JERRY OLEA
Malabong gawin ng GMA 7 ang Pinoy version ng South Korean drama series ni Song Joong-ki na Vincenzo.
“Ang hirap namang gawin ng Vincenzo!” bulalas ng GMA Senior VP for GMA Entertainment Group na si Lilybeth Gomez-Rasonable sa virtual mediacon nitong Marso 11, 2022, Biyernes ng hapon.
Natawa si Ma’am Lilybeth bago nagpatuloy, “Punta tayo sa Italy. Actually, sa totoo lang, gustung-gusto ko siyang gawin.
“But ahhmm… I don’t know lang if it will work here because ang ending niyan, ano siya, e… di ba, mobs? Kumbaga, galing siya sa mob.
“So, ano e, yung hero dito ay pumapatay, sa totoo lang. So, I’m not sure, kailangang pag-aralan nang maigi kung magwo-work iyan sa audience natin.
“Ang bida natin that we are looking for eventually he really kills, and he kills violently.
“Ano, siya e, di ba, may pagka-comedy and everything BUT… later on, talagang an eye for an eye siya, e, di ba?
“Yun yung that’s how he works. So, although I love that show and we tried, actually we inquired.
“But later on, ahh… parang naku, parang hindi kami sure if it will work. But we’re on the lookout pa rin naman for other K-dramas not because nauubusan kami ng stories to tell.
“But sometimes it’s also nice to recreate something that you love watching on Netflix, or on other streaming platforms.
“And to be challenged to do something as good as that. So, we’re still on the look out.”
GORGY RULA
Narinig ko ring gagawin daw ang Vincenzo, at si Dennis Trillo ang napipisil na gaganap.
Bagay naman kung si Dennis. Pero parang mahirap ngang gawin iyon dito sa atin.
Ang laking challenge kapag nag-adapt ka ng isang sikat na drama series mula sa ibang bansa, lalo na ang K-drama. Pero kaya naman.
Handang-handa na raw ang GMA-7 sa Pinoy adaptation ng Start-Up. Sana, maganda ang pag-produce nito, at umepek din ang pag-play up sa karakter nina good boy at bad boy.
Totoo bang si Jeric Gonzales ang isa pang lead actor dito?
Excited ako dito at sana, maganda at bongga ang chemistry nina Alden Richards at Bea Alonzo. Sana talaga!
NOEL FERRER
Ang dami nang nakalinyang programa ng GMA. Parang back to normal na talaga at hindi na uso ang replay.
Kahit may mga bagong practices na sa lock-in taping at cut-offs sa working hours, ibig sabihin, back to normal na talaga tayo at ok na tayo from COVID-19.
Since nabago na ang mode of production, sana ay may nabago na rin sa content at mas kagat na ito sa masa. At mas marami pang orig Pinoy programs, sana! Support Pinoy output ito sana!