Paolo Contis at Yen Santos, hiwalay na kahit di pa umaamin?

by PEP Troika
Mar 23, 2022
Paolo Contis Yen Santos secret message
"Ang personal kong issue should remain personal," says Kapuso actor Paolo Contis when asked about his personal life, including rumored breakup with actress Yen Santos.
PHOTO/S: @paolo_contis/ @ysantos Instagram

GORGY RULA

Nasa Bicol si Paolo Contis nang ipinasa ko sa kanya ang isang video na magkasama sila ni Yen Santos na HHWW (holding hands while walking) sa isang mall.

Tila kuha iyon sa Rockwell Center sa Makati City kung saan madalas kumakain ang Kapuso actor kasama ang mommy niya at kuya.

Continue reading below ↓

Ayon kay Paolo, may natanggap siyang ganung video pero hindi na raw niya maalala kung kailan iyon.

Busy raw siya ngayon sa mga video shoot na ginagawa niya para sa campaign materials ng iniendorso niyang Ako Bicol Party-list.

Lumabas ang video na ito sa gitna ng isyung hiwalay na umano sina Paolo at Yen.

Hindi rin sinasagot ni Paolo ang tungkol dito dahil hindi pa nga sila naglalabas ng pahayag kung sila ba talaga.

Sa ngayon ay sa trabaho raw muna magpu-focus si Paolo, at tahimik lang siya pagdating sa personal na isyu ng kanyang buhay.

“Ang personal kong issue should remain personal. Dito muna tayo sa Ako Bicol, ‘no!” matipid niyang text sa PEP Troika.

JERRY OLEA

Kilig-kiligan tayo kina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales sa kani-kanyang Instagram post noong Marso 16, Miyerkules, kung saan inamin nila ang kanilang pag-iibigan.

Natabunan agad iyon ng isyung bugbugan ng magkasintahang Ana Jalandoni at Kit Thompson noong Marso 18, Biyernes.

Continue reading below ↓

Pero marami pa rin ang sumusubaybay kina Yen Santos at Paolo Contis. Pinaniniwalaan na sila ay “friends in love.”

Sa totoo lang, mas inaabangan natin ang pagluluwal ng romansa sa pagitan ng isang makisig na young actor, at sa sister ng isang mahusay na young actress.

Kapag inilantad na iyon sa publiko, baka mapauha tayo sa galak!

NOEL FERRER

Ow, nandoon pala si Paolo Contis sa Bicol ngayon, at wala siyang kasama as a friend.

Ready na kaya si Paolo na i-welcome ang posibleng kauna-unahang President mula sa Bicol? Hihintayin natin iyan!!!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ang personal kong issue should remain personal," says Kapuso actor Paolo Contis when asked about his personal life, including rumored breakup with actress Yen Santos.
PHOTO/S: @paolo_contis/ @ysantos Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results