GMA-7, patuloy ang paghahari sa TV ratings; ABS-CBN, palaki nang palaki ang audience online

by PEP Troika
Mar 29, 2022
gabbi garcia, khalil ramos
Malapit nang mapanood sa Kapuso primetime ang mystery-romance series na Love You Stranger na pagbibidahan ng real-life sweethearts na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos.
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Masaya ang mga taga-Family Feud sa patuloy na magandang ratings ng game show ni Dingdong Dantes. Naka-6% average ang pilot week nito nung nakaraang linggo.

Lalo pa itong tumaas nung nakaraang Lunes, March 28, 2022, kung saan masayang naglaro ang pamilya nina Mikael Daez at Megan Young kalaban ang mag-asawang Mark Herras at Nicole Donesa. Naka-6.4% ang episode na yun.

Samantala, kapansin-pansing mas marami ang nanonood kapag live ang All-Out Sundays. Naka-4.1% ito nung nakaraang Linggo, March 27, kung saan na-welcome bilang bagong Kapuso si Xian Lim at special guest si Eugene Domingo. Ang katapat nitong ASAP Natin ‘To ay naka-2.5%.

Ang pelikulang Unforgettable ni Sarah Geronimo ang pelikulang tampok sa GMA Blockbusters, at naka-3.6% ito. Pero natalo ito ng combined ratings ng FPJ Da King na naka-4%.

Naka-3.7% naman ang The Best Ka! ni Mikael Daez, at ganundin ang Regal Studio Presents. Ang Amazing Earth naman ay naka-5.1%.

Continue reading below ↓

Sumunod ang 24 Oras Weekend na naka-9.9% versus TV Patrol na naka-1.7%.

Naka-11% ang Daig Kayo ng Lola Ko, at consistent pa ring mataas ang Happy ToGetHer na naka-13.1%.

Tumaas din ang Kapuso Mo Jessica Soho na 16.8%, at 4.6% naman ang The Boobay and Tekla Show.

Medyo mababa naman ang viewership ng primetime shows nung nakaraang Sabado, March 26.

Nag-7.8% lang ang 24 Oras Weekend, at 2% ang TV Patrol.

Ang Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento ay 8.4%, at 1.7% ang My Papa Pi. Sumunod ang Agimat ng Agila na naka-10.6%, at 1.5% naman ang PBB.

Tumaas ang Magpakailanman na naka-13.9%, at 2% naman ang Maalaala Mo Kaya.

jeery oleA

As expected, waging-wagi sa ratings ang mga programa ng GMA-7, ang Kapuso network, kung weekend (Sabado at Linggo). Pumapangalawa ang GTV.

Kung weekdays (Lunes hanggang Biyernes), Kapuso pa rin ang umaani ng tagumpay pero sumisipa ang combined ratings ng mga ABS-CBN, o Kapamilya network, primetime series FPJ’s Ang Probinsyano at The Broken Marriage Vow.

Continue reading below ↓

Sa mga panghapong programa ng GMA-7, patuloy na kinakabog ng Little Princess ni Jo Berry ang Season 2 ng Prima Donnas, kung saan pumalit si Sheryl Cruz kay Aiko Melendez bilang pangunahing kontrabida.

Bagong aabangan sa Kapuso primetime ang mystery-romance series na Love You Stranger na bida sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos.

Ipinasilip ang teaser nito noong nakaraang Biyernes, Marso 25, kung saan may makikitang mga anino or shadow figures sa kakahuyan. Tatalakayin sa nasabing serye ang mental health, at meron ditong konsepto ng “story within a story.”

Kasama rin sa serye sina Gil Cuerva, Kim de Leon, Lexi Gonzales, Tonton Gutierrez, Carmi Martin, at Andrea del Rosario.

Samantala, palaki nang palaki ang komunidad ng ABS-CBN sa Facebook (33M followers) at YouTube (38.8M subscribers).

Ang ABS-CBN ang most followed Facebook page sa Pilipinas, habang ang ABS-CBN Entertainment ang nangunang YouTube channel sa buong Southeast Asia noong Marso 2021, ayon sa global video measurement at analytics platform na Tubular Labs.

Continue reading below ↓

Sa Facebook at YouTube ng ABS-CBN, napapanood ang Kapamilya Online Live, kung saan live na ipinapalabas ang ABS-CBN shows tulad ng FPJ’s Ang Probinsyano, The Broken Marriage Vow, at Viral Scandal.

Puwede ring ulit-ulitin ng viewers ang pinakahuling episodes ng mga programang ito sa loob ng pitong araw.

Walang humpay na aksyon, drama, at kilig ang hatid ng Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel sa Pilipinas dahil ginawa itong 24/7 noong 2021.

Bukod dito, naging available rin ito sa higit 180 bansa at napapanood on-demand ang FPJ's Ang Probinsyano at Viral Scandal na may English subtitles.

Ang lumalaking komunidad ng ABS-CBN sa Facebook at YouTube ay patunay ng unti-unting pag-transition ng ABS-CBN upang maging isang digital company na may pinakamalawak na online presence at pinakamaraming digital properties na pinapanood ng marami.

noel ferrer

Okay naman ang usaping ratings… pero babalik na naman ako sa mga usapan sa mga umpukan ngayon.

Continue reading below ↓

Marami akong kaibigan na hindi na halos nagagamit ang TV nila ngayon. Mas marami pa ang nag-surrender at hindi na nag-renew ng kanilang cable services.

Ang dahilan: halos lahat daw ng mga gusto nilang panoorin ay naa-access na nila online.

Kaya ang challenge ngayon ay gandahan talaga ang content para hindi ito papalampasin ng tao. Hindi na puwedeng poochoo-poochoo ang mga ipapalabas.

Dapat may premium na rin somehow. Kasi ang dami nang choices sa Netflix, Viu, Apple TV+, HBO Go, Hulu, Amazon Prime Video, iWant TFC, VivaMax, Upstream, at marami pang iba.

Rumaratsada ngayon sa Netflix Philippines ang Season 2 ng Bridgerton. Kaya ba nitong pantayan o lampasan ang record ng Squid Game?

Kayo, ano ang gamit ng TV ninyo? Ano na lang ang pinapanood ninyo rito?

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Malapit nang mapanood sa Kapuso primetime ang mystery-romance series na Love You Stranger na pagbibidahan ng real-life sweethearts na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results