Dingdong Dantes, pumayag ipaamoy ang kilikili sa Family Feud contestant

by PEP Troika
Mar 14, 2022
Dingdong Dantes Family Feud
Family Feud ni Dingdong Dantes, papalitan ang timeslot ng public affairs program na Dapat Alam Mo sa GMA-7. Babalik sa GTV ang Dapat Alam Mo, na hinu-host nina Kim Atienza, Patricia Tumulak, at Emil Sumangil.

GORGY RULA

Ibang-ibang Dingdong Dantes ang makikita sa kanyang hosting sa Family Feud. Game na game siyang sumasayaw, nakikipag-TikTok kay Gardo Versoza, at pati ang magpaamoy ng kili-kili ay okay lang sa kanya.

Read: Celebrities na may real-life feud, puwedeng sumali sa Family Feud

Naikuwento sa PEP Troika ng isang kaibigang bading na nakasali siya sa Family Feud ng GMA Primetime King, at ibang-iba raw ang energy nito.

Sobrang game daw ni Dingdong. Ang isa raw sa ikinaloka nila ay pumayag itong ipaamoy ang kili-kili niya sa isang kasama nilang naglaro.

Natanong namin ito sa actor-TV host sa mediacon ng Family Feud ngayong Lunes, March 14, 2022.

Natatawa siyang kinuwento kung paano ito nangyari.

Aniya, "Kasi sobrang ganda nung tanong. Íyon nga ang sinasabi ko na yung tanong mismo, napakagandang pag-usapan na.

"Yung totoong nangyari dun, dinare ko siya, 'Sige nga, paamoy nga ng kilikili mo.' E, nahiya siya siguro.

Continue reading below ↓

"Dahil nahiya siya, sige, e, yung sa akin na lang ang amuyin mo, kung gusto. Ayun! Sayang hindi kami nagkaamuyan. Ibig sabihin, ganun ka-game yung atmosphere nung Family Feud.

"Pero siyempre, klaruhin ko lang. Since ano pa rin, may konting ano pa rin… hindi gaya dati puro beso-beso. Ngayon, kahit papa'no we still practice yung minimum health protocols, hindi ba?

"Pero pag-amoy lang naman ng kili-kili, walang problema dun."

Humuhugot daw si Dingdong ng energy sa mga naglalaro.

"Kakaib, kasi every episode, ano iyan, four per family. So, walong tao. So, iba-ibang personality iyan. Iba-ibang energy.

"So, para kang kumikilala ng iba-ibang tao araw-araw. So, sobrang saya.

"Saan ko ba magagawa yun na eight individuals every day ang makikilala mo, at makakasama mo mag-enjoy sa isang show?"

Sa Lunes, March 21, na magsisimula ang Family Feud na umabot ng PHP300,000 ang jackpot prize. Mapapanood ito bago mag-24 Oras.

JERRY OLEA

Continue reading below ↓

Pebrero 11, Biyernes, nagtapos ang Wowowin: Tutok Para Manalo ni Willie Revillame.

Noong finale week nito, ang AGB-Nielsen NUTAM Ratings na itinala ng programa ni Kuya Wil sa GMA-7 ay 4.6% (Pebrero 7, Lunes), 4.8% (Pebrero 8, Martes), 4.2% (Pebrero 9, Miyerkules), 4.5% (Pebrero 10, Huwebes), at 6.6% (Pebrero 11, Biyernes).

Pebrero 14, Lunes, pumuwesto sa timeslot ng Wowowin ang Dapat Alam Mo, na palabas din sa GTV. Ang combined (GMA 7 + GTV) ratings nito noong pilot week ay 7.2% (Pebrero 14, Lunes), 7.7% (Pebrero 15, Martes), 7.7% (Pebrero 16, Miyerkules), 6.7% (Pebrero 17, Huwebes), at 7.5% (Pebrero 18, Biyernes).

Patuloy na rumatsada ang ratings ng programa, na naka-8.9% noong Pebrero 22, Martes. Ito yata ang pinakamataas na rating nito, so far.

Simula sa Marso 21, Lunes, sa GTV na lang ulit mapapanood ang Dapat Alam Mo, at ang timeslot nito sa GMA-7 ay ookupahin ng Family Feud ni Dingdong. Aantabayan natin ang ratings nito!

Continue reading below ↓

At any rate, napag-iba raw ni Dingdong ang istilo ng hosting niya sa Family Feud at sa Amazing Earth.

"Ang pagkakaiba talaga dito yung aspeto na kahit na sabihin natin na ako yung host o game master, e, naglalaro din kasi ako," lahad ng Kapuso Primetime King.

"Kumbaga, kahit nagpa-facilitate ako ng game, kahit ako mismo nakikisama ako sa laro e. Dahil sobrang saya kasi niya. Talagang enjoy siya.

"Kaya kung isipin mo, kung paano siguro ako mag-conduct ng isang laro sa aming bahay, e, ganun din. Kasi, talagang kinu-consider ko ýung stage na yun as my home.

"Kung papa'no isipin ko, wini-welcome ko ‘tong mga families na ‘to, and yung mga families… kasi nakakatuwa yung mga unang guests namin, talagang kilalang-kilala ko, e.

"Ang dami naming napag-usapan, ang tagal na naming nagkakilala, nakikita mo parang magkakaibigang naglalaro.

"So, para sa akin, yung isang malaking pagkakaiba na hindi siya scripted. Hindi siya tipong may kailangan kang iparating na impormasyon.

Continue reading below ↓

"So, purely talaga gusto mo lang mag-enjoy. Gusto mo maglaro. Gusto mo makakilala ng bago. Game lang talaga.

"Iyon naman kasi [sa Amazing Earth] infotainment, informative talaga siya. So, kailangan accurate talaga lahat na kinukuwento mo, accurate talaga lahat ng impormasyong binibigay mo.

"Dito [sa Family Feud], okay lang magkamali, okay lang madulas, matawa, kahit ano."

NOEL FERRER

Una, congratulations and good job, Team Dapat Alam Mo na nag-angat sa ratings from Kuya Wil’s show.

Dapat Alam Mo will go back to its GTV airing at ang maganda nun, meron na silang naipong base. So, lalo silang poposte sa GTV after the brief GMA stint.

Read: GMA Public Affairs head Nessa Valdellon on Dapat Alam Mo's higher ratings than Wowowin: "We never imagined that would happen."

Then, isang malaking pressure din ito sa Family Feud to keep that high rating and at the same time being cost-efficient lalo pa’t mas mahal na ito at may binabayarang franchise.

Continue reading below ↓

Pero kaya iyan ng team… gagandahan nila ito para sa Kapuso Primetime King. Good luck and all the best, Dingdong!!!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Family Feud ni Dingdong Dantes, papalitan ang timeslot ng public affairs program na Dapat Alam Mo sa GMA-7. Babalik sa GTV ang Dapat Alam Mo, na hinu-host nina Kim Atienza, Patricia Tumulak, at Emil Sumangil.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results