Watch Now

Paolo Contis, sinagot ang netizen na nagsabing isama ng aktor si Yen Santos sa Bicol "as a friend"

by PEP Troika
Mar 28, 2022
paolo contis yen santos
Game na sinagot ni Paolo Contis ang komento ng isang netizen na sana ay isama ng aktor sa Bicol ang rumored girlfriend nitong si Yen Santos. Sabi ni Paolo, “Sige next time.”
PHOTO/S: Facebook / Instagram

GORGY RULA

Bentang-benta ang linyang “as a friend” sa comments sa fan page ni Paolo Contis sa Facebook.

Nung nagsimula ang kampanya ng local officials nung nakaraang Biyernes, March 25, 2022, ipinost ng Kapuso actor ang mga kuha niya sa kanyang pag-iikot sa Albay para sa ineendorso niyang Ako Bicol Party-list.

Nasilip ko ang post niya sa kanyang fan page, meron na itong mahigit 300 comments mula sa kanyang fans.

Akala nga ng iba ay si Paolo ang kumakandidato kaya sinasabi nilang iboboto raw nila ang aktor.

Ang ibang fans ay nagustuhan si Paolo sa Bubble Gang at sa ilang pelikula niya gaya ng Through Night and Day.

Pero hindi maiwasang may mga pumipitik pa rin at ang iba naman ay ikinakabit na si Yen Santos sa kanya. May nag-comment ding dapat ay sinamahan siya ni Yen Santos, as a friend.

Sabi ng isang follower niya, “Dapat sinamahan ka ni Yen S. as a friend gaya nong nag-Baguio kayo (laugh emoji).”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaagad namang sinagot ito ni Paolo. Aniya, “Sige next time.”

Kahit ang ilang namba-bash ay sinasagot pa rin ng Kapuso actor.

Merong nag-comment, “Walang ibang face? Hahaha ang number 1 na manloloko talaga? Hahaha wala lang Bicol wala lang personalan hahaha!”

Sinagot naman siya ni Paolo ng “parang yung comment mo ang personalan eh… ingat ka (thumbs up emoji).”

Kahit bina-bash si Paolo, ang ending naman ng thread na yun ay gusto pa rin siya. Natutuwa silang pinapansin at sinasagot na sila ng aktor.

Teka, ang Bubble Gang lang ngayon ang ginagawa ni Paolo sa GMA-7. Meron kaya siyang susunod na gagawin pagkatapos ng I Left My Heart in Sorsogon?

Sayang ang galing ng aktor kung hindi siya gagamitin sa susunod na drama series ng Kapuso network!

paolo contis

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

As a friend, kilig-kiligan ako sa suportahan nina nina Paolo at Yen sa isa’t isa.

Sa Facebook post ni Paolo noong isang araw na, “Busy day today… AKO BICOL Party List” ay nag-comment si Yen, “busy B.”

Ang reply ni Paolo, “yeeeess?? Miss mo??” na may face with tears of joy emoji.

“mismo,” pag-ayon ni Yen na meron ding ganung emoji.

“napaka witty!!!” sey ni Paolo na may emoji na smiling face with hearts.

Doon naman sa Facebook post ni Yen na napa-“OHHHH MYYYYYY GAAAHHHDD!!!!!!!!!!” siya sa balitang isasapelikula ang best-selling novel ni Taylor Jenkins Reid na The Seven Husbands of Evelyn Hugo, may comment si Paolo na, “haha pre order ko na ba??” kaakibat na naman ang face with tears of joy emoji.

Dagdag na himutok ni Paolo, “sos nabobohan sa joke ko!”

To which maktul-maktulan si Yen, “movie nga kasi”

Hirit ng Kapuso actor, “ah sasagot ka pa ha!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Nakatanggap ako ng offer para sa isang pelikula with Paolo and my talent Joross Gamboa titled “Ang Pangarap Kong Oscars.”

Nataon naman na ngayong araw na ito mismo ang 94th Oscars or Academy Awards. Anyway, may inaayos lang na detalye sa materyal pero sana, matuloy nga ito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Game na sinagot ni Paolo Contis ang komento ng isang netizen na sana ay isama ng aktor sa Bicol ang rumored girlfriend nitong si Yen Santos. Sabi ni Paolo, “Sige next time.”
PHOTO/S: Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results