Jun Lana at Perci Intalan, hindi pa napapaso sa pagpoprodyus ng pelikula

by PEP Troika
Mar 29, 2022
jun lana, perci intalan, christian bables
Actor Christian Bables (right) gets excited after hearing that Jun Lana (left) and Perci Intalan (center) has a new project for him. Their last collaboration was Big Night, which swept the awards at MMFF 2021.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Pleasantly surprised sina Direk Jun Lana at Direk Perci Intalan na may kaakibat na cash prizes ang awards na hinakot ng iprinodyus nilang pelikulang Big Night.

Kaytamis ng kanilang halakhak ng tagumpay sa Appreciation Dinner ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2021 noong Marso 25, Biyernes, sa Novotel Hotel, Araneta City, Quezon City.

Kabilang sa awards ng Big Night sa MMFF 2021 ang best picture, best director (Jun Lana), best actor (Christian Bables), best supporting actor (John Arcilla), best screenplay (Jun Lana), best cinematography (Carlo Canlas Mendoza), gender-sensitivity award, at best musical score (Teresa Barrozo).

Read: Big Night, big winner sa MMFF 2021 Gabi ng Parangal; Christian Bables, first choice bilang Dharna

Mababawi ang puhunan nila sa paglo-long tail ng pelikula.

“Mababawi dahil ila-license mo dito, ila-license mo dun. So, Cignal ang nag-a-arrange. OK na raw yung deals nila. Sulit naman,” sambit ni Direk Perci.

So, hindi na nakakapaso na magprodyus ng pelikula?

Continue reading below ↓

“Lakasan pa rin ng loob!” mabilis na tugon ni Direk Perci.

Sambot ni Direk Jun, “At saka parang you don’t really give up. Parang you always wanna do something for the industry.

“And also it’s because part of your passion, gusto mo laging gumawa ng pelikula, and hopefully makatulong ka para mabuhay muli yung industry.

“I think iyan naman ang objective ng lahat.”

Dugtong ni Direk Perci, “At saka ano, e, hindi ka lang magiging creative sa concept ng pelikula… pati dun sa pag-license, pagbenta nung pelikula.

“Kasi, may way naman, e. Ano lang talaga… marami kang kailangang options.”

Tinitimbang-timbang ba nila ngayon ang pagpoprodyus, considering na magpapalit ng administrasyon sa gobyerno matapos ang eleksyon sa Mayo?

“Naniniwala kaming friendly yung administrasyon na papasok. Nananalig kami. Ike-claim namin sa universe,” sabi ni Direk Perci.

Dagdag ni Direk Jun, “At saka whatever happens, I think we will keep telling stories.

“And kahit anong administration pa yan, kakailangan nila ang industriya natin.”

Continue reading below ↓

“Yes! Totoo yun!” bulalas ni Direk Perci.

GORGY RULA

Ka-table natin sina Direk Jun at Direk Perci sa Appreciation Dinner ng MMFF 2021.

Doon na rin umupo si Christian, at narinig kong meron silang pinag-uusapang project na posibleng pagbibidahan ng aktor. Hindi na nga nakakain ng dinner si Christian sa sobrang excitement sa project na gagawin nila.

Nung binanggit ni Direk Jun na meron silang naisip na magandang project para sa kanya, “Umooo na ako, Direk, kahit ano man ‘yan!” mabilis na sagot ni Christian.

Nung ibinigay ng dalawang direktor ang ideya ng kuwento, at meron pa silang ipinapaliwanag sa aktor, kitang-kita ko ang sobrang excitement sa mukha ni Christian.

Sinabi pa niyang kahit kinabukasan ay puwede na siyang mag-shoot kung gusto nila.

Meron pang gagawin si Christian na isang project na ididirek ni Erik Matti para sa HBO, pero sabi naman ng aktor, hindi pa raw yun confirmed. Parang mas excited siya sa ikinuwento nina Direk Jun at Direk Perci.

Continue reading below ↓

Nakakatuwa at tuluy-tuloy pa rin ang pagpu-produce ng IdeaFirst. Marami ring mga bagong producers na pursigido sa paggawa ng pelikula kahit wala pang katiyakan kung saan at kailan ito mapapanood.

Aware silang hindi nila agad-agad mababawi ang kanilang ipinuhunan, pero tuloy pa rin sila sa paggawa ng pelikula. Kaya nga hindi nawawalan ng movie projects si Direk Joel Lamangan.

Sana, mabalik din ang interes ng malalaking film outfits gaya ng Regal, Viva, at Star Cinema sa paggawa ng malalaki at matitinong pelikula, hindi yung tipid na tipid ang budget at potso-potso ang kinalabasan.

NOEL FERRER

Ang saya lang nang makapanayam natin sina Direk Perci at Direk Jun.

Dahil ang swabe at ang cool lang nila, nakakakilig at iniisip na lang natin na sana nga ay magkabalikan sila bilang couple.

Ang maganda, present sina Jun at Perci bilang co-parents sa kanilang dalawang anak. At heto, buhay na buhay at maayos ang kanilang working relationship…

Continue reading below ↓

Sana talaga, pandemic break-up lang ang nangyari sa kanila. Sana, magkabalikan talaga.

Mula ito sa hopia nilang kaibigan!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor Christian Bables (right) gets excited after hearing that Jun Lana (left) and Perci Intalan (center) has a new project for him. Their last collaboration was Big Night, which swept the awards at MMFF 2021.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results