Julie Anne San Jose, nag-react sa pag-unfollow sa kanya ni Janine Gutierrez

by PEP Troika
Apr 6, 2022
Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Janine Gutierrez, Paulo Avelino
Julie Anne San Jose (holding a guitar) on Janine Gutierrez (in yellow dress): "Nagulat lang din po ako to be honest. Pero wala naman po sa akin yun. Kasi, lahat naman ng tao ay may kanya-kanyang, like, reasons. May kanya-kanya naman pong dahilan. But sa end ko naman po, sa sarili ko, wala naman pong masamang tinapay sa kahit kanino."

GORGY RULA

Ipinasa muli ni Julie Anne San Jose kay Rayver Cruz ang sagot sa tanong kung talagang nanliligaw na nga ba sa kanya ang binata.

"Ang tingin ko po, mas mabuting siya na lang po ang tatanungin niyo. Parang mas okay po kung sa kanya po manggagaling.

"We’re very okay," safe na sabi ng Kapuso singer-actress.

Humarap si Julie Anne sa mediacon ng kanyang Limitless: A Musical Trilogy na may temang "Rise" na mapapanood online sa April 9 at 10, 2022.

Pero reliable ang nagsabi sa PEP Troika na nasa "getting to know each other" na sila, dahil madalas daw pumupunta si Rayver sa bahay ni Julie Anne.

Read: Rayver Cruz, Julie Anne San Jose trade sweet messages on IG; are they an item?

Kung sinasabi ni Janine Gutierrez, ex-girlfriend ni Rayver, na nasa "masayang level" sila ni Paulo Avelino, happy naman daw sina Julie Anne at Rayver sa kanilang bonding.

Continue reading below ↓

Hiningan na rin namin ng reaksiyon si Julie Anne tungkol sa pag-unfollow sa kanya ni Janine sa kanyang Instagram account.

Sabi ng Limitless Star, "Nagulat lang din po ako, to be honest. Pero wala naman po sa akin yun.

"Kasi, lahat naman ng tao ay may kanya-kanyang, like, reasons. May kanya-kanya naman pong dahilan.

"But sa end ko naman po, sa sarili ko, wala naman pong masamang tinapay sa kahit kanino."

Read: Did Janine Gutierrez unfollow Julie Anne San Jose on Instagram?

Nilinaw ni Julie Anne sa amin na kahit in-unfollow siya ni Janine, naka-follow pa rin daw siya sa Kapamilya actress.

"Wala po akong problem with anybody and, you know… kumbaga, wala po akong masamang loob po.

"Everyone is entitled to their own opinion kaya kung ano man po yung nangyari before, wala po yun sa akin.

"Basta po malinis po ang aking konsensiya, at wala… para masaya lang po lahat.

Continue reading below ↓

"Kasi, yun naman po ang kailangan natin, di ba, na intindihin yung isa’t isa, since times have been challenging for everyone, kaya ayun.

"Good vibes-good vibes lang po. Wala naman po sa akin yun,” saad ni Julie Anne.

Bukod sa isa si Rayver sa nagpapasaya sa kanya, excited din si Julie Anne sa nalalapit niyang Limitless: A Musical Trilogy dahil sold-out na ang VIP tickets, kaya naging dalawang araw na ito para ma-accommodate ang lahat ng gustong bumili ng tickets.

Marami pa raw aabangan sa "Rise" na last leg ng kanyang Limitless concert.

Dito rin mapapanood ang Limitless live nila na ginanap sa Sunlife Ampitheater sa BGC nung March 20, kung saan special guest niya si Rayver.

JERRY OLEA

Sa kabila ng pag-unfollow sa kanya ni Janine sa Instagram, at patuloy pa rin niya itong pina-follow, kaibigan pa rin ba ang turing niya sa Kapamilya actress?

"Ang makakasagot lang po niyan ay… actually, wala naman po talagang kaso sa akin," tugon ni Julie Anne.

Continue reading below ↓

"I’ve always been, you know… like, open naman po ako to friendships at saka, wala pong kaso sa akin. So, I guess po… opo."

NOEL FERRER

Kailan kaya magiging tunay na LIMITLESS si Julie Anne hindi lang sa pagpe-perform kundi sa pagbubukas ng tunay na saloobin at pakikitungo sa press at audience?

Sana soon!!!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julie Anne San Jose (holding a guitar) on Janine Gutierrez (in yellow dress): "Nagulat lang din po ako to be honest. Pero wala naman po sa akin yun. Kasi, lahat naman ng tao ay may kanya-kanyang, like, reasons. May kanya-kanya naman pong dahilan. But sa end ko naman po, sa sarili ko, wala naman pong masamang tinapay sa kahit kanino."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results