MMFF 2022, sinisiguradong mas bongga at mas masigla

by PEP Troika
Mar 26, 2022
Jun Lana, Perci Intalan, Christian Bables
(L-R) Jun Lana, Perci Intalan and Christian Bables ng pelikulang Big Night na big winner noong nakaraang Metro Manila Film Festival 2021

GORGY RULA

Mixed emotions ang bagong Chairman ng MMDA na si Atty. Romando Artes sa kanyang pahayag sa Appreciation Dinner ng Metro Manila Film Festival 2021 na ginanap sa Novotel sa Cubao, Quezon City nung Biyernes ng gabi, March 25.

Masaya raw siya dahil sa pagkatalaga sa kanya bilang bagong MMDA Chairman at overall chairman na rin ng MMFF.

Pero malungkot na rin dahil bukod sa pagpanaw ng kanyang mentor na dating MMDA Chairman Danny Lim, hanggang sa June 30 na lamang ang kanyang panunungkulan kasabay ng pagpalit ng administrasyon.

Kaya hindi na raw siya magiging bahagi sa susunod na MMFF.

Naging part ng taunang MMFF si Atty. Antes mula nung taong 2017 at sinasabi niyang naitawid naman nila ang mga pinagdaanan ng naturang filmfest, lalo nang humarap tayo sa pandemic.

Aniya, “Alam naman po natin ang estado ng MMFF for these past two years. Pero ang masasabi ko lang po, ginawa po namin lahat ang aming makakaya para maitawid, despite the pandemic.”

Continue reading below ↓

Ang isa sa naging kalaban talaga nila ay ang pamimirata nung sinubukan nilang mag-online.

Itong nakaraang taon naman ay hindi pa ganung kahanda ang mga taong manood sa mga sinehan, pero nairaos kahit paano.

Pero punung-puno siya ng pag-asa na sa susunod na MMFF ay magiging successful na ito.

“I’m pretty sure, this 2022, just like a phoenix, we will rise. And we will rise better, stronger, and successful na MMFF this year,” saad ni Atty. Antes.

Kaya ngayon pa lang, sana ay mapaghandaan na ng mga producers ang isasali nilang entry sa MMFF 2022.

Doon na rin sa Appreciation Dinner in-announce ang schedule ng MMFF 2022.

Ang Submission of Letters of Intent ay not later than 5:00 pm ng April 30.

Ang Submission of Scripts ay not later than 5:00 pm of June 15, at ang announcement ng apat na official script entries ay sa June 30.

Ang Submission of Finished Films (including the finished films based on script selection) ay not later than September 30.

Continue reading below ↓

Ang inaabangang announcement of the complete eight official entries ay sa October 15.

Inaasahang mas maganda ang makakasali sa ngayong taong MMFF, at maibalik na ang dating sigla nito.

NOEL FERRER

Everyone is kinda upbeat sa magiging 2022 Metro Manila Film Festival.

Sana nga, tapos na ang pandemya.

Sana magkaroon na ng lakas ng loob at resources ang mga kababayan natin para bumalik na sa sinehan sa kanilang movie viewing experience.

Sa ganitong paraan, tinutulungan din natin ang ating mga ka-industriya at kababayan na magkatrabaho muli.

Hayyyy, isang malaking hamon ito ulit. At kakayanin lang natin iyan kapag tayo’y magsasama-samang magtutulungan.

JERRY OLEA

Big winner sa MMFF 2021 ang Team Big Night, at present sa Appreciation Dinner sina Direk Jun Lana (Best Director), Christian Bables (Best Actor) at Direk Perci Intalan (katuwang ni Direk Jun sa The IdeaFirst Company na nagprodyus ng Big Night).

Teresa Barrozo
Jun Lana
Perci Intalan
Christian Bables

Continue reading below ↓

Ibinalita roon na ilalahok ang Big Night sa isang filmfest sa Egypt sa Hunyo.

Big Night awards

Andun din sa Appreciation Dinner ang Best Supporting Actress na si Rans Rifol (Kun Maupay Man It Panahon).

Nag-message ang Best Actress na si Charo Santos (Kun Maupay Man It Panahon), at ang Best Supporting Actor na si John Arcilla (Big Night) na nasa lock-in taping.

Continue reading below ↓

Nag-live streaming sa Facebook page ng MMFF ang mga kaganapan sa Appreciation Dinner.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(L-R) Jun Lana, Perci Intalan and Christian Bables ng pelikulang Big Night na big winner noong nakaraang Metro Manila Film Festival 2021
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results