Pilot episode ng Family Feud, mas mataas ang rating sa huling episode ng Dapat Alam Mo! sa GMA-7

by PEP Troika
Mar 22, 2022
family feud
As expected, the pilot episode of Kapuso game show Family Feud, hosted by Dingdong Dantes, won the ratings game.
PHOTO/S: Instagram / GMA Network

GORGY RULA

Ang saya ng buong production team ng Family Feud, lalo na siguro ang host na si Dingdong Dantes, dahil sa mataas na rating ng pilot episode nila nung Lunes, March 21, 2022.

Naka-6% ito, mas mataas sa last Monday episode ng pinalitan nitong Dapat Alam Mo! na 5.4%.

Sinisikap ng mga taga-Family Feud na pawang masaya at kuwela ang mga episode na ipalalabas sa pilot week.

Ngayong Martes, March 22, ay maglalaro ang pamilya ng Little Princess na sina Jo Berry, Rodjun Cruz, Jenine Desiderio, at Therese Malvar, at ang pamilya ng Prima Donnas na sina Sheryl Cruz, James Blanco, Elijah Alejo, at Vince Crisostomo.

Nagpagawa pa sila ng hagdanan na papatungan ni Jo Berry para maabot niya ang podium at pumantay siya sa mga ka-teammate niya. Si Jo raw ang pinaka-excited sa lahat dahil super fan pala ito ng Family Feud na game show.

Ganado raw si Dingdong sa mga naglaro sa episode na ito, kaya napa-macho dancing siya.

Continue reading below ↓

Ang mga susunod na maglalaro na kuwela rin ang paglalaro ng mga You Tubers at stand-up comedians na grupo ni Beki Belo.

Meron daw isang grupo na halos mangiyak-ngiyak dahil itinodo nila ang paglalaro at mataas na ang score. Pero sa final round na mas malaki ang points ay na-steal ng kalaban.

Kaya ang isang lesson daw sa paglalaro ng Family Feud: “It ain’t over till it’s over! Kaya huwag pakampante!”

JERRY OLEA

Alam nating mas mataas ang ratings ng Dapat Alam Mo! kesa sa ratings ng Wowowin: Tutok Para Manalo.

Kung gayon, wagi ang ratings ng Family Feud kesa sa programa ni Willie Revillame. Winnie Santos! Winnie Cordero! Winnie Monsod! Winnie Castelo! Winnie the Pooh! Win Gatchalian! Win Metawin!

Congrats kay Dingdong, sa production team ng Family Feud, at sa Kapuso Network! Tumpak na pak ang pasya nila na pakawalan ang Wowowin, di ba?!

NOEL FERRER

Good job, Family Feud!

Continue reading below ↓

Kung saan-saan man makumpara ang rating nito, ang goal ay tumaas pa lalo at makaalagwa. The entertainment value rests on the contestants’ responses.

Iyan ang patuloy nating aabangan pati na ang rapport nila with our friend, host Dingdong Dantes!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
As expected, the pilot episode of Kapuso game show Family Feud, hosted by Dingdong Dantes, won the ratings game.
PHOTO/S: Instagram / GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results