Watch Now

Thea Tolentino nagpaturo kay Yasmien Kurdi kung paano "lumandi"

by PEP Troika
Mar 4, 2022
Thea Tolentino, Yasmien Kurdi
Thea Tolentino (left), malaki ang pasasalamat kay Yasmien Kurdi (right) na tinulungan siya sa audition piece niya para sa pelikulang Take Me To Banaue.
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

Nagpaturo si Thea Tolentino kay Yasmien Kurdi kung paano lumandi.

Nasa lock-in shooting si Thea ng Kapuso series na Las Hermanas nang gawin niya ang audition video para sa role na Jinky Pascual sa pelikulang Take Me To Banaue.

May eksenang magpi-flirt si Jinky sa lalaki, at hindi raw niya alam kung paano gawin iyon. Talaga, hindi siya marunong humarot?!

"Ano po, baka hindi ko lang napapansin," sambit ni Thea sa storycon ng Take Me To Banaue nitong Marso 3, 2022, Huwebes, sa Pandan Cafe, Sct. Limbaga St., Quezon City.

"Pero actually, kay Yasmien Kurdi ako nagpaturo. 'Ate Yas, paano bang lumandi?'

"Tapos sabi niya, 'Ganito, yung hininga mo… kailangan ipadinig mo yung hininga mo.' So, yun ang ginawa ko sa audition, na vinideo ng make-up artist na kasama namin. Tapos si Ate Yas, siya yung kabatuhan ko ng linya.

"Yun yung sinend ko kay Direk Danny. Kaya sobrang thankful ako, tinulungan ako ni Ate Yas."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Danny Aguilar ang direktor ng Take Me To Banaue.

Take Me To Banaue

Gumanap sina Yasmien, Thea, at Faith da Silva bilang magkakapatid sa afternoon drama series na Las Hermanas (Oktubre 2021-Enero 2022). Co-stars nila sa Las Hermanas sina Albert Martinez, Jason Abalos, at Lucho Ayala.

Teka! Ibig bang sabihin, hindi rin siya aware kung nilalandi o hinaharot na siya ng lalaki, halimbawa’y aktor na kasama sa lock-in taping?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ayoko po kasing mag-feeling! Baka mamaya, hindi naman. Tapos, ako ang mapapahiya!" bulalas ni Thea.

Sa tagal ng mga lock-in taping, nagkakaroon minsan ng lock-in romance ang magkakatrabahong artista. Wala siyang ganung experience?

"Hindi po ako single. Ha! Ha! Ha! Ha!" paghalakhak ni Thea.

Aba, kahit hindi single yung iba, nade-develop sa co-star, huh?!

"Loyal po ako! And happy! Constant po ang aming communication, at merong trust and understanding," sambit ni Thea, na natapos na ang mga eksena sa lock-in taping ng Lolong.

NOEL FERRER

At nagpaturo talaga si Thea kay Yasmien?

Oh well, sana naturuan naman siya nang tama. Kung paano umarte. Kung paano magkaroon ng maayos na pamilya, pati na rin kung paano hindi maging enabler sa politika.

Maganda rin talaga sa mga artist na may pagre-research din at maayos na social analysis. Beyond showbiz.

GORGY RULA

Hindi talaga nagbago si Thea. Siya pa rin yung kimi at mahiyain pagkatapos niyang manalo sa second season ng Protégé (2012) kasabay si Jeric Gonzales.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero magaling siyang aktres, at tama namang sa kanya napunta ang role na yun para sa Take Me To Banaue.

Maraming aktres ang pinagpilian para sa naturang role. Kailangan din kasi yung puwedeng umalalay kay Maureen Wroblewitz sa ilang eksena, dahil bago pa lang sa pag-aartista ang model-actress.

Si LJ Reyes ang isa sa pinagpilian sa role, pero nasa Amerika na ang aktres.

Mabuti at napunta kay Thea na magaling ding umarte at dapat talagang mabigyan na siya ng chance mapatunayan sa lahat na isa siya sa mga magaling na aktres sa kanyang panahon.

Pagdating sa love life, masaya siya sa kanyang non-showbiz boyfriend na narinig ko pa noong gusto na raw nitong mag-propose sa kanya. Ewan ko lang kung natuloy ito, dahil tahimik lang si Thea.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Thea Tolentino (left), malaki ang pasasalamat kay Yasmien Kurdi (right) na tinulungan siya sa audition piece niya para sa pelikulang Take Me To Banaue.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results