Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento, extended; Tali, may cameo sa sitcom ni Bossing Vic

by PEP Troika
Apr 2, 2022
pepito manaloto ang unang kuwento
Dapat ay noong March 26, 2022 ang last episode ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento pero na-extend ito hanggang sa Mayo habang hinihintay ang pagsisimula ang Book 3 ng Pepito Manaloto. Nasa larawan ang Ang Unang Kuwento cast na sina (mula kaliwa) Kokoy de Santos, EA de Guzman, Gladys Reyes, Archie Alemania, at Sef Cadayona.
PHOTO/S: Facebook

GORGY RULA

Replay ang episode ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento na in-air nitong Sabado ng gabi, April 2, 2022.

Extended ang prequel ng Pepito Manaloto dahil binubuo pa lang ang Book 3 ng sitcom ng GMA-7 na pinagbibidahan nina Michael V. at Manilyn Reynes.

Dapat ay ending na ng Ang Unang Kuwento nung nakaraang Sabado, Marso 26, pero na-extend ito at baka umabot pa hanggang Mayo.

Hindi pa nagsisimula ang taping ang Book 3 ng Pepito Manaloto kaya baka nga ma-extend pa ang prequel nito.

Nakaka-text ng PEP Troika si Gladys Reyes na sobrang na-enjoy ang role niya sa Ang Unang Kuwento. Bukod sa sobrang gaan ng taping, nabuo raw ang magandang friendship sa buong cast, kaya sobrang tuwa nila nang magkaroon ng extension ng taping.

Sayang lang daw dahil hindi na kasali si Mikee Quintos dahil nasa lock-in taping na ito ng upcoming soap na Apoy Sa Langit.

Continue reading below ↓

Sabi ni Gladys sa PEP Troika, “Happy kami siyempre. Pero na-sad lang ako, wala na si Mikee, naka-lock-in na kasi.

“Sobrang saya namin sa farewell get-together… na para safer, may antigen pa muna kami bago mag-start. Sa bahay kami nun ni Mikee. Videoke, kuwentuhan, kainan.

“Thankful ako kay Kuya Bitoy sa pagbigay sa akin kay Rosa, kasi na-enjoy ko talaga gawin siya.”

Balik-bonding daw sila ngayon dahil nagti-taping na naman sila. Hindi pa nga masabi kung hanggang kailan sila.

Habang hindi pa kasi ready ang Book 3 ng Pepito Manaloto, tuluy-tuloy pa rin sila ng taping.

Kapag natapos na si Mikee sa lock-in taping, isasali siya sa susunod na taping ng Ang Unang Kuwento.

Sabi ni Gladys, nakaka-miss din ang bonding nila sa set dahil sila ang madalas na magkakasama sa taping.

“Kami-kami kasi ang magkakasama madalas, pati mga staff at dalawang director namin na napaka-cool.

“Ang sarap talaga ng sitcom! Sana makagawa ako uli,” dagdag na text ni Gladys.

Continue reading below ↓

Bukod kina Sef Cadayona at Mikee, ang madalas na nakakasama ni Gladys sa taping ng Ang Unang Kuwento ay sina Pokwang, Archie Alemania, Kokoy de Santos, Kristoffer Martin, at Jay Arcilla.

JERRY OLEA

Kuwela rin ang isa pang sitcom sa GMA-7 na Daddy’s Gurl. Nagti-taping na rin sila, pero virtual pa rin muna si Vic Sotto.

Maaring makasali na si Bossing Vic pagkatapos ng eleksyon, dahil tumutulong muna siya ngayon sa pangangampanya ng kapatid niyang si Senate President Tito Sotto, at pati na rin sa anak niyang si Mayor Vico Sotto.

Nasa Cebu sila dahil nandun ang partido nina Senator Ping Lacson at Tito Sen. Lugar kasi ng mga Sotto ang Cebu.

Sa episode ng Daddy’s Gurl, may isang eksenang kasali si Tali, ang anak nina Bossing Vic at Pauleen Luma.

Kahit naka-Zoom din ang eksena, feel na feel daw ni Tali na guest siya sa sitcom ng daddy niya.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Okay rin ang My Papa Pi na na ang taping ng unang season with Piolo Pascual, Pepe Herrera, and Pia Wurtzbach, at kasama rin ang in demand na talent kong si Joross Gamboa.

At safe talaga ang sked nila dahil magkasama rin sina Piolo at Joross sa Flower Of Evil, na drama na may pagka-action naman.

Hinihintay ko pa rin yung mga napapanahong comedy sana, lalo pa’t nalalapit na ang elections.

Wala na ba tayong satire o parody ala Abangan Ang Susunod Na Kabanata o Sic O' Clock News? Parang merong nilulutong ganun sa TV5 or One Channel yata.

This will be a welcome addition sa mga relevant comedy shows.

Kasi, kung titingnan natin ang Bubble Gang ngayon, parang nagpaka-safe na at hindi na yung dati edgy. Nakaka-miss din yun.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dapat ay noong March 26, 2022 ang last episode ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento pero na-extend ito hanggang sa Mayo habang hinihintay ang pagsisimula ang Book 3 ng Pepito Manaloto. Nasa larawan ang Ang Unang Kuwento cast na sina (mula kaliwa) Kokoy de Santos, EA de Guzman, Gladys Reyes, Archie Alemania, at Sef Cadayona.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results