Rayver Cruz at Julie Anne San Jose, may "something" na?

by PEP Troika
Mar 14, 2022
rayver cruz, julie anne san jose
Kinilig ang JulieVer fans dahil sa ipinost na larawang ito ni Rayver Cruz sa Twitter kung saan magkadikit ang mga mukha nila ni Julie Anne San Jose. Duda ng ilan, may "something" na sa pagitan ng dalawang Kapuso stars.
PHOTO/S: Rayver Cruz Twitter

GORGY RULA

Lalong kinikilig ang JulieVer fans sa Twitter post ni Rayver Cruz nung Linggo, Marso 13, 2022.

Ipinost ng Kapuso actor ang kuha nila ni Julie Anne San Jose na magkadikit ang kanilang mga mukha.

Ang sweet at bagay silang tingnan sa kuha nilang yun na may caption na: “Lupeeettttt Paturo mag sayaw pls hehe @MyJaps.”

Parang kuha iyon sa isang rehearsal, pero wala kaming ideya kung kailan ito kinunan.

Hindi kaya nami-miss lang ni Rayver si Julie Anne? O nami-miss nila ang isa’t isa

Hindi pa rin kasi makakasama si Rayver sa All-Out Sundays dahil naka-focus pa siya sa taping ng seryeng Bolera na pinagbibidahan ni Kylie Padilla.

Si Julie Anne naman ay magiging abala na sa promo ng huling leg ng kanyang musical trilogy na Limitless. "Rise" ang title nito na naka-schedule ang streaming sa Abril 9.

Na-pack up ang Bolera nung March 5, at may two-week break daw sila. Nakatakda silang bumalik sa second cycle ng taping sa darating na weekend.

Continue reading below ↓

May nagsasabing sina Rayver at Julie Anne, pero wala pa silang inaamin at anumang sagot tungkol sa isyung ligawan, o sila na nga ba.

Pero tila nagbubunyi na ang mga JulieVer fans dahil sa ramdam nang may "something" na talaga sina Rayver at Julie Anne.

Hindi lang ang fans ang masaya para sa kanila kundi ang mga malalapit nilang kaibigan na gustung-gusto nang magkatuluyan silang dalawa.

NOEL FERRER

Grabe ang hype ng JulieVer, ha?! Grabe ang expectations!

Sana talaga, ikasikat nila ito at magtulungan sila para lalo pa silang gumaling sa kanilang performances—sa song and dance man, pagho-host at pati sa pag-arte. Good luck!!!

JERRY OLEA

OA sa Love! Hindi pa siguro abot sa ganyang level ang JulieVer, ‘no?

OA sa Love in the USA ang unforgettable concert tour ni Ogie Alcasid sa Amerika, kasama sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez.

Gaganapin ito sa Marso 26 sa Alex Theatre (Glendale, CA), Abril 2 sa Sycuan Casino Resort (San Diego, CA), at Abril 3 sa Morongo Casino Resort & Spa (Cabazon, CA).

Continue reading below ↓

Siguradong lalong magkakalapit sina Paulo at Janine sa California, kaya maligaya tayo kung naghilom na ang sugat sa puso ni Rayver at nagkakamabutihan na nga sila ni Julie Anne.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kinilig ang JulieVer fans dahil sa ipinost na larawang ito ni Rayver Cruz sa Twitter kung saan magkadikit ang mga mukha nila ni Julie Anne San Jose. Duda ng ilan, may "something" na sa pagitan ng dalawang Kapuso stars.
PHOTO/S: Rayver Cruz Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results