Lito Lapid, Julio Diaz, Gladys Reyes balik-pelikula sa Apag ni Brillante Mendoza

by PEP Troika
Mar 25, 2022
apag cast
Direk Brillante Mendoza (center) with the cast of his movie Apag: (from left) Janica Pareño, Gina Pareño, Gladys Reyes, Jaclyn Jose, Coco Martin, Ronwaldo Martin, Julio Diaz, and Vince Rillon.
PHOTO/S: @brillante_mendoza on Instagram

JERRY OLEA

Nasa post-production stage na ang pelikulang Apag ni Direk Brillante Mendoza, kung saan tampok sina Coco Martin, Gladys Reyes, Jaclyn Jose, Lito Lapid, at Julio Diaz?

Kumusta ang pagsabak ni Senator Lapid sa dramatic scenes?

“I don’t require them to be dramatic. Kasi, the scene itself is dramatic,” pagmamatuwid ni Direk Brillante nang mainterbyu namin noong Marso 22, 2022, Martes ng gabi, sa Wing Zone restaurant, Araneta City, Quezon City.

“So, pag ang artista, simple lang sila, parang ang drama-drama na nila kahit hindi sila umiiyak. Parang ang drama na.

“So, effective sila… ang galing pa niyang mag-Kapampangan. Kaya yung dialogue, kanya lahat.”

Comeback film ni Julio ang Apag matapos itong lumaya sa bilangguan. Pero mauuna yatang ipalabas ang pelikulang Kaliwaan, na iprinodyus ng Centerstage Productions ni Direk Brillante.

“Maganda ang role ni Julio sa Kaliwaan,” sabi ng multi-awarded director.

Kahit patingin-tingin lang si Julio sa trailer ng Kaliwaan ay tumatatak ito. Kumusta si Julio na idinirek niya muli sa Apag?

Continue reading below ↓

“OK naman, andun pa rin. Andun pa rin. Si Julio naman kasi, pumapasok sa karakter, e,” lahad ni Direk Brillante.

“Kung ano ang sinabi mong ganun, simple lang. Ganun. Parang si Vince [Rillon]. Hindi sila mahirap idirek.

“Kasi sila mismo, nagtatrabaho na sila. They don’t think like actors… parang very natural kasi yung sa kanila.

“Kaya nagtataka sila, ‘Anong proseso ang sinasabi mo? Hindi ako nagpoproseso.’ Yun ang genuine.

“Maayos katrabaho si Julio. OK na naman siya. Sabi niya, buti nga, paglabas daw niya, kinuha ko siya.

“Sabi ko, ‘OK ka naman, magaling ka naman. Sayang kung mawawala ka lang,’ sabi ko sa kanya. ‘Kaya mo pa naman. Malakas ka pa naman. Kulang ang mga character actor,’ sabi ko sa kanya.

“Lalung-lalo na ang Viva, ang dami nilang ginagawa. Puro mga bagets ang bida. Ang mga character actor, paulit-ulit lang.

“Sila-sila lang. Kulang na kulang. Tapos, most of the time, ang gusto nila, Viva actors din. Hindi sila kumukuha sa labas.

Continue reading below ↓

“Sabi ko, mananawa ang mga tao kung paulit-ulit lang.”

Kaya tinulungan din ni Direk Brillante si Felix Roco, at madalas niya itong kinukuha sa projects na idinidirek o ipinoprodyus niya.

“Magagaling sila, sayang sila. Sayang sila kung mawawala sila sa industriya nang ganun-ganun lang!” bulalas ni Direk Brillante.

Nasa mainstream na raw ang kapatid ni Felix na si Dominic Roco, kaya si Felix ang tinutulungan ni Direk Brillante.

“Itong mga inaano ko, yung mga indie na hindi naman masyadong marami ang mga project sa TV,” lahad ng pinagpipitaganang direktor.

“Kasi, pag may TV project ka na ngayon, buhay na buhay ka na pag artista ka, di ba?

“E, itong mga indie, tatlong araw o apat na araw lang sila sa isang pelikula. Yun lang naman ang pinagkakakitaan nila.

“Hindi naman sila nagkakapelikula every month or every day.”

Siyanga pala, streaming na sa Vivamax simula ngayong Biyernes, Marso 25, ang BL movie ni Direk Brillante na Sisid.

Continue reading below ↓

Bida rito sina Paolo Gumabao, Vince Rillon, Kylie Verzosa at, Christine Bermas.

GORGY RULA

Ang isa sa sobrang tuwang-tuwa na napasama sa Apag ay si Gladys Reyes.

Sabi nga niya sa akin, ito ang klase ng project na hindi dapat palagpasin.

“Sa tagal ko di gumawa ng movie, dahil sinisiguro ko na kung lalabas ako ng bahay, worth it ang gagawin kong trabaho.

“Itong kay Direk Brillante, kahit pandemic at five days semi-locked in, napapapayag ako dahil maganda ang story ng movie at di palalampasin ang pagkakataong makatrabaho si Ate Jane [Jaclyn Jose] na since nine years old ako, katrabaho ko na sa Lovingly Yours. Plus si Coco Martin na andaming kuwento sa set, walang warm up-warm up, kahit first time naming nag-work, napaka-warm at sincere.

“Kasama pa si Tito Senator Lito Lapid na pareho kong cabalen kaya kapag kaeksena ko siya, medyo conscious ako mag-Kapampangan. Kasi, alam ko, bihasa siya.

Continue reading below ↓

“Nakakatuwa na nakatrabaho ko uli dito si Tita Gina Pareño and Julio Diaz, at naging close kami ni Mercedes Cabral habang nagsu-shoot nito.

“Walang aayaw sa ganitong project kahit pandemic,” pahayag ni Gladys na punung-puno ng excitement.

Ganundin si Senator Lito Lapid na sa tagal na rin niyang artista, na-experience niya ang kakaibang style ni Direk Brillante na walang hinahawakang script.

“Napakagaling niya,” bulalas ni Senator Lapid sa nakaraang presscon ng kanyang Pinuno Party-list.

“Ibibigay niya sa ‘yo ang eksena, wala kang script.

“Kung ano ang lalabas dun sa ano mo… yun na ‘yon. Ang ganda! First time ko nadirek na ganun,” dagdag niyang pahayag.

Hindi maiwasang manibago siya sa ganung set-up, pero na-challenge siya at nagustuhan daw niya.

“Nanibago ako, pero gustung-gusto ko. Kasi, nung araw, kinukuha ko na siya, pero hindi siya puwede. Ako pa producer para makasama ko lang siya.

“Kaya nung in-offer sa akin ‘to, tapos rekomendado pa ako ni Coco, sige, sabi ko. Kaya tinanggap ko agad,” saad ni Sen. Lapid.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Ang suwerte lang ni Senator Lapid at bukas siyang tumanggap ng mga mapanghamong papel. At kahanay na nito si Marilou Diaz-Abaya na nakatrabaho ni Senator LL sa pelikulang Macho Gigolo (1981).

Good luck sa Apag ni Direk Brillante Mendoza.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Direk Brillante Mendoza (center) with the cast of his movie Apag: (from left) Janica Pareño, Gina Pareño, Gladys Reyes, Jaclyn Jose, Coco Martin, Ronwaldo Martin, Julio Diaz, and Vince Rillon.
PHOTO/S: @brillante_mendoza on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results