Watch Now

Direk Joel Lamangan, nananalig na mananalong best actor si Sean de Guzman

by PEP Troika
Apr 18, 2022
sean de guzman direk joel lamangan
Direk Joel Lamangan on Sean de Guzman: “Ako ang sumama kay Sean sa kanyang pagbibiyahe bilang aktor. Sa aking pelikula siya unang-unang nakita… Bakit ko siya pinili? Dahil nakitaan ko siya ng husay sa pag-arte. Nakitaan ko siya ng intrinsic quality ng isang mahusay na aktor na puwede pang ma-develop bilang pangunahing aktor ng ating industriya. Iyan ang nakita ko kay Sean.”
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Nananalig si Direk Joel Lamangan na magkakamit ng best actor trophy si Sean de Guzman.

“We are so happy that you are here para ipamalita ninyo ang isang magandang proyekto na pangungunahan ni Sean de Guzman,” pahayag ng premyadong direktor sa pag-uumpisa ng storycon ng pelikulang Fall Guy nitong Abril 17, Easter Sunday, sa Novotel Hotel, Araneta City Quezon City.

“Ito po ang pelikula na siya talaga ang magdadala. Siya ang tatanghaling best actor sa mga susunod na panahon!”

Nagpapalakpakan nang masigabo ang media people at bloggers, at naghiyawan pa ang iba.

Si Direk Joel ang nagdirek ng launching film ni Sean na Anak ng Macho Dancer (2021). Kasama rin si Sean sa iba pang Joel Lamangan films na Lockdown, Bekis on the Run, Ang Huling Baklang Birhen sa Balat Lupa, at Island of Desire.

“Ang ipinagkaiba po ng pelikulang ito sa lahat ng mga nagawa ko po, noong binabasa ko pa lang po ang script… parang kinakabahan na ako sa mga mangyayari,” lahad ni Sean.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kumbaga, parang nagda-doubt ako sa sarili ko. Na parang… makakaya ko ba yun? Parang sobrang bigat ng role na ibinigay sa akin.

“Kaya kailangan ko po talagang pag-igihan at ayusin ko po yung performance ko po…

“Iyong pelikula pong ito, kakaiba po siya. Sobrang bigat po siya, as in… sobrang layo ng role dun sa ibang ginawa kong projects.”

Suportado si Sean sa Fall Guy nina Shamaine Buencamino, Glydel Mercado, Tina Paner, Jim Pebanco, at Vance Larena.

Nasa cast din sina Cloe Barreto, Marco Gomez, Quinn Carrillo, Karl Aquino, Pancho Carrillo, Mark Cardona, Tiffany Grey, Azekah Alvarez, Nisa Ortiz, Hershie de Leon, at Itan Rosales.

Isinulat ito ni Troy Espiritu, na siya ring nagsulat ng mga pelikulang Ma’ Rosa, Alpha: The Right To Kill, Walker, at Lockdown.

Sabi pa ni Direk Joel, “Ako ang sumama kay Sean sa kanyang pagbibiyahe bilang aktor. Sa aking pelikula siya unang-unang nakita…

“Bakit ko siya pinili? Dahil nakitaan ko siya ng husay sa pag-arte. Nakitaan ko siya ng intrinsic quality ng isang mahusay na aktor na puwede pang ma-develop bilang pangunahing aktor ng ating industriya. Iyan ang nakita ko kay Sean.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Palakpakan muli ang mga nasa story, bago nagpatuloy si Direk Joel, “Nang ibigay sa akin ang responsibilidad na gawin ang pelikulang ito para sa kanya, hindi ako nagdalawang-isip.

“Nag-isip ako ng konsepto. Anong istorya ang maaari kong ibigay sa kanya?

“Kung nabasa ninyo ang reportage on crime ni Nick Joaquin, meron itong The Boy Who Wanted To Become Society kung saan patterned ang pelikula ni Phillip Salvador na Jaguar (1979) na ginawa ni Lino Brocka.

“Itong Fall Guy ay inspired din by that reportage on crime, The Boy Who Wanted To Become Society.

