Boobay, sinabihan si Super Tekla na ipagtanggol ang sarili laban sa mga paratang ni Donita Nose

by PEP Troika
Mar 4, 2022
boobay, donita nose, super tekla
Boobay (left) defends Super Tekla (inset, top and bottom) against Donita Nose's (inset, top) accusation that he is lazy: “Siguro, bigyan din ng ano… may black and white tayo, di ba? Sana, kahit papa'no, nabigyan din ng importansiya ang ambag dun ni Tekla sa samahan nilang dalawa. Hindi lang yung pagiging tamad niya, ganyan.”
PHOTO/S: Jerry Olea / YouTube

JERRY OLEA

Masaya si Boobay sa patuloy na pamamayagpag ng The Boobay And Tekla Show (TBATS).

“Three years na! Three years na, Kuya, na hindi namin ine-expect na magti-three years!” bulalas ni Boobay sa face-to-face storycon ng pelikulang Take Me To Banaue nitong Marso 3, 2022, Huwebes, sa Pandan Cafe, Sct. Limbaga St., Quezon City.

“Tapos, padami nang padami yung family members namin. Meron na kaming Mema Squad, yung mga okrayan namin doon palagi.

“And at the same time, ayun… si Tekla! Sobrang happy naman kami ni Tekla!”

Pinataob nila ang Gandang Gabi, Vice (GGV) ni Vice Ganda, di ba?

Napakunot-noo si Boobay at tila nauutal, “Ahh! Nag-add! Nag-add kami ng ano… Ha! Ha! Ha! Ha! Kasiyahan… at bagong ano.

“Bagong mukha ng komedya, ayun! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Magtatagal pa ba si Tekla sa show?

“Feeling ko, magtatagal siya, oo! Kasi, mas lalo siya ngayong nagiging focused sa ano namin,” mabilis na tugon ni Boobay.

Continue reading below ↓

“Sa mga bagong episode namin. Sa last taping namin, tatlong episodes, talagang iba yung bagsakan namin.

“Kaya abangan nila yun, yung mga bagong episode ng The Boobay And Tekla Show. Kasi, summer na, so abangan po ninyo ang mga summer episode namin!”

Ipinagdiinan ni Donita Nose sa YouTube vlog ng Donekla in Tandem na ang problema kay Tekla ay ang katamaran nito.

Nakita ba niyang tamad si Tekla?

“Nakita kong tamad siya? Hindi naman! Wala akong nakitang tamad si Super Tekla,” saad ni Boobay.

“Hindi ko lang alam sa kanilang dalawa, kasi sila ang nagkasama sa bahay, e.

“Sa studio naman, sa dressing room, hindi naman tamad si Super Tekla. Pag sinabing, ‘Roll na! Roll na!’ ready na siya kaagad-agad.

“Hindi ko pa naman siya nakitang late, ganyan.”

Read: Donita Nose to Super Tekla: "Number one nating problema, katamaran mo."

Sa tingin niya, tatagal pa ang TBATS?

“Nararamdaman ko po! In fairness naman talaga, sobrang sineseryoso namin, lalo na yung mga writers namin,” sambit ni Boobay.

Continue reading below ↓

“Kami rin, nagugulat kami minsan, may bago kaming segment na gagawin, na bago to the eye of the audience.

“Sa amin mismo, bago sa mga mata namin. So, natsa-challenge din kami to do better.”

Siyanga pala, flamboyant hairdresser ang karakter ni Rocky na gagampanan niya sa romcom na Take Me To Banaue.

Co-stars niya rito sina Maureen Wroblewitz, Thea Tolentino, MJ Lastimosa, at ang American actors na sina Brandon Melo at Dylan Rogers.

Ididirek ito ng Fil-Am director-producer na si Danny Aguilar, para sa itinatag niyang Carpe Diem Pictures na nakabase sa Dallas, Texas, USA.

take me to banaue

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Nakatsikahan ko rin si Boobay sa story conference ng Take Me To Banaue.

Sa taping ng The Boobay At Tekla Show, sinabihan daw ni Boobay si Tekla na bakit hindi man lang nito ipinagtanggol ang sarili habang pinagsasabihan ni Donita Nose tungkol sa diumano’y katamaran at pagiging unprofessional.

“Lahat naman tayo, may kanya-kanyang pinagdadaanan, e. Pero ang ano siguro dun, sana hindi na lang… ano ba?” sandaling napaisip si Boobay.

Patuloy niya, “Siguro, bigyan din ng ano… may black and white tayo, di ba? Sana, kahit papa'no, nabigyan din ng importansiya ang ambag dun ni Tekla sa samahan nilang dalawa. Hindi lang yung pagiging tamad niya, ganyan.”

Bilang kaibigan at malapit din kay Super Tekla, nasaktan daw si Boobay sa ginawa ni Donita kay Tekla.

“Na-hurt, Kuya, lalo na hindi siya nakapagsalita. Kaya nung… 'Bakit ganun, hindi mo man lang ipinagtanggol yung sarili mo?'

“Sabi niya, ‘Sa akin na lang yun.’ At some point, naawa rin ako. Sa akin yun, ipaglalaban ko yung sarili ko… ‘May ambag din naman ako dito, ah,’ parang ganun.

Continue reading below ↓

“Ang makakakilala sa kanila… sila, nagsama sa isang bahay, so sila ang alam kung ano talaga yung ano,” dagdag niyang pahayag.

Donita Nose, Super Tekla

Hindi pa raw sila nagkaroon ng chance na mag-usap ni Donita, dahil alam niyang abala rin ito.

Basta nandiyan lang daw silang TBATS family na sumusuporta kay Super Tekla.

Continue reading below ↓

“Nandun naman kami na sinasabi namin na just in case na hindi niya kayanin, ganyan, feel free na sabihin yun.

“Yun naman ang maganda kay Tekla, kapag hindi niya kaya, sinasabi naman niya talaga yun.

“Yun nga, sinasabi namin sa kanya na, 'No matter what, we’re one family.' Lalo na ngayon, ang laki na ng pamilya namin,” sabi pa ni Boobay.

Sa kabilang banda, excited si Boobay para sa Take Me To Banaue, na apat na araw raw siyang magsu-shoot sa Baguio at sa Mountain Province.

NOEL FERRER

Tama, lahat tayo ay may pinagdadaanan. Pero hindi ito dapat makaapekto sa mga tungkuling ating ginagampanan.

Sa mga nagkakaibigan, napapalampas ang mga batas, basta sana para sa ikabubuti ng lahat.

Sana mahanap nina Boobay, Donita Nose, at Super Tekla ang kapayapaan at kaligayahan sa buhay nila… lampas sa mga isyung hinaharap nila.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Boobay (left) defends Super Tekla (inset, top and bottom) against Donita Nose's (inset, top) accusation that he is lazy: “Siguro, bigyan din ng ano… may black and white tayo, di ba? Sana, kahit papa'no, nabigyan din ng importansiya ang ambag dun ni Tekla sa samahan nilang dalawa. Hindi lang yung pagiging tamad niya, ganyan.”
PHOTO/S: Jerry Olea / YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results