Mga kaibigan at katrabaho ni Super Tekla, nababahala pagkatapos mabuwag ng Donekla tandem

by PEP Troika
Feb 28, 2022
super tekla, donita nose
Ikinakabahala ng ilang malalapit na kaibigan at katrabaho ni Super Tekla ang pagkabuwag ng YouTube channel nito at ni Donita Nose. Inaalala nila si Tekla dahil baka may mabigat itong pinagdadaanan at dumadaan sa depression kaya walang ganang magtrabaho.
PHOTO/S: YouTube

GORGY RULA

Lumabas sa vlog ng Donekla tandem nina Donita Nose at Super Tekla ang kanilang paghihiwalay noong Pebrero 18, Biyernes.

Hindi pa masabi kung magkakaayos pa sila at kung magiging active muli ang kanilang YouTube channel.

Read: Donita Nose to Super Tekla: "Number one nating problema, katamaran mo."

Ikinabahala ito ng ilang malalapit na kaibigan at katrabaho. Ayon sa ilang napagtanungan ng PEP Troika, wala silang problema kay Donita dahil nakita nilang masipag ito at pursigido sa ginagawa.

Ang inaalala nila ay si Tekla dahil baka talagang may mabigat daw itong pinagdadaanan. Baka dumadaan daw ito sa depression kaya walang ganang magtrabaho o may problema sa trabaho.

May ilan ding kaibigang nagdududang bumalik ito sa dating bisyo. Hindi lang masabi kung alin sa mga bisyong kinahumalingan niya noon.

Nagtanung-tanong din ako sa ilang taga-The Boobay and Tekla Show, ang weekly show ni Tekla with Boobay.

Ayon sa kanila, wala silang problema kay Tekla, at okay naman daw sila ni Boobay. Ang inaalala raw nila ngayon ay kung ano ang plano ni Tekla ngayong nagkahiwalay na sila ng tirahan ni Donita.

Continue reading below ↓

Mabuti raw noong nandiyan si Donita na nagtsi-check at nag-aasikaso sa kanya.

Ngayon ay hindi nila alam kung saan na ito nakatira. Ang latest na narinig nila ay palipat-lipat daw ito ng tinitirhan o nakikitira sa ibang kaibigan.

Kailangan daw talagang habaan ang pasensiya kay Tekla, at baka nga may matinding pinagdadaanan. Mabuti at marami siyang kaibigan na talagang nag-aalala at willing pa ring tumulong sa kanya.

Bukas ang PEP.ph sa panig ni Super Tekla para linawin kung okay ba talaga siya ngayon at kung maayos ba ang kanyang tinitirhan.

NOEL FERRER

Napanood ko ang vlog nila at aminado naman itong si Tekla sa kanyang pagkakasala at pagkukulang.

Pero hindi doon dapat nagtatapos ang lahat. Dapat, may pagbabago ring nagaganap.

Mahirap talaga kapag hindi makawala sa bisyo.

Baka kailangan ni Tekla ng professional help… dahil parang naging pattern na ito sa buhay niya. Paulit-ulit lang. Ikut-ikot lang. Ikut-ikot. Ikot?

Sabi nga ng kaibigan niyang si Donita Nose, nakakapagod din yun, ha!!!

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Kapag Napagod Ang Puso (1988), pelikula nina Snooky Serna at Christopher de Leon, sa direksiyon ng yumaong Maryo J. de los Reyes.

Kung Tapos Na Ang Kailanman (1990), pelikula nina Gary Valenciano at Gretchen Barretto, sa direksiyon ng namayapang Lino Brocka.

Sakaling pelikula ang nagaganap kina Tekla at Donita Nose, ano kaya ang pinakaakmang pamagat?

Pwede na ba iyong title ng huling vlog nila, “Ito Na Ang Totoo… Ang Totoong Nangyari.”

Sa English, “Here Comes The Truth… What Really Happened.”

Teka, teka, tekla! Masyadong mahaba! Parang mas OK yung… “Bakit Nawarak Ang Donekla?”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ikinakabahala ng ilang malalapit na kaibigan at katrabaho ni Super Tekla ang pagkabuwag ng YouTube channel nito at ni Donita Nose. Inaalala nila si Tekla dahil baka may mabigat itong pinagdadaanan at dumadaan sa depression kaya walang ganang magtrabaho.
PHOTO/S: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results