Watch Now

Quiboloy biopic producer, "willing to wait" kay John Lloyd Cruz

by PEP Troika
Mar 20, 2022
john lloyd cruz
Ayon kay Borracho Films producer Atty. Ferdinand Topacio, willing silang mag-adjust sa schedule ni John Lloyd Cruz para lang matuloy na ang pagbibida ng aktor sa matagal nang pinaplanong biopic ni Pastor Apollo Quiboloy.
PHOTO/S: Crown Artist Management

GORGY RULA

Umaasa pa rin ang producer ng Borracho Films na si Atty. Ferdie Topacio na tatanggapin ni John Lloyd Cruz ang inaalok nilang movie project na biopic ni Pastor Apollo Quiboloy.

Ipinadala raw nila ang storyline kay John Lloyd, pero ang nakarating na sagot sa kanila ay malabong gawin ito ng aktor dahil sa hindi tutugma sa kanilang schedule.

Pero ipina-move nila ang schedule ng shooting, at baka puwede na raw si Lloydie sa mga araw na iyun.

Text ni Atty. Topacio sa PEP Troika, “JLC is still being considered subject to his schedule, although nothing is final.

“Inurong na po namin ang principal photography to October or November para mas mahaba ang pre-production, as we in Borracho Films have always believed that a thorough pre-production is the key to a trouble-free principal photography and post-production.”

Dapat ay sisimulan nila sa buwan ng Mayo pero wala pa ring na-finalize kung sino ang gaganap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inalok din daw nila ito kay Aga Muhlach, pero hindi raw nila kinaya ang ibinigay ng aktor na rate ng kanyang talent. Maaring presyong ayaw iyun.

Kaya susubukan pa rin daw nilang hintayin si John Lloyd, dahil mamu-move naman ang schedule ng shooting. Hindi na ito aabot sa anibersaryo ng Kingdom of Jesus Christ sa September. Kaya gagawin na raw nilang birthday presentation ni Pastor Quiboloy sa Abril 25.

Ang iba pa raw na kinu-consider nilang gaganap ay si Carlo Aquino o kaya si Paolo Contis. Pero naka-standby pa rin sila kay John Lloyd, at baka pumuwede na sa schedule nito.

Malaking challenge daw talaga sa kanila itong project na ito dahil kailangang sumunod daw sila sa totoong pangyayari sa buhay ni Pastor Quiboloy.

“Maganda ang kuwento pero kumplikado, e. Ang daming interesting at importante sa kuwento na hindi puwedeng mawala, pero kailangan hindi aabot o lalagpas sa two hours. Iyun ang challenge namin sa project na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Äng challenge pa is to keep it faithful to the story,” pakli ni Atty. Topacio.

Si Roy Iglesias ang nagsulat ng script at ididirek ni Direk Lester Dimaranan itong malaking project na ito ng Borracho Films.

JERRY OLEA

Kasama rin kaya si Claudine Barretto sa Quiboloy biopic?

Si Claudine ang bida sa unang pelikula na prinodyus ni Atty. Topacio, yung Deception na idinirek ni Joel Lamangan.

May cameo si Claudine sa second film ng Borracho Films, yung Mamasapano: Now It Can Be Told kunsaan bida sina Aljur Abrenica, Paolo Gumabao at Edu Manzano, sa direksyon ni Lester Dimaranan na nagdirek ng MMFF 2021 official entry na Nelia.

Hindi man lang ba naikunsidera si Aljur na magbida rin sa life story ni Pastor Quiboloy?

Ano kaya ang magiging reaksyon ng GMA Network sakaling si Paolo Contis ang magbida sa nasabing movie project?

At any rate, habang naghihintay pa sila rito sa Quiboloy project, meron pa raw gustong gawin ang Borracho Films.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Our company is targeting an output of only up to six movies a year. So, we want to make sure every movie is a quality film,” seryosong pahayag ni Atty. Topacio, na nagre-review rin ng mga pelikula.

“May isang film pa po kami in development with the working title of Pain [as in bait].It’s a cautionary tale of how the NPA recruits young men and women into the armed insurgency, thus ruining their lives.”

May ilulunsad daw silang bagong mukha sa movie project na ito, at balak nilang isama sina Paolo Gumabao at Gardo Versoza.

NOEL FERRER

Pumalit si Paolo Gumabao kay JC de Vera sa Mamasapano film.

Kung hindi pupuwede sina John Lloyd Cruz, Carlo Aquino at Paolo Contis sa Quiboloy biopic… ikunsidera kaya ng Borracho Films si JC de Vera o kaya ay si Paolo Gumabao?

Sa dami ng kaganapan sa buhay ni Pastor Quiboloy, baka maging twin bill o trilogy ang pelikula, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon kay Borracho Films producer Atty. Ferdinand Topacio, willing silang mag-adjust sa schedule ni John Lloyd Cruz para lang matuloy na ang pagbibida ng aktor sa matagal nang pinaplanong biopic ni Pastor Apollo Quiboloy.
PHOTO/S: Crown Artist Management
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results