Watch Now

Kapamilya shows' families vs. Kapuso shows' families sa Family Feud, gusto nyo?

by PEP Troika
Apr 9, 2022
First Lady, Family Feud, Ang Probinsyano
Imagine kung maglalaban sa Family Feud ang pamilya ng First Lady vs. pamilya ng FPJ's Ang Probinsyano? Di ba, bongga!
PHOTO/S: PR Photos

GORGY RULA

Ariba ngayon si Dingdong Dantes sa mga programa niya sa Kapuso network, pero inspired magtrabaho dahil maganda ang ratings at feedback ng Family Feud.

Sa darating na linggo ay malalaman kung i-extend ba ang Family Feud ng isa pang season.

Sa ganda ng ratings nito, puwede talagang magtagal pa ito dahil pataas nang pataas ang rating.

Umabot sila ng 9.6% nung nakaraang Martes, April 5 kung saan naglaro si Herlene Budol at ang pamilya nito laban sa pamilya ni Kiray Celis.

Nung nakaraang Huwebes, April 7 na naglaro naman ang mga magagandang Super Sireyna versus sa vloggers na Team Payaman, naka-8.9% ito. Kaya hataw talaga!

Excited ang buong team ng Family Feud kung isa pang season ang ibibigay sa kanila.

Kaya lang, magsisimula na rin si Dingdong ng sitcom na gagawin niya sa APT Entertainment. Ito yung sinasabi nilang sitcom na gagawin nila ni Marian Rivera.

Nagkaroon na sila ng story conference nung Biyernes, April 8. Mapapanood daw ito tuwing Sabado ng gabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito kaya ang ipapalit pagkatapos ng Book 2 ng Agimat ng Agila?

Puwedeng magkasunod na sila ng Pepito Manaloto. Kaya totoong araw-araw na talagang napapanood si Dingdong mula Lunes hanggang Linggo.

Monday to Friday ang Family Feud, Saturday ang sitcom nila ni Marian, at Amazing Earth naman sa Linggo.

Winner!

JERRY OLEA

Kung magka-season 2 ang Family Feud, posible kayang ma-invite na ang mga taga-Kapamilya channel para maglaro?

Ikinatuwa ng lahat ang collaboration ng Star Cinema Films sa GMA-7. Kaya keri bang maglaro ang pamilya ng FPJ’s Ang Probinsyano laban sa pamilya ng First Lady?

O kaya ang taga-Broken Marriage Vow versus Widows’ Web, o mas bongga kung ang ASAP Natin ‘To family versus AOS family.

Sino nga ba naman ang mag-aakalang mapapanood na sa GMA-7 ang blockbuster hits ng Star Cinema? Ang blockbuster films ng Star Cinema sa GMA Blockbusters!

Bongga, di ba?

Abangan natin bukas ang unang Star Cinema movie na It Takes a Man and a Woman sa GMA Blockbusters.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Black Saturday, April 16 ng 7:00 pm ay ang LizQuen movie na Alone/Together, at kinabukasan, Easter Sunday, April 17 ay ang pelikulang No Other Woman sa Kapuso Movie Festival.

Sa G! Flicks sa GTV naman sa April 23 ay ang pelikulang I Love You, Hater.

NOEL FERRER

Maganda iyang concept na iyan—ang cast ng magkakatapat na programa ang maglalaro.

Dapat naman talaga, wala nang network divide… at nagtutulungan na lang.

Lalo pa sa panahon ngayon.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Imagine kung maglalaban sa Family Feud ang pamilya ng First Lady vs. pamilya ng FPJ's Ang Probinsyano? Di ba, bongga!
PHOTO/S: PR Photos
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results