Chismax na matsutsugi na ang Lunch Out Loud, fake news

by PEP Troika
Mar 6, 2022
Bayani Agbayani
Masaya si Bayani Agbayani na patuloy na umaarangkada sa ratings ang kanilang TV5 noontime show na Lunch Out Loud (LOL). Aniya, “Sa awa naman po ng Diyos, naka-one year na kami. Running for two years na kami. Kasama talaga sa laban ng buhay iyan, e."

JERRY OLEA

Ipinagkibit-balikat na lamang ni Bayani Agbayani ang na-resurrect na tsismis na kesyo matitigbak na ang daily noontime show nilang Lunch Out Loud (LOL) sa TV5.

“Hindi na po bago iyan sa amin, e!” bulalas ni Bayani nang makatsika namin nitong Marso 5, Sabado sa cafe na katabi ng LOL studio sa Kalayaan Ave., QC.

“Kasi, nung bago pa kami magsimula, three months lang daw ang itatagal namin.

“Sa awa naman po ng Diyos, naka-one year na kami. Running for two years na kami. Kasama talaga sa laban ng buhay iyan, e.

“Kahit saang estado, kahit saang propesyon, may ganyan talaga, e. Pero ang mahalaga kasi, kung ano yung ginagawa mo, pagbutihin mo.

“Kasi, at the end of the day, whether may tsismis o wala, pag mababa ang rating mo, mawawala ka sa ere.”

Pangalawa pa rin sa Eat Bulaga ang LOL.

“Awa ng Diyos! At sa Visayas at Mindano, mataas pa kami. Malakas pa kami,” napangiting sambit ni Bayani.

Continue reading below ↓

“Siguro dahil… pag nagpe-pray kami, lagi akong, ‘Sa lahat po ng mga kapatid nating Muslim, As-Saalam-Alaikum!’

“Na-capture namin ang Mindanao nang todo-todo.

“Nag-Pasko’t Bagong Taon kami ni Len-len [wife ni Bayani] sa Wild Farm saka sa Davao, e. Alam talaga nila. Alam nila yung show.

“Sa hotel, yung mga waitress, mga bellboy, alam talaga nila. Nagre-rate talaga yung show.

“Nung una nga, sabi ko, ‘Talaga bang malakas kami?’ E, nandun ako sa Mindanao, nalaman ko. Malalaman mo, e.”

GORGY RULA

Ang isa pa ngang ipinupunto ni Bayani, silang mga taga-LOL ay galing sa mga noontime shows at ang dami na nilang pinagdaanan sa ganung show.

Kaya alam na nila lahat kung paano ito itawid at malagpasan ang lahat ng mga challenges ng isang bagong progama.

Sabi ni Bayani, “Sa awa ng Diyos, ipinanganak at hanggang ngayon nasa noontime pa rin ako, e.

“Nag-umpisa ako sa Lunch Date, Katok Mga Misis, Salu-Salo Together. Nang napunta ako sa Channel 2, ‘Sang Linggo nAPO Sila, Magandang Tanghali Bayan, Esep-Esep...

Continue reading below ↓

“Nakita ko na yung noontime, awa ng Diyos, nalaman ko. Hanggang ngayon, 53 years old, nasa noontime naman ako sa Lunch Out Loud. So, alam ko na kung ano ang barometer ng tatagal na noontime show.

“Nakita ko na sa Eat Bulaga kung bakit sila tumagal, kasi yung camaraderie nila, e. Pamilya, e. Nakita ko dito, e. Ang Showtime, ganun din, e.

“Sabi ko nga sa kanila, ‘Huwag nating itigil itong pagmamahalan natin, para tayong isang buong pamilya, magkakapatid. Dito, nakikita ng tao, nararamdaman nila iyan. Pag naramdaman ng tao iyan, tatagal tayo dito sa industriyang ito.’

“Kasi, alam mo kung bakit? Hindi naman mga baguhan ‘tong mga ito e. Lahat ng staff namin galing sa ABS-CBN, galing sa Channel 7, galing sa TV5, puro mga beterano na.

“Ang direktor namin, lahat, ayan si Direk Bobet [Vidanes], si Bijoy [Balagtas], galing iyan sa Showtime.

“Sina Billy [Crawford], galing sa Showtime. Ako, galing na ako sa Magandang Tanghali, so hindi na ‘to bago sa amin, e. Kaya na namin ‘to itawid at kaya na namin ‘to panindigan.”

Continue reading below ↓

Bukod sa bagong segment na Maritest na sisimulan ng LOL sa March 21, kuwela pa rin ang kanilang Pera Usog, saka ang kanilang H.O.P.E. (Hindi, Oo, Puwede, Ewan) na may puso na talagang tinututukan dahil ang daming nakaka-relate sa kuwentong inilalahad sa segment na iyun.

NOEL FERRER

Trabaho lang naman iyan, walang personalan. Haba ng pisi ang pinag-uusapan.

Ratings at kita ang bibliya nila riyan!

Good luck sa LOL na parang pusa na maraming lives. Ilang beses na naibalitang matitigbak pero ayan, buhay pa rin!

Sana, lalo pa itong gumanda at makapagbigay ng aliw at tulong sa ating mga kababayan para ang tao ang panalo!

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Masaya si Bayani Agbayani na patuloy na umaarangkada sa ratings ang kanilang TV5 noontime show na Lunch Out Loud (LOL). Aniya, “Sa awa naman po ng Diyos, naka-one year na kami. Running for two years na kami. Kasama talaga sa laban ng buhay iyan, e."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results