Ina ni Ysabel Ortega, kinumpirmang nanliligaw sa anak si Miguel Tanfelix

by PEP Troika
Apr 1, 2022
miguel tanfelix ysabel ortega
Trending ngayon sa TikTok ang pagpapakain nina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega ng aso (kanan) sa isang parking lot. Ayon sa ilang napagtanungan ng PEP Troika, may namumuo na talagang pagtitinginan sa pagitan ng Voltes V: Legacy stars.
PHOTO/S: TikTok

GORGY RULA

Ikinatuwa ng mga netizen ang video nina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega na may pinapakaing stray dog. Marami ang nag-share ng video na ito mula sa Tiktok account na YsaGuel.

Kuha ito sa parking lot ng isang mall kung saan may asong lumapit sa kotse ng dalawa. May kinuhang pagkain si Miguel sa loob ng sasakyan, at ibinigay ito ni Ysabel sa aso.

Pawang papuri ang comments lalo na sa mga dog lovers. Nang huling check ko sa naturang Tiktok account, meron na itong mahigit 145,000 likes.

@ysaguelshippersofc_ #ad Look how soft they are???? @migueltanfelix98 @ysabelortega_ #migueltanfelix #ysabelortega #ysaguel #foryou #foryoupage #fyp #trending #trend #ad ? When Scars Become Art by Gatton - YsaGuel

Meron ding isang Tiktok post na may title na "Miguel Tanfelix Introducing his Queen." Ang ipinakita sa naturang post ay si Ysabel.

Sinasabi ng ilang napagtanungan ng PEP Troika na may namumuo na raw talagang magandang relasyon sa dalawa. Magkasama sila sa taping ng Voltes V: Legacy at madalas silang magkasama.

Pero ayon sa ina ni Ysabel na si Michelle Ortega-Pimentel, pursigido ang Kapuso young actor sa panliligaw sa kanyang anak.

Continue reading below ↓

Maaaring nasa dating stage sila o MU, pero hindi pa masasabing official ang kanilang relasyon bilang magkasintahan.

“Ayoko pa talagang magka-boyfriend ang anak ko,” bulalas ni Michelle nang nakausap ko siya sa telepono ngayong Biyernes, April 1, 2022.

Ayoko muna yung masyado silang seryoso. Career muna sila,” sabi pa ni Michelle.

Natatawa na lang si Michelle nang sinabi kong 23 years old na si Ysabel, pabayaan na niyang magka-boyfriend.

“Ang suwerte ko naman sa anak ko. Napakabait niya. Masunurin, sumusunod talaga siya sa akin,” pakli ng dating aktres.

Puring-puri naman ni Michelle si Miguel dahil napakabait at magalang daw ito. Pati ang parents ng aktor ay mabait din daw.

Halos araw-araw raw dumadalaw si Miguel kay Ysabel. Pero ngayon ay medyo pinababawasan ni Michelle ang pagdalaw ng Kapuso young actor dahil mas gusto niyang mag-focus ang dalawa sa trabaho.

Tuluy-tuloy ang taping ninina Miguel at Ysabel, pero sa studio muna sila kinukunan. Ii-schedule pa raw ang kanilang lock-in taping.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Inaasahan nating mag-i-spakle nang lubos ang tandem nina Miguel at Ysabel sa Voltes V: Legacy.

Wala na talaga ang BiGuel loveteam nina Bianca Umali at Miguel, lalo pa’t sa totoong buhay ay tila sing-init ng tag-araw ang namamagitan kina Bianca at Ruru Madrid.

Wagi sa ratings ang Mano Po Legacy: Her Big Boss nina Bianca at Ken Chan, at naaaliw tayo sa mga eksena ni Ken with Teejay Marquez. May kakaibang sparkle!

Teka! Kailan ba ang balik-taping ni Ruru para sa Lolong? Itong Lolong ay swak sanang ipalabas bago mag-eleksyon, ngunit inabot ng 'sangkatutak na aberya.

Siguro naman, mauunang ipalabas ang Lolong kesa sa Voltes V: Legacy, ‘no?!

NOEL FERRER

Kung meron mang tandem na nabubuwag, meron din namang bagong nabubuo.

Interesting na subaybayan kung paano isusulong ng GMA-7 ang tambalan nina Miguel at Ysabel sa Voltes V: Legacy.

Good luck, YsaGuel!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Trending ngayon sa TikTok ang pagpapakain nina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega ng aso (kanan) sa isang parking lot. Ayon sa ilang napagtanungan ng PEP Troika, may namumuo na talagang pagtitinginan sa pagitan ng Voltes V: Legacy stars.
PHOTO/S: TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results