Boobay naglaho ang pagnanasa kay Jeric Gonzales

by PEP Troika
Mar 5, 2022
Nagkatrabaho sina Boobay at Jeric Gonzales sa pelikulang Broken Blooms
Nagkatrabaho sina Boobay at Jeric Gonzales sa pelikulang Broken Blooms.
PHOTO/S: @jericgonzales07 @boobay7 on Instagram

JERRY OLEA

Naglaho ang crush at pagnanasa ni Boobay kay Jeric Gonzales matapos ang lock-in shooting nila ng pelikulang Broken Blooms.

"Naging idol ko siya. Mas inidolo ko siya!” bulalas ni Boobay sa storycon ng Take Me To Banaue nitong Marso 3, 2022, Huwebes, sa Pandan Cafe, Sct. Limbaga St., Quezon City.

“Kasi, ang galing-galing niya. 'Tapos, ang galing-galing din ni Louie Ignacio na mailabas yung role na hinahanap, kung paano ipo-portray ang role niya roon bilang anak ni Ms. Jaclyn Jose."

Tungkol sa Broken Blooms, "sobrang depressing" raw ang kuwento nito.

Dugtong ni Boobay, "Pero marami kang matututunan 'tapos, makaka-relate lahat.

“Very relatable, lalo na ngayong panahon ng pandemic. I’m sure, yung makakapanood nun, at some point dun sa mga situation na makikita nila, meron dun nangyari sa life nila."

Napiga rin siya ni Direk Louie sa papel niya?

“Ay, opo! Naku, grabe! Sobra-sobra, sobra-sobra. Hindi ko in-expect na magiging ganun yung ano ko din,” saad ni Boobay.

Continue reading below ↓

“Yung pag-portray ko sa role na yun. Na sabi nga ni Direk, ‘Ayokong makita diyan yung Boobay din, yung Boobay na ano! Kailangang serious ka dito. Ibigay mo yung role mo diyan!’

“Yun bang kaibigan na… umaasa tayo sa love ng isang tao? Alam mong hindi ibibigay sa iyo, pero ikaw, andun ka lang, masaya ka lang sa ibinibigay mo.

“Hindi ka naghahanap ng kapalit.”

Kaya lang, hindi siya ang kaharutan ni Jeric sa mapangahas nitong eksena kundi ang premyadong production designer na si Jay Custodio…

Tumatawang sabi ng komedyante, "Sa isang eksena lang naman yun! Abangan niyo naman yung role ko dun sa buhay ni Jeric!”

Offhand, flamboyant hairdresser ang karakter ni Boobay sa Take Me To Banaue.

Hairdresser din ba ang role niya sa Broken Blooms?

“Broken ako dun. Broken,” pakli ni Boobay, na Norman Azurin Balbuena sa totoong buhay.

NOEL FERRER

Bawas. Less is more. Iyan ang isang learning about film acting para kay Boobay who is now crossing over to film from his flamboyant TV and live hosting chores.

Continue reading below ↓

Good that he is in two films na hopefully will be widely released soon, at sana ito na ang maging hudyat ng pagbabalik-sigla sa industriya ng pelikula sa mga sinehan.

Pero teka, kahit Alert Level 1 na, bakit matumal pa rin ang panonood sa mga sinehan sa mga pelikulang tulad ng The Batman (na 2 hours and 56 minutes ang running time)?

Mas ninanais ba ng mga taong magpunta sa mga rallies ng mga kandidato kaysa manood ng sine?

GORGY RULA

May ilang close friends sina Boobay at Super Tekla na natuwa sa pagtatanggol ng una sa huli.

Noon pa man ay mabait na raw si Boobay sa co-host niya sa The Boobay and Tekla Show.

Sana raw ay hindi maubos ang pasensya niya. Hindi rin daw kasi masisisi si Donita Nose kung bakit siya nakapagsalita ng ganun sa kanilang Donekla In Tandem vlog.

Nagsisimula na ngayong Marso 5, Sabado, ang shooting ng Take Me To Banaue sa Baguio.

Continue reading below ↓

Gustung-gusto ni Boobay ang role niya rito, at mabuting sa trabaho na muna siya todo work. Saka na ang love life.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Read More Stories About
Boobay, Jeric Gonzales
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagkatrabaho sina Boobay at Jeric Gonzales sa pelikulang Broken Blooms.
PHOTO/S: @jericgonzales07 @boobay7 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results