“Istorya ito ng mga tao, ng mga bata specially, na ikinahihiya kung saan sila nanggaling. Ikinahihiya na sila ay mahirap, OK?

“Nagpapahatid sa isang malaking bahay — kunwari bahay nila — tapos hindi naman pala.

“May ganoong aspeto ito. Yung kabataan na ito, at kung paano at kung saan siya dinala ng pagkukunwari niyang ito, na itakwil ang uri na kanyang pinanggalingan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Iyon ang nag-inspire sa akin dahil nakita ko na kakayanin ni Sean ang ganoong uri ng pag-arte.

“At nakita ko ang maraming kabataan ngayon na mayroong ganoong pag-uugali, na halos kinakalimutan ang uring pinanggalingan.

“Hindi lang kinakalimutan! Ikinahihiya! At yun ang gusto kong talakayin dito — walang magandang kapupuntahan ang ganoong aspeto ng pag-uugali.”

GORGY RULA

Nakakatuwa ang 3:16 Media Network dahil pursigido sila sa pagpu-produce ng pelikula, katulong ang Mentorque ni John Bryan Diamante. Patuloy si Len Carrillo sa pagtuklas ng mga bagong mukha para sa mga pelikulang gagawin nila.

Si Sean ang bida rito sa Fall Guy, at kasama rin ang iba pang talents ni Len na nakapagbida na rin sa pelikula kagaya nina Cloe Barreto, Marco Gomez, at siyempre kasama ang anak niyang si Quinn Carrillo.

Ang iba pang isinali ni Len sa pelikulang ito na gusto niyang mabigyan ng break ay sina Tiffany Grey, Karl Aquino, Azekah Alvarez, Hershie de Leon, Itan Rosales, at ang dating sikat na basketbolistang si Mark Cardona.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Some of them nag-audition, ang iba sa competition ng Circle of 10. Nag-start na binuo ko nung pandemic,” pakli ni Len.

Gusto raw niyang ituluy-tuloy ang pagtuklas ng mga bagong mukha para mabigyan ng break sa mga susunod na movie projects na ipu-produce ng kanyang production outfit.

Sabi nga ni Direk Joel Lamangan, mas gusto niyang makatrabaho ang mga bagong mukha dahil parang isang pisara lang daw ito na wala pang laman at marami ka pang puwedeng isulat na matututunan ng mga bagong artistang ito.

Ang isa sa nakitaan niyang promising talaga ay si Sean na nakikita niyang papunta na raw ito sa pagiging isang magaling na aktor.

“Papunta pa lang siya dun. Pero maaaring maging ganun na siya,” pakli ni Direk Joel.

Read: Director Joel Lamangan prefers discovering new talents for his films

NOEL FERRER

Grabe si Direk Joel Lamangan, ang kaibigan nating direktor na walang pahinga. Sa kanya, kitang-kita mo na buhay ang industriya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Right afte Fall Guy, isu-shoot naman ni Direk Joel for Vivamax ang pelikulang Girl Friday starring Angeli Khang, Massimo Scofield, and Jay Manalo.

Inaasam nga ni Direk Joel na makatrabaho muli sina Gina Alajar, Amy Austria, Vilma Santos, Dina Bonnevie, Christopher de Leon, Tirso Cruz III, Dawn Zulueta, Maricel Soriano, Richard Gomez, Sharon Cuneta, at iba pa.

Basta Direk, ingat lang sa kalusugan, ha, mahaba pa ang ating laban!!! Padayon, Direk Joel!!!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Direk Joel Lamangan on Sean de Guzman: “Ako ang sumama kay Sean sa kanyang pagbibiyahe bilang aktor. Sa aking pelikula siya unang-unang nakita… Bakit ko siya pinili? Dahil nakitaan ko siya ng husay sa pag-arte. Nakitaan ko siya ng intrinsic quality ng isang mahusay na aktor na puwede pang ma-develop bilang pangunahing aktor ng ating industriya. Iyan ang nakita ko kay Sean.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results