Rhian Ramos at Glydel Mercado, naliwanagan tungkol sa Article 247

by PEP Troika
Mar 3, 2022
rhian ramos, glydel mercado
Rhian Ramos (left) and Glydel Mercado (right) star in the upcoming Kapuso afternoon drama series Artikulo 247.
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Ngayon lamang tatalakayin at lilinawin ang batas na Article 247 sa Revised Penal Code sa isang drama series.

Ito ay sa pamamagitan ng Artikulo 247, na mapapanood sa afternoon prime ng GMA-7 simula sa Lunes, Marso 7, 2022.

Ang definition ng Article 247, ayon sa Google: “Any legally married person who having surprised his spouse in the act of committing sexual intercourse with another person, shall kill any of them or both of them in the act or immediately thereafter, or shall inflict upon them any serious physical injury, shall suffer the penalty of distierro.”

Sa mediacon ng Kapuso drama series, ipinaliwanag ng direktor nitong si Jorron Lee Monroy na ang ipapataw na distierro sa taong nakagawa nito ay hindi masasabing penalty kundi proteksiyon sa maaring gawin ng pamilyang napatay o nasaktan.

Sabi naman ng lead actress ng Article 247 na si Rhian Ramos, ngayon lang ito naipaliwanag sa kanya. Pero mabuting malaman din ito ng mga gusto nang mag-asawa.

Continue reading below ↓

Saad niya, “I heard naman about articles like this before in the law. I just didn’t know…. hindi ko alam na nasa Revised Penal Code natin dito sa Pilipinas.

“I think everyone should know about it. Siguro parang feeling ko, when you have more knowledge, mas prepared, para posibleng, you know, could save you from making a mistake, when you have more knowledge on something.

“I don’t want to know about it para gawin nila para patayin nila yung mga asawa nila at mga kabit ng asawa nila. Not for that purpose.

“Maybe I want people to know about it also kasi so that they know about cheating, perhaps.

“Kasi, kung alam mo na kung ganun kalaki yung consequence ng mga actions mo, baka mas lalong i-avoid yung…

"Siyempre, there’s so many reasons not to cheat. Because you love your partner. Because you don’t want to hurt anyone that you love, or maybe you don’t want to hurt anyone in general.

Continue reading below ↓

“But, I think, another thing is, if there is a law that protecting the person that will possibly get back at you for this, so don’t do it na,” saad ni Rhian.

Hindi nakadalo sa mediacon ang isa sa cast member na si Glydel Mercado.

Ngayong Huwebes, March 3, tinanong ng PEP Troika si Glydel kung sakaling mangyari ito sa kanila ni Tonton Gutierrez, magagawa kaya niyang patayin ang kanyang asawa kapag mahuli niyang nasa akto ito ng pangangalunya?

“Hindi ko siguro magagawa yun, baka iwanan ko na lang sila at umalis… pagkatapos ko silang patayin… hahaha!” natatawang sagot sa akin ni Glydel.

Ngayon lang din daw nalinaw sa kanila kung tungkol saan ang naturang batas, pero sa pagkakaalam nila ay niri-repeal ito.

Ang iba pang cast ng Artikulo 247 ay sina Kris Bernal, Mark Herras, at Benjamin Alves.

JERRY OLEA

Buti naman at ipalalabas na ang Artikulo 247, kung saan sinalo ni Benjamin Alves ang role ni Rocco Nacino.

Continue reading below ↓

Nang umayaw si Derek Ramsay sa To Have & To Hold, pumalit si Rocco bilang leading man nina Carla Abellana at Max Collins.

Noong December 2021 pa natapos ang To Have & To Hold, at inaabangan na natin ang guesting ni Rocco sa First Lady.

At any rate, wala pa raw sa plano ng 31-anyos na si Rhian na magpakasal.

Pero ang marrying age para sa kanya, “Ever since my teens, my ideal marrying age was 35.

"Some people think that it’s late. Some people think that it’s perfect and that’s normal.

“Ah… for me kasi, parang siguro kasi… parang ang dami ko pang gustong gawin, and ma-achieve on my own. Kaya siguro never ko siya naging priority or dream.

“A lot people asked me on set especially when we have scenes like proposals or weddings, things like that. Kung ano yung mga dream proposal or dream wedding ko.

“And the truth is, I never thought of it yet. Kasi parang sa utak ko, malayo pa yun into the future, and also… hindi kasi isa sa mga dreams ko.

Continue reading below ↓

“I’m open with happening and I would be grateful for something like that to happen also kung iyun ang gusto ni God para sa akin. But, parang whether or not it happens, is also okay lang with me.”

NOEL FERRER

Ang suwerte nga ni Rocco! Maganda ang role niya sa First Lady. Biruin mo, dalawang primetime shows ang kapalit ng afternoon drama.

Sana mag-fly ang soap na ito, despite the fact na parang pakonti raw ang free TV viewers these days compared to before.

At ngayong Alert Level 1 na, puwede nang lumabas ng bahay ang mga tao… hindi tulad noon na nakakulong sa bahay at tutok sa TV. Kaya pagandahan talaga ng content ang labanan.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rhian Ramos (left) and Glydel Mercado (right) star in the upcoming Kapuso afternoon drama series Artikulo 247.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results