Summer Ayanna, namana ang comic talent ng amang si Paolo Contis?

by PEP Troika
Mar 20, 2022
Summer Ayanna Contis
Effortless ang hirit at natural na natural ang comic timing ni Summer Ayanna, ang anak nina Paolo Contis at LJ Moreno, sa latest YouTube vlog ng kanyang mommy. Namana kaya niya ang kanyang comic talent sa kanyang ama? (Screen grab from LJ Reyes's YouTube vlog)

GORGY RULA

Tila namana ng anak nina Paolo Contis at LJ Reyes na si Summer ang pagiging komedyante ng Kapuso actor.

Isa ito sa napansin namin sa huling vlog ni LJ Reyes na pinamagatang "LJ Journals: Kamusta Ka, LJ? (My Life With My Kids)."

Ngayon lang uli nakapag-vlog si LJ pagkatapos nilang maghiwalay ni Paolo at umalis patungong Amerika.

Sabi ng aktres, sasagutin niya ang ‘most heard and received’ question sa kanya: ang “kumusta ka?”

Ipinakita sa mahigit 8 minutes na vlog ang kuha nang nasa eroplano sila patungong New York, ang bonding nilang mag-iina, at ang pag-celebrate nila ng Thanksgiving Day.

Natawa kami sa vlog na iyon dahil sa pangangatiyaw ni Summer sa kanyang mommy.

Sini-celebrate nila ang Thanksgiving Day at tinanong ni LJ si Summer ng, “Who are you thankful for?”

Ang bilis ng sagot ng bagets ng “Mommy!” na ikinakilig naman ng aktres.

Sabi ni LJ kay Summer, “I’m thankful for you and Aki.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natatawang sinagot siya ni Summer ng, “Yeah! And then you’re gonna cry again... like me. Oh, my goodness!”

Nakakatuwa itong si Summer na talagang kuhang-kuha ang pagpapatawa ng kanyang ama.

Sa huling bahagi ng naturang vlog ay ang mensahe ni LJ sa kanyang dalawang anak na, “Kaya ko, dahil kayo ang lakas ko.”

Tinanong ko si Paolo kung napanood niya ito, kinukuwento ko ang pagiging komikera ni Summer.

“Hay!” na lang si Paolo at ayaw na niyang magdagdag pa ng komento.

Sadya kayang isinabay ni LJ ang pag-upload ng kanyang vlog sa pinag-usapang balak na pagdalaw ni Paulo Avelino kay Aki? May mga nagtatanong na rin kung kailan naman dadalaw si Paolo.

Ayaw na lang munang sagutin ni Paolo kung nakikipag-ugnayan na ba siya kay LJ para madalaw rin si Summer.

Kagaya ng sagot niya sa amin noon, pagdating sa kanyang anak at sa isyu nila ni LJ, mas mabuting huwag na lang daw muna siyang magsalita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Ipinost ni Paolo Contis ang video ng ineendorso niyang party list nitong Marso 19, Sabado.

His friend Yen Santos shared it on Facebook the next day, March 20, Sunday na naka-tag kay Paolo with hugging face emoji.

Ang reaksyon ni Paolo ay tatlong “kissing face with smiling eyes emoji” na nagpapahiwatig ng love and affection.

So, hindi totoo ang paandar ng mga Marites na “hiwalay” o “nagkalabuan”— as friends — sina Yen at Paolo.

NOEL FERRER

Pagkatapos umamin nina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales, sina Paolo Contis at Yen Santos na ba ang susunod na aamin kung level-up na ba ang kanilang friendship?

Of course, nami-miss na ni Paolo ang anak ni Summer. Nami-miss na rin natin ang vlogs nilang mag-ama.

Hopefully, maaayos din ang lahat in God’s perfect time.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Effortless ang hirit at natural na natural ang comic timing ni Summer Ayanna, ang anak nina Paolo Contis at LJ Moreno, sa latest YouTube vlog ng kanyang mommy. Namana kaya niya ang kanyang comic talent sa kanyang ama? (Screen grab from LJ Reyes's YouTube vlog)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results