Pauleen Luna, itinuturing na milestone ang pag-graduate ni Tali sa Nursery

by PEP Troika
Apr 23, 2022
pauleen luna daughter tali
Pauleen Luna ipinagmalaki ang hilig sa pagbabasa ng four-year-old daughter nila ni Vic Sotto na si Tali: “Na-shock din kami. Sabi nga naming mag-asawa, we won’t take credit for it. Kasi parang…. I mean, it wasn’t intentional na turuan siyang magbasa. Parang it came naturally. She’s so interested. Hindi na siya dumaan sa phonetics. Yun nga. Parang na-memorize niya yung salita, and I guess eventually parang nahimay-himay niya na ganun yung pagbabasa."
PHOTO/S: @pauleenlunasotto on Instagram

GORGY RULA

Feeling bagong graduate din si Pauleen Luna pagkatapos ng graduation sa Nursery ng anak nila ni Vic Sotto na si Talitha.

Sinabi nga niya sa kanyang Instagram post: “I can’t believe we survived 1 whole school year of online class! I cannot wait for the day when she’ll be able to bond with her classmates in person, but I am grateful for the time we spent (and fought-laugh emoji) during classtime!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Talagang challenge daw kay Pauleen ang pagtutok sa kanyang anak dahil four years old pa lang ito, maiksi ang attention span, at gusto na nitong bumalik sa paglalaro.

Sabi ni Pauleen nang makatsikahan namin sa DZRH noong Biyernes, April 22, 2022, “Ang ikinukuwento nga sa amin ng teacher, na challenge na siya to begin with even with the big school. Kasi bata 'yan e, short yung attention span.

“Maraming challenges. What more ngayong online? Kasi, parang wala silang emotional cues na… sa personal mo lang mararamdaman yun, e. 'Tapos, parang hindi rin namin alam kung nagi-get ba nila yung connection talaga when screen lang ‘yung nakikita.

“Walang touch, walang talagang play. So, marami talagang challenges.”

Patuloy niya, “Ang bata pa kasi nung sa akin… at least dun sa first semester, ang hirap siyang paupuin, at makinig. Maiksi yung attention span, especially, yun nga, screen lang siya, e.

“Hindi naman katulad ng in person. Tatayo, iikot, maglalaro. So, ang ginawa namin, unti-unti tinatanggalan namin ng laruan yung ‘classroom’ niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Eventually, naintindihan naman niya na it’s school time, it’s 45 minutes a day. Naintindihan niya, and then she started to get engaged, interested.

"'Tapos, unti-unti niyang nakilala ang classmates niya even online."

Pero pagdating ng second semester ay nakasanayan na raw ni Tali at nae-enjoy na niya ang pag-aaral online.

Nalagpasan ito ni Pauleen lahat, kahit nahirapan din siya sa pagtutok sa kanyang anak. Kaya nung nag-graduate ito nung Huwebes, parang malaking achievement din daw ito sa kanya bilang ina.

“Alam niyo po, milestone talaga 'yan, especially during this time na hindi normal, e, na nasa bahay lang ang mga bata.

“So, parang hindi lang ang bata ang gumradweyt, parang ang magulang din, or the learning supervisors.

"Kasi, success na natapos din. Hindi kasi siya madali, e,” saad ni Pauleen.

Nagugulat lang daw si Vic na pagkatapos na ipinost ni Pauleen ang graduation ni Tali sa kanyang Instagram account, may ilang online sites na nag-pick up nito. Hindi pa naman daw nag-graduate ng Medicine si Talitha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Pagkatapos ng Nursery, ay moving-up na si Tali sa pre-Kindergarten, pero online pa rin dahil napakabata pa niya at wala pang anti-COVID vaccination.

“Not yet, because she’s four years old, wala pa siyang vaccine,” sabi ni Pauleen.

“So, the incoming grade, wala pa rin kasi August pa mag-start. So, hindi pa rin po.

“Hopefully, along the way, maybe late this year or next year, maging hybrid at least. Kalahati sa bahay, kalahati sa school.

“But right now, wala pa ring plans yung DepEd for this age group, na naintindihan naman because safety first.”

NOEL FERRER

Ipinagmamalaki ni Pauleen na sa edad na apat ay nagagawa nang magbasa ni Tali ng libro.

“Napakagaling magbasa nung bata, nakakatuwa. Auditory learner siya, e,” sabi ni Pauleen.

“Nung una, puro-tenga tenga lang. Magaling. Na feeling nga namin kaya siya natutong magbasa kasi nami-memorize niya yung words, and eventually… napi-pick up niya na parang nami-memorize niya yung hitsura nung salita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Every night kasi, we read books. Gusto niya na binabasahan namin siya. Eventually, siya na yung nagbabasa para sa amin.”

Nakikita nila ang interes ng bagets sa pagbabasa at pag-aaral.

“Na-shock din kami. Sabi nga naming mag-asawa, we won’t take credit for it. Kasi parang…. I mean, it wasn’t intentional na turuan siyang magbasa.

"Parang it came naturally. She’s so interested. Hindi na siya dumaan sa phonetics.

“Yun nga. Parang na-memorize niya yung salita, and I guess eventually parang nahimay-himay niya na ganun yung pagbabasa.

“She super love books. She’s actually, interested in studying and learning a lot of things.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pauleen Luna ipinagmalaki ang hilig sa pagbabasa ng four-year-old daughter nila ni Vic Sotto na si Tali: “Na-shock din kami. Sabi nga naming mag-asawa, we won’t take credit for it. Kasi parang…. I mean, it wasn’t intentional na turuan siyang magbasa. Parang it came naturally. She’s so interested. Hindi na siya dumaan sa phonetics. Yun nga. Parang na-memorize niya yung salita, and I guess eventually parang nahimay-himay niya na ganun yung pagbabasa."
PHOTO/S: @pauleenlunasotto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results