Teejay Marquez, masaya sa feedback sa kanyang first kontrabida role

by PEP Troika
Apr 7, 2022
teejay marquez kontrabida
Teejay Marquez: “Isa sa mga napapansin sa ‘kin, dahil daw nasal ako. Parang lagi raw akong sinisipon. So ngayon, yun ang inaayos ko sa set. Pag nasa set ako, talagang iba yung boses ko. Kasi, ayokong mag-nasal."
PHOTO/S: Jerry Olea

G! LU,JERRY OLEA

Natutuwa si Teejay Marquez sa mga feedback sa kanya sa mini-series na Mano Po Legacy: Her Big Boss.

“Happy naman sila, kasi first kontrabida role ko,” pagngiti ni Teejay nang mainterbyu namin matapos ang ribbon-cutting ceremony ng AQ Prime office nitong Abril 6, 2022, Miyerkules, sa Roces Avenue cor. Sct. Reyes St., Brgy. Laging Handa, Quezon City.

“Marami nang televiewers ang nagagalit sa ‘kin. Pero siyempre yung mga supporters ko naman, parang… love pa rin daw nila ako.

“Pero yung hindi ako kilala, yung first time lang akong napapanood, nagagalit talaga sa ‘kin.

“Isa sa mga napapansin sa ‘kin, dahil daw nasal ako. Parang lagi raw akong sinisipon.

“So ngayon, yun ang inaayos ko sa set. Pag nasa set ako, talagang iba yung boses ko. Kasi, ayokong mag-nasal.

“Sa normal na ganito, nasal ako. Pero sa set, binabago ko yung voice modulation because of the nasal thing na napapansin ng audience.”

Continue reading below ↓

Ang Mano Po Legacy: Her Big Boss ay pinagbibidahan nina Bianca Umali, Ken Chan, at Kelvin Miranda.

“Na-extend po kami. Hindi ko alam kung one or two weeks po yata ang extension namin,” sabi ni Teejay.

“Kaya sobrang happy kaming lahat. Kasi, na-extend pa kami. Hanggang June pa!”

Next week (Semana Santa) ay magsu-shoot na si Teejay ng pelikula para sa A&Q Films (na nagprodyus ng MMFF 2021 official entry na Nelia).

Ibinalita rin ni Teejay na tapos na ang shooting ng smorgasbord movie na G! LU (Go! La Union) at ikinakasa na ang pagpapalabas nito this summer.

Co-stars niya sa G! LU sina Ruru Madrid, Kiko Estrada, Derick Monasterio, David Licauco, at Enzo Pineda.

Read: G! LU Boys, a case of "one of those things is not like the other"?

Hinihintay na rin ni Teejay na maipalabas ang pinagbibidahan niyang Ang Huling Baklang Birhen Sa Balat-Lupa, sa direksiyon ni Joel Lamangan. Leading man niya rito si Sean de Guzman.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Kahit maamo ang mukha, aminin… may angking taray rin si Teejay Marquez.

At least, he gets to play a range of roles from bida to kontrabida, at from boy to gurl pa nga.

Mukhang sila ni Markki Stroem ang puwedeng pagtapatin! Ano sa tingin ninyo… saan kayo… Team Teejay or Team Markki?

GORGY RULA

Bakit hindi na lang i-revive ni Teejay ang kantang "Bakit Pa?" ni Jessa Zaragoza, para magamit niya ang pagiging nasal na boses niya? Nasa pag-arte naman ‘yan, kahit ano ang boses mo.

Dati ay ikinaiiritahan ang boses ni Richard Gomez na sinasabi ng iba na parang boses ipis. Pero lalo siyang gumaling at naging multi-awarded actor.

Promising naman si Teejay, at marami pa siyang puwedeng gawin mabigyan lang ng maganda pang project.

Tingnan muna natin itong Ang Huling Baklang Birhen Sa Balat-Lupa kung keri niyang talbugan ang Big Night ni Christian Bables.

Aware si Teejay na si Christian dapat ang bida sa Ang Huling Baklang Birhen Sa Balat-Lupa. In fairness, natuwa si Direk Joel Lamangan sa interpretation ni Teejay sa nasabing role.

Continue reading below ↓

“Nung nalaman ko na si Christian Bables yung original na gaganap… natanong sa akin, ‘OK lang ba na si Christian Bables talaga yung una?’

“Sabi ko naman po, ‘Maraming salamat at napili ninyo ako. Dahil pinili ninyo ako, gagawin ko yung alam ko na gagawin ni Christian Bables.’

“Hindi ko lang alam kung nasabayan ko, pero at least, na-happy naman ako na natuwa po si Direk Joel.

“Na hindi siya nagsisi na, ‘Dapat Bables pa rin!’ So, happy naman po ako na naging happy si Direk Joel.

“Isa po yun sa target ko talaga na huwag siyang magsisi na ako ang ipinalit niya. Kaya ginalingan ko naman talaga,” lahad ni Teejay.

Itong G! LU naman na pelikula nila ay dalawang summer na yata ang dumaan.

Nanganak na si Katarina Rodriguez na isa sa mga lead actress dito, at abala na sa Miss Universe Philippines si Michelle Dee, at higit sa lahat, mas abala sa pangangampanya ang manager nila at ang producer ng pelikula na si Arnold Vegafria.

Continue reading below ↓

Maipapalabas na kaya ito this summer?

Matutuloy pa kaya ang Season 3 ng Pinoy BL series nila ni Jerome Ponce na Ben x Jim, sa direksiyon ni Easy Ferrer.

“Feeling ko naman po, matutuloy po. Busy lang po yung direktor namin, saka kami sa Mano Po,” sabi ni Teejay.

“Baka after this Mano Po, magawa na po namin.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Teejay Marquez: “Isa sa mga napapansin sa ‘kin, dahil daw nasal ako. Parang lagi raw akong sinisipon. So ngayon, yun ang inaayos ko sa set. Pag nasa set ako, talagang iba yung boses ko. Kasi, ayokong mag-nasal."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results