Sitcom nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, kasado na

by PEP Troika
Apr 10, 2022
Marian Rivera
Cris Roque
Marian Rivera (shown with Kamiseta Skin CEO Cris Roque), sobrang naaaliw sa makeup skills ng anak niyang si Zia. Kuwento niya, “Nandun siya ngayon sa make-up na mag-explore siya na parang minsan nagugulat ako, anak, paano mo nagawa?”

GORGY RULA

Manghang-mangha si Marian Rivera sa nadiskubre niyang isang skill ng kanyang anak na si Zia: ang pagmi-make-up.

Iyun ang nakahiligan ng kanyang anak na bumilib daw siya, dahil sa marunong daw talaga mag-make up.

“Nandun siya ngayon sa make-up na mag-explore siya na parang minsan nagugulat ako, anak, paano mo nagawa?” bulalas ni Marian nang nakatsikahan namin nung Sabado, April 9, sa grand launch ng bago niyang endorsement na Blancare lotion ng Kamiseta Skin.

Isa raw ito sa bonding nilang mag-ina na pinag-aaralan niya kung paano mag-make-up ang kanyang anak.

“Anak, yung tungkil. 'What’s tungkil, Mama?' Ano nga ba yung tungkil? Alam mo yun,” natatawang kuwento ng Kapuso Primetime Queen.

“So, may mga ganung moment kami ni Zia na nakakatuwa, kasi in fairness, magaling siya mag-make up. Nandun siya ngayong sa make-up make-up.

“Hindi lang yung make up na maganda, ha? Talagang… yung queen of hearts, yung tinatanggal niya yung kilay niya, 'tapos kukulayan niya ng something… yung Alice in Wonderland. 'Look, Mama!'

Continue reading below ↓

“Alam mo yung may ganun siyang experiment. Nakakatuwa,” pagmamalaki ni Marian.

Kung si Marian ang masusunod, ayaw niyang masyadong ma-expose si Zia sa pag-aartista.

Tinanong namin siya kung keri lang ba na sumali sa bagong sitcom nila ni Dingdong Dantes ang kanilang anak. Pero umiling si Marian.

“Sa ngayon, ayaw talaga namin. Kasi… lalo na si Zia, parang yung mag-7 years old na siya. Hindi na siya yung literal na bata.

“So, yung pag-iisip niya alam natin na pag seven years old, buung-buo na iyan. So, mas maganda siguro na may sarili siyang buhay kung ano yung gusto niyang gawin.

“Siguro, kung gusto niyang gawin ‘to after ng pag-aaral niya, e nasa dugo talaga niya ang umarte or modeling, e di why not?”

Samantala, natutuwa si Ms. Cris Roque ng Kamiseta Skin dahil tinanggap ni Marian na i-endorse ang bagong produkto nilang Blancare lotion.

Marian Rivera

Continue reading below ↓

Marian Rivera
Cris Roque

Sabi pa ni Marian, alam din ni Zia ang mga produktong ini-endorse niya, at ginagamit din nito kapag puwede rito.

“Nakikita naman niya kung gaano ako kaarte sa bahay. So, alam niya iyan,” pakli ng aktres.

JERRY OLEA

Finally ay muling magsasama sina Marian at Dingdong sa isang programa sa GMA-7.

Continue reading below ↓

Nagkaroon na sila ng story conference nitong bagong sitcom na pinamagatang Jose and Maria Bonggang Villa, na co-production ng Agosto Dos at ng APT Entertainment. Tuwing Sabado ang timeslot nito.

Yung Family Feud at Amazing Earth na parehong hinu-host ni Dingdong ay waging-wagi sa ratings. Kaya inaasahan natin na magpapakitang-gilas din ang sitcom nina Dingdong at Marian.

Papantayan man lang ba, o lalampasan pa kaya nito ang ratings ng sitcom ni John Lloyd Cruz na Happy ToGetHer? Aabangan natin iyan.

NOEL FERRER

Maganda talaga yung mga artistang may stake sa mga gagawin nilang mga projects, so aabangan natin ang Jose and Maria Bonggang Villa nina Marian at Dingdong.

Nakakalungkot lang nang magtanong ako sa GMA kung katulad ng mga A-lister na artists nila ay kung puwedeng mag-endorse sila ng mga candidates sa napakahalagang eleksyong ito.

I trust them to be major influencers for the good, kaya lang napag-alaman namin na kapag kasama ka pala sa Dapat Totoo campaign ng GMA News and Public Affairs ay hindi pala sila puwedeng mag-endorse nang tahasan tulad ng dati.

Continue reading below ↓

So, sabi ng GMA boss na nakausap namin, choice nila yun talaga. At nirerespeto natin yun.

Kaya doon sa mga naghahanap kina Dingdong at Marian kung makakasama natin sila sa mga susunod na crucial rallies ngayong less than a month na lang ang eleksyon, better luck next time na lang po tayo.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marian Rivera (shown with Kamiseta Skin CEO Cris Roque), sobrang naaaliw sa makeup skills ng anak niyang si Zia. Kuwento niya, “Nandun siya ngayon sa make-up na mag-explore siya na parang minsan nagugulat ako, anak, paano mo nagawa?”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results