Sinu-sino ang mga maglalaro sa pilot week ng Family Feud?

by PEP Troika
Mar 21, 2022
dingdong dantes family feud
Family Feud Philippines, hosted by Dingdong Dantes, will premiere on GMA Network this Monday, March 21, 2022.
PHOTO/S: @dongdantes on Instagram

GORGY RULA

Magsisimula na ngayong Lunes ng 5:45 p.m., March 21, 2022, ang Family Feud Philippines ni Dingdong Dantes.

Sa pilot week nito, Kapuso stars ang maglalaban-laban, kagaya ng mga taga-All-Out Sundays versus mga taga-The Boobay and Tekla Show. Maglalaro rin ang mga taga-Little Princess at Prima Donnas.

Kuwela lalo itong labanan ng Team Beki na mga stand-up comedians at ang Philippine Men’s Volleyball Team. Pati ang grupo ni Zienab Harake at mga YouTube vloggers na makakalaban ang grupo ni Jelai Andres at mga komedyante.

Ngayong linggo rin magtatapat ang pamilya ni Christian Bautista kay Jasmine Curtis-Smith at mga kaibigan nito.

Sa nakaraang mediacon ng Family Feud, sinabi ni Dingdong na sobrang na-enjoy niya ang paghu-host ng programa dahil parang naglalaro na rin daw siya.

Ani Dingdong, “Ang pagkakaiba talaga dito, yung aspeto na kahit na sabihin nating ako yung host o game master, e, naglalaro din kasi ako.

“Kumbaga, kahit nagpa-facilitate ako ng game, kahit ako mismo nakikisama ako sa kung paano siguro ako mag-conduct ng isang laro sa aming bahay, e, ganun din. Kasi talagang kinu-consider ko yung stage na yun as my home.

Continue reading below ↓

“Kung papa'no isipin ko wini-welcome ko ‘tong mga families na ‘to, and yung mga families… kasi nakakatuwa yung mga unang guests namin talagang kilalang-kilala ko e.

“Ang dami naming napag-usapan, ang tagal na naming nagkakilala, nakikita mo parang magkakaibigang naglalaro.”

Makakapaglaro rin dito ang home viewers na mananalo ng P20,000 sa Guess To Win promo. May magpa-flash na tanong at kaagad-agad ay puwedeng sagutin sa website na nasa Facebook din ang link. Mag-register lang minsan, puwede ka nang sumali at sumagot sa mga tanong araw-araw.

NOEL FERRER

Exciting panoorin ang Family Feud mamaya sa GMA-7. At ramdam din nila ang pressure na either pantayan or moreso higitan pa ang rating ng mga naunang shows sa kanila—to think na hindi birong budget ang nakalaan dito dahil malaki na ang binabayaran sa pagbili ng franchise pa lang.

But for sure, aalagaan ang execution nito. At with Dingdong there, sasayahan pa niya ang paghahandog nito sa atin.

Continue reading below ↓

Level-The Broken Marriage Vow lang na marami ang nagsasabing mas maganda pa sa original version. Ganun kaya ang masasabi sa Family Feud with Dingdong Dantes? Abangan!

JERRY OLEA

Sobrang saya ni Dingdong Dantes sa paghu-host ng Family Feud, kung saan walang umuuwing luhaan.

Ang winning team ay mag-uuwi ng P100,000 plus another P100,000 kapag nagwagi sa jackpot round.

Samantala, ang losing team ay tatanggap ng P50,000. OK na yun, di ba, sa hirap ng buhay ngayon!

Nakakaaliw ang mga sagot ng ilang kalahok sa Family Feud. Nabubuking na hindi sila masyadong bright, o kaya ay detached sila sa diwa at panlasa ng masa.

ALSO READ
, "widget": "Hot Stories"}]

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Family Feud Philippines, hosted by Dingdong Dantes, will premiere on GMA Network this Monday, March 21, 2022.
PHOTO/S: @dongdantes on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results