Bea Alonzo komportable sa pagsasabing 34 na siya; inamin ang pakikipaglaban sa weight loss

by PEP Troika
Mar 28, 2022
bea alonzo age
Bea Alonzo: “Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat that I’ve always struggled with my weight. Ever since I was young, maraming nagsasabi, mataba ako. And nakakatawa nga, nung pa-late 20s na ako, towards my early 30s — I’m 34 years old now — mas dun na ako nag-focus on health."
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Komportable si Bea Alonzo sa pagsasabing 34 years old na siya sa mediacon ng Beautederm nitong Marso 25, 2022, Biyernes, sa Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City.

“When you’re in your 30s, parang hindi na lang yung ganda sa labas yung iniisip mo,” pahayag ni Bea.

“You always want to be healthy and fit, kasi alam mo, yun ang investment mo for your future.

“Alam mo in the future, kailangan talaga… ten, twenty years from now, ayaw mong magkasakit.”

Ineendorso ni Bea ang mga dietary supplement ng Beautederm na Reiko Slimaxine at Reiko FiTox, na aniya’y investment niya para sa future. Gusto rin daw niyang maging kasimpayat ni Miss Rei Anicoche Tan, ang CEO ng Beautederm.

Pagpapatuloy ni Bea, “Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat that I’ve always struggled with my weight.

“Ever since I was young, maraming nagsasabi, mataba ako.

“And nakakatawa nga, nung pa-late 20s na ako, towards my early 30s — I’m 34 years old now — mas dun na ako nag-focus on health.

Continue reading below ↓

“And ngayon, bukod dito sa Reiko, I’m so happy na pinagkakatiwalaan nila ako to endorse these products because when I was younger, hindi naman ako nakukuha sa mga ganitong endorsement.

“Ngayon, kung mapapansin ninyo, yung mga nakaraang endorsements ko, it’s all about health and fitness.

“And I’m so happy na even though I am not perfect, even though I’m not the sexiest of them all, I know that people are able to relate to me.

“That some women are struggling the same way that I am struggling.”

Anu-ano ba ang kinakain ni Bea araw-araw para manatiling healthy? At anu-ano ang iniiwaan niyang kainin?

“Noong bata ako, mahilig akong mag-diet pero tumataba pa rin ako,” pag-amin ng premyadong aktres.

“Ganun talaga. Ngayon, I try to indulge myself sometimes. Kagagaling ko lang po ng Madrid [Spain), like two days ago ako dumating, gabi na nung dumating ako.

“Dun sa Madrid, kinain ko lahat ng gusto kong kainin. Unang-una, happy ako, kasi meron namang Reiko FiTox and Slimaxine to help me.

Continue reading below ↓

“Kanina, pinag-uusapan natin, di ba, na hindi siya appetite depressant. You can still eat whatever you want to eat but it will teach you how to eat at the right time.

“So, para kang nagpa-fast nang hindi mo napapansin that you’re fasting. So, kahit kumain ako nang kumain sa Madrid, OK lang…

“But as much as possible, siyempre, pina-partner-an 'yan ng exercise. I think, sa weight loss or sa healthy living, dapat kailangan talaga ng tamang tulog.

“So I try to sleep as much as possible, six to eight hours per day.

“And siyempre, as much as possible, yung kinakain ko rin or what I put in my body, sana healthy pa rin.

“But siyempre, life is short, gusto mo ring kumain ng masasarap. At isa ako sa mga nagsu-sweets, alam mo yun.

“Mahilig din akong kumain ng mga fried chicken.”

GORGY RULA

Bukod kay Bea, sina Piolo Pascual at Ruru Madrid ang mga bagong endorser ng Beautederm na hindi pa nabibigyan ni Ms. Rei Anicoche-Tan ng grand launch. Natama kasi nung kainitan ng pandemya kaya wala pang bonggang launching.

Continue reading below ↓

Ang dinig ko, ang isa sa kinakarir ni Ms. Rei na kuning endorsers ay sikat na K-drama actors. Ang dami nang sina-suggest sa kanya, pero ang bet na bet namin sanang makuha niya ay si Song Kang ng Forecasting on Love and Weather.

Sana matuloy ito, iyon ay kung walang conflict sa mga ineendorso ng guwapong Korean actor na ito.

Samantala, nung nakaraang Sabado lang ginanap ang story conference at table reading ng Start Up Ph nina Bea, Alden Richards, Jeric Gonzales, at Yasmien Kurdi.

Si Direk Jerry Sineneng pala ang magdidirek ng Start Up. At sabi nga ni Bea, ang huling teleseryeng a ginawa niya ay nung 2017 pa, at si Direk Jerry rin ang director.

NOEL FERRER

So, totoo nga yata ang bulung-bulungan na puwedeng umabot sa 100 endorsers ang Beautederm! Sana, makatulong ito sa major na pag-push ng brand.

Looking forward na rin talaga ako sa first teleserye ni Bea sa Kapuso network. Kasi, in the end, dito sa output na ito masusukat ang kanyang lakas at tibay bilang aktres kung maitatawid niya ang materyal na ito — kahit pa sabihing pambata itong role na natoka sa kanya at kung mahahatak niya ang mga viewers na panoorin at suportahan ang teleseryeng ito.

Continue reading below ↓

We wish Classmate Bea all the best!!! This is it, she will always have our support!!!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo: “Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat that I’ve always struggled with my weight. Ever since I was young, maraming nagsasabi, mataba ako. And nakakatawa nga, nung pa-late 20s na ako, towards my early 30s — I’m 34 years old now — mas dun na ako nag-focus on health."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results