Liza Diño may sagot sa kumukuwestiyon sa reappointment niya bilang FDCP chairperson

by PEP Troika
Mar 17, 2022
Liza Dino
Liza Diño on her proposal to extend duration of Pista Ng Pelikulang Pilipino: "Kasi, pag one week lang kasi yung screening natin, naiiwan yung apat. Kung ano yung first 4 lang na pinapanood, tapos wala nang kita yung apat."
PHOTO/S: @lizadino Instagram

GORGY RULA

Ngayong reappointed na bilang Chairman at CEO ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) si Liza Diño-Seguerra, ipinangako niyang itutuloy ang Pista ng Pelikulang Pilipino ngayong 2022.

Ang balak nila ay gawin ito sa buong buwan ng September. Nakipag-meeting na raw siya sa film producers para i-discuss kung ano ang binabalak nila sa PPP 2022.

Pahayag ni Liza nang nakapanayam namin sa aming programa sa DZRH nung nakaraang Biyernes, Marso 11, "Nagkaroon kami ng producers meeting on the day nung nag-oath of office ako kay Sec. Lopez.

"Sa akin nila mismo narinig na I was reappointed tapos pinag-usapan namin ang aming proposal for PPP.

"So, ang proposal natin for PPP ay imbes na isang linggo ay one month siya. September 1 to 30, tapos two films a week.

"Hindi siya yung walong pelikula mapapanood nang isang linggo lang. Dalawang pelikula kada linggo, hanggang sa mapuno natin yung walong pelikula. So, sa apat na weeks na yun, may bago silang pelikulang mapapanood every week."

Continue reading below ↓

Naka-schedule na rin daw ang pakikipag-usap nila sa cinema owners para makuha ang kooperasyon ng mga ito.

"So, eto ang binubuo naming proposal para sa pagharap namin sa cinema owners, aligned kami na ito rin yung nakikita ng producers natin na magandang alternatibo ito kesa sa ginagawa nating one week.

"Kasi, pag one week lang kasi yung screening natin, naiiwan yung apat. Kung ano yung first 4 lang na pinapanood, tapos wala nang kita yung apat na pelikula," saad ng FDCP chairperson.

Nakakalungkot lang daw na ilang buwan nang bukas ang mga sinehan, pero ang huling local films na napanood natin ay nung nakaraang Metro Manila Film Festival pa.

Kaya gagawan nila ng paraan na ma-promote nang husto ang walong entries ng PPP.

"We just consulted the producers para makuha namin na sinusuportahan nila yung bagong set-up ng PPP.

"Ang bawat pelikula na mapipili, magkakaroon sila ng marketing fund na PHP300,000.

Continue reading below ↓

"Talagang we will activate all partners sa Pilipinas para matulungan yung pelikula," dagdag niyang pahayag.

JERRY OLEA

Co-terminus ba sa pangulo ng bansa ang posisyon ng FDCP Chairperson?

Paliwanag ni Chair Liza, "According to the law ang RA 9167, ang chairperson ng FDCP is eligible to two consecutive terms.

"Yung unang pagka-appoint sa ‘yo at yung pangalawang pag-reappoint sa ‘yo.

"So, kung ano ang nangyari sa appointment ko… I got my first appointment nung 2016, tapos yung reappointment ko officially, yung bababa talaga yung papel, ito lang siya nangyari kasi yung isang term, three years e.

"Tapos nung 2019, nag-ask ako for reappointment, at that time, iba yung priority ng Malacañang.

"Yung pina-prioritize nila sa dami ng mga nagpapa-reappoint, yung mga ia-appoint pa lang.

"Yung inaano nila, 'Chair, may appointment ka na, you’re with FDCP, you’re doing well, okay lang ‘yan. Hindi mo na kailangan ng ano… basta tuluy-tuloy mo lang.'

Continue reading below ↓

"Hanggang sa hindi na bumaba officially ýung appointment ko.

"Sa FDCP, hindi siya co-terminus. It says there, it’s a fixed term kung three years o hold over, o another term naman is another three years."

Maraming natuwa sa kanyang reappointment, at meron ding mga kumukuwestiyon.

"Sa mga natuwa, sobrang salamat sa tiwala dahil the agency has been working hard and very sincere with the intentions to really help ang support the industry," pahayag ni Liza.

"Yung malaman namin, ako mismo personally na maramdaman na na-appreciate ng industry yun and they still entrust me with this privilege and support to the industry, of course, malaking bagay siya.

"Sa mga hindi natutuwa or against it, I respect where they’re coming from. Kanya-kanya tayo ng mga opinion sa mga bagay-bagay.

"Siguro on our end, I know na wala tayong nilabag na batas, and the appointment was done due diligence.

"So, kung kulang man at hindi pa sila satisfied sa ginagawa ng FDCP, pagbubutihin pa po namin and kung hindi nakakarating dun sa mga stakeholders na kailangan pa naming mabigyan ng suporta at karampatang atensyon, we will do that.

Continue reading below ↓

"And sana they’ll give us a chance for us to be able to serve pa na mas maayos."

NOEL FERRER

Mabuhay ang Pelikulang Pilipino!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Liza Diño on her proposal to extend duration of Pista Ng Pelikulang Pilipino: "Kasi, pag one week lang kasi yung screening natin, naiiwan yung apat. Kung ano yung first 4 lang na pinapanood, tapos wala nang kita yung apat."
PHOTO/S: @lizadino Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results