Julie Anne San Jose, nagsalita tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Rayver Cruz

by PEP Troika
Mar 23, 2022
julie anne san jose rayver cruz real score
Julie Anne San Jose when asked if she's inspired and in love: “It’s good to be happy. It’s just nice to be happy. Kasi, yun po ang kailangan natin ngayon. And I’m just very happy and really, you know, blessed, kasi there’s a lot to look forward to."
PHOTO/S: Twitter

GORGY RULA

Nakakaintriga ang sagot ni Julie Anne San Jose nang kinulit ko siya sa tunay na kalagayan ng relasyon nila ni Rayver Cruz.

Read: Rayver Cruz at Julie Anne San Jose, may "something" na?

Humarap ang Asia’s Limitless Star sa mediacon ng Stronger Together: GMA Pinoy TV at Expo 2020 Dubai ngayong Miyerkules, March 23, 2022, kasama ang iba pang magpi-perform na sina Xian Lim at Jessica Villarubin.

Diretsahan kong tinanong si Julie Anne kung anong level na ang relasyon nila ni Rayver na puwede niyang i-share sa atin, lalo na sa JulieVer fans.

Aniya, “Ano po, we really enjoy each other’s company, and yun, happy lang naman po.

"All good things, and we’ve always been close and really best friends and, yeah, we’re just happy to be around each other’s company.”

Sinundan ko siya ng tanong kung "as a friend" lang ba ang closeness nila ni Rayver na nakikita naman sa kanilang social media account.

Continue reading below ↓

“We’ll see,” matipid pero makahulugan niyang sagot.

Kaya diretso ko na ring tinanong kung nasa panliligaw stage pa rin ba si Rayver.

“I think I’m not the right person to answer the question. Mas okay na lang ho kung siya na lang po yung tanungin,” safe niyang sagot.

Pero hindi maitatanggi ang glow at ang saya sa mukha ni Julie Anne. Kaya sinabi kong mukhang inspired siya at in love.

“It’s good to be happy. It’s just nice to be happy. Kasi, yun po ang kailangan natin ngayon.

“And I’m just very happy and really, you know, blessed, kasi there’s a lot to look forward to.

“Madaming mga positive things are coming, and one of those things nga po ‘yung Dubai Expo. Kaya sobrang excited po talaga ako,” saad ni Julie Anne.

Exciting ang gagawin ng tatlong Kapuso stars sa masayang show na ito sa GMA Pinoy @ Expo 2020 Dubai na gaganapin sa Dubai Millennium Ampitheatre, Dubai Expo Grounds sa darating na March 30.

Continue reading below ↓

May collaboration din ang Dubai show nila sa designer na si Ryan Pacioles of Atelier Zuhra, at MDM Dance Group, at ang Dubai Filipino overseas chorale with their choir director Matilyn Bagunu.

gma pinoy tv dubai expo 2020

JERRY OLEA

Kakaibang feeling daw ito kay Julie Anne na after two years ay makapag-perform na siya nang live sa napakaraming tao.

Continue reading below ↓

“Nung nag-Limitless live po kasi, mas intimate po yun. Kasi, medyo konti din yung kayang i-accommodate doon sa mismong venue.

“Pero alam mo, parang medyo nakakapanibago din. Kasi, first time in the long time na magpi-perform with the live audience.

“Siguro, may halong kaba po this time sa Dubai. Kasi, nasa bigger venue po.

“Of course, hindi lang po mga Pilipino ang nandun kundi ibang nationalities din po, and I’m just very happy to be part of this big event.

“Siyempre, sobrang grateful po talaga kami and, of course, sa GMA Pinoy TV din po na kami yung napili na ipadala.”

NOEL FERRER

Maganda naman ang feedback sa Limitless concert ni Julie Ann San Jose. Naniniwala rin akong marami pa siyang talents na puwedeng ipakita kaya looking forward ako rito.

Ang tanong lang, bakit parang may limit pa rin ang kanyang pagiging in love? What’s stopping her kaya from going all out and like her catchword, limitless?

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julie Anne San Jose when asked if she's inspired and in love: “It’s good to be happy. It’s just nice to be happy. Kasi, yun po ang kailangan natin ngayon. And I’m just very happy and really, you know, blessed, kasi there’s a lot to look forward to."
PHOTO/S: Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results