Ken Chan, tiniyak na nakasuporta si Rita Daniela sa tambalan nila ni Bianca Umali

by PEP Troika
Mar 11, 2022
Ken Chan, Bianca Umali, Mano Po Legacy: Her Big Boss
"Talagang happy siya para sa amin, and talagang full support si Rita dito sa proyekto na ito and para din sa lahat na cast," sabi ni Ken Chan sa reaksiyon ni Rita Daniela sa loveteam nila ni Bianca Umali (right).
PHOTO/S: Mano Po Legacy: Her Big Boss

GORGY RULA

Tanggap nina Ken Chan at Rita Daniela na wala muna silang project na pagsasamahan ngayon.

Kuwento ni Ken sa mediacon ng Mano Po Legacy: Her Big Boss, nang ginawa nila ni Rita ang afternoon drama na Ang Dalawang Ikaw, sinabihan na silang iyon na ang huling drama series nilang dalawa.

"Hindi kami nabigla. Hindi naman kami nagulat sa kung ano ang mangyayari, kasi alam naman namig ang magiging takbo ng career namin ni Rita dahil in-explain naman sa amin," pakli ni Ken.

May natapos nang pelikula si Rita, ang Madawag ang Landas Patungong Pag-asa, kung saan sina Albie Casiño at Jak Roberto ang kasama niya.

Read: Rita Daniela, Albie Casiño, Jak Roberto bibida sa "drama hindi hubaran" movie ni Joel Lamangan

Si Ken naman ay si Bianca Umali ang ka-partner sa Mano Po Legacy: Her Big Boss, na magsisimula na sa GMA Telebabad sa Marso 14, Lunes, 9:35 p.m., pagkatapos ng Widows’ Web.

Continue reading below ↓

Sabi ni Ken, napapag-usapan nila ito ni Rita at masaya raw ang Kapuso actress para sa kanya.

"We’re very happy para sa isa’t isa. Happy ako na nakakagawa siya ng mga projects na kahit wala ako, and ganun din siya sa akin.

"She’s very happy, and she’s very proud of me. Especially nung nalaman niyang kami ni Bianca ang magkasama sa Mano Po: Her Big Boss.

"Talagang happy siya para sa amin, and talagang full support si Rita dito sa proyekto na ito and para din sa lahat na cast.

"Nakakatuwa lang na alam naman namin. Napapag-usapan namin ni Rita yun, e. Alam namin na darating at darating sa point na mangyayari talaga ito.

"I think it’s healthier para sa isang aktor na makasalamuha at makatrabaho pa ng ibang aktor at hindi mag-stick sa isang love team, para hindi malimitahan ang ginagawa naming trabaho, ang ginagawa naming istorya.

"So, makapag-explore pa kami ng mas malawak sa loob ng industriya natin," saad ni Ken.

Continue reading below ↓

Hindi kasing-drama ng unang Mano Po Legacy itong Her Big Boss. Romcom at light lang itong pangalawang installment ng Mano Po Legacy na idinirek ni Easy Ferrer.

Ken Chan, Bianca Umali, Kelvin Miranda, Mano Po Legacy: Her Big Boss

JERRY OLEA

Continue reading below ↓

Nag-cameo sina Ken at Bianca sa finale episode ng Mano Po Legacy: The Family Fortune. Nakaeksena nila si Barbie Forteza.

Interesting ang tambalan nina Ken at Bianca, pero malabong ma-link sila sa isa’t isa dahil may Ruru Madrid ang young actress.

Mano Po Legacy: Her Big Boss tells the story of a headstrong woman who tries to balance her career and her romantic life.

Irene Pacheco (Bianca Umali) has her life planned out. In two years, she will marry her longtime perfect boyfriend Nestor Lorenzo (Kelvin Miranda) and move to Australia to join the rest of his family.

But life takes a turn when Irene finds a job as assistant to Richard Lim (Ken Chan), a geeky Filipino Chinese businessman who needs to earn the trust of his father to head the family business.

As the boss and his bubbly assistant work together, feelings change, and this causes confusion in Irene’s heart.

Continue reading below ↓

Kasama rin sa "Her Big Boss" sina Pokwang, Teejay Marquez, Ricardo Cepeda, Marina Benipayo, at Arlene Muhlach.

Nasa cast din sina Sarah Edwards, Haley Dizon, Sarah Holmes, Blue Cailles, Tyrone Tan, Jem Manicad, Phi Palmos, at Lime Aranya.

Samantala, may isa pang movie si Rita Daniela na inaabangan natin ang pagpapalabas, ang In The Name of the Mother, kung saan gumanap siya bilang rebeldeng anak ni Snooky Serna. Wala rin si Ken sa nasabing movie.

NOEL FERRER

Sa buena mano ng Regal Studio Presents noong nakaraang Setyembre ay bida sina Ken Chan at Sanya Lopez, remember?

Kaya noon pa man ay sinusubukan na ring itambal sa iba si Ken.

Siyempre, nagpapasalamat si Ken sa GMA at Regal na ipinagkatiwala sa kanya ang project na ito.

Ani Ken, "Sino ba naman ang hindi mapa-proud kapag napasama ka sa Mano Po? I'm very happy, blessed, and thankful.

"Talagang malaking tulong at malaking bagay si Direk Easy sa paghulma nung characters namin. Talagang gina-guide niya kami sa bawat eksena."

Continue reading below ↓

Si Easy Ferrer ang direktor ng Mano Po Legacy: Her Big Boss.

Itong proyektong ito ang unang rom-com series ni Bianca. Heavy drama ang papel niya sa nakaraang prime-time series niyang Legal Wives, kung saan gumanap siya bilang third wife ni Dennis Trillo.

Read: Legal Wives: Anatomy of a Cultural Teleserye

Sabi ni Bianca, "It's definitely a milestone for me. I'm used to doing heavy-drama stories or characters, and this one will be my very first full on romantic-comedy show.

"Nakakakaba because I can say that this is one of the most challenging roles ever."

Meanwhile, Kelvin reveals how different his role is in the series, "Sa akin yung pinaka naging challenge ko is kung papaano ko gagampanan yung pagiging mature.

"Kasi yung last na nagawa kong proyekto talagang napaka-impulsive nung character ko. Itong bagong character ko naman si Nestor Lorenzo, sobrang layo niya kumpara sa nakaraan."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Talagang happy siya para sa amin, and talagang full support si Rita dito sa proyekto na ito and para din sa lahat na cast," sabi ni Ken Chan sa reaksiyon ni Rita Daniela sa loveteam nila ni Bianca Umali (right).
PHOTO/S: Mano Po Legacy: Her Big Boss
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results