa mga nagawa niya na doon kinunan ay ang mga pelikulang Palitan, Sisid, at ang latest ang Bahay na Pula na ipinalabas lahat sa Vivamax.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Doon din nag-shoot si Direk Brillante ng pelikulang The Policeman na pinagbidahan ni Coco Martin kasama si Julia Montes.

Sana tuluy-tuloy na raw ang pag-shoot sa kanila, o kaya puwede rin daw mag-lock in taping doon para sa teleserye.

“Ginagawa ko kasing maging Film Capital of Oriental Mindoro ang Pola. Ito nga… tagarito naman sina Ejay Falcon, Noli Boy de Castro…

“Marami kasing well-known personalities ang bayan ng Pola,” pahayag ng actress/movie producer at politician.

Malaking bagay raw kapag may nagsu-shooting sa naturang lugar dahil malaki raw ang naitutulong nito sa mga tagaroon.

“Alam mo, pag nandito ang shooting, nagbabayad sila ng permit sa bayan ng Pola.

“Pangalawa, malaking income din sa mga taga-Pola pag ginawa silang ekstra.

"'Tapos, yung mga tricycle driver natin, kumikita sila pag nag-service sila na halimbawa gustong mamasyal ng mga artista o mga staff, napapasyal sila sa ilang lugar natin.

“Malaki talaga ang naitulong ng paggawa ng pelikula sa bayan ng Pola,” dagdag niyang pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya bumabalik rin siya sa pagpu-produce at natapos niya ang isa pang pelikulang pinamagatang 40 Days na pinagbidahan niya kasama sina James Blanco, Michelle Vito, at Mygz Molino. Dinirek ito ni Neal “Buboy” Tan.

Jennifer Mindanao-Cruz
Ina Alegre

Jennifer Mindanao-Cruz
Direk Neal Tan
James Blanco
Michelle Vito

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Jennifer Mindanao-Cruz screen grab from 40 Days movie

Magkakaroon ng public screening ng naturang pelikula doon sa Pola, sa Linggo February 27, para na rin daw sa mga kababayan niya roon.

Gusto raw niyang ituluy-tuloy na ang pagpu-produce para kahit paano ay may naitutulong daw siya sa movie industry at mapu-promote na rin ang bayan ng Pola.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Yes, nasabi nga ni Direk Brillante na kahit magkakasunod ang movies niya na kinunan sa Pola, iba-iba ang hitsura ng mga iyon.

Iyon ngang Palitan, supposedly ay sa Gumaca, Quezon ang setting.

Parang gusto kong puntahan yung falls sa Pola kung saan “naligo” ang apat na bida ng Palitan na sina Jela Cuenca, Cara Gonzales, Luis Hontiveros at Rash Flores!

At ang seafoods ng Pola, fresh at talagang talap-talap!

NOEL FERRER

Artistic sexy films ang Palitan at Sisid na dinirek ng multi-awarded na si Brillante Mendoza.

Ang tanong: nakakatulong nga ba ang mga pelikulang ginagawa sa turismo at pag-unlad ng lugar?

Sana, but we hope na hindi ito nagdadala ng ibang problema tulad ng health, prostitution, environmental abuse at iba pa.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang bayan ng Pola, Oriental Mindoro ay nagiging isa sa mga paboritong location para sa ilang mga pelikula. Dito ginawa ang Bahay ni Pula na pinagbidahan nina Julia Barretto at Xian Lim (in photo). Bilang alkalde ng Pola, hinihikayat ni Jennifer Mindanao-Cruz (left) ang mga movie producers at directors na mag-shoot sa kanilang bayan, na sagana sa scenic spots at tourist destinations.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